20

540 28 3
                                    

"Nilalagnat ka na kaya ka nagsasalita mag-isa.Akala ko naman gising ka na."akala ko talaga alam na niya na may anak kami.Nanaginip lang siguro 'to dahil tumataas ang lagnat niya.Ano bang ginawa nito at napagod nang husto.Pinupunasan ko na naman ang mga braso niya.Kailangan niyang mapawisan para bumaba ang lagnat.Pinatay ko ang aircon sa loob.Kahit mainit tiisin ko na lang  mapawisan lang ang loko.

"Ano hindi pa rin yan gising?Iiwan namin yan sa flight--ay iiwan namin KAYOng dalawa."kunwari pa sina Josh na gusto kaming isama halata namang iiwan naman nila kami dahil bitbit na nila maleta nila.Ang kakapal.Ganyan siguro kapag nakita yung ex na may kasamang iba.

"Josh,iiwan natin talaga sila dahil kailangang magpahinga ni Ken.Na-move lang naman flight nila eh.Tara na baka tayo naman ang mahuli."sabi ni Stell na may yakap na stuff toy.Mukhang antok pa.

"Gusto mo lang makita si Joy.Pangit naman ugali non."

"Ikaw din naman ah,hindi nakapagpigil.Kaya tayo na-late umuwi kahapon eh,may kikitain sa CR.Napakagaling naman non."nagbardagulan pa nga si Josh at Stell.

"Tumigil na nga kayo.Aalis na kami,sabihin mo kay Ken sumunod na lang kayo at pakisabi,Happy birthday."oo nga pala,birthday na niya.

"Gago birthday na pala nyan??Pag-uwi natin,alam na ha."buti naman may pinaplano sila for his birthday.Maiiwan daw kami pati na rin pala si Ate Arianne para hindi kami nag-iisa.Umalis na nga yung apat nang hindi man lang nagpaalam.Iniwan talaga kami.

Napagdesisyunan kong bumili na lang ng cake para sa kanya.Para naman malaman niya na hindi namin nakalimutan na birthday niya ngayon.Tulog lang naman siya at bababa lang naman ako.Babantayan na lang din ni Ate Arianne siguro.

Happy Birthday Ken!

♡SBT FAM

Dedication cake na lang binili ko.Wala na kong pera dahil kailangan ko pang uwian ang mga anak namin.Nadatnan ko si Ate Arianne na nakatulog na sa pagbabantay.Pagod na pagod na rin siguro siya dahil kahapon pa siya paikot-ikot.Kumuha na ako ng mga pagkain at ginising si Ate.Sabi ko i-surprise na lang namin si Ken,pumayag naman siya.

"Gising ka na..."

"Mahal mo pa rin ba?"

"Ano bang klaseng tanong yan ate,syempre hindi na."

"Kung hindi na, bakit hindi ka man lang nagreklamo na alagaan siya agad-agad.Kung si Krystal andito,sure akong aayaw yon dahil ayaw niyang napapagod pero ikaw,andito ka,para kay Ken."paliwanag nito.Kahit naman gustuhin ko na bumalik siya sa akin hindi na pwede.Masaya na siya kay Krystal.My main goal is to introduce our kids to him,not to beg him to comeback to me.Anggulo na ng sitwasyon.

"Ate,hindi na po.Gusto ko lang naman makilala ni Ken ang mga a-anak namin."nanlaki ang mata niya sa narinig niya at nagpabalik-balik ng tingin sa aming dalawa ni Ken.Sabi na nga ba eh,magugulat talaga ang lahat kapag nalaman nilang may anak si Ken.

"May MGA anak na kayo?Agad?Tinago mo?"tumango ako at huminga ng malalim.Hindi ko alam ang naiisip ni Ate pero kinakabahan ako.

"Kailangan niyong mag-usap tungkol dyan Shann.Iiwan ko na kayo.Kailangan mong sabihin yan dahil mahirap na lumalaking walang ama.Goodluck Shann.Congrats sa inyo."akala ko naman papagalitan niya ako.Suportado pa nga.

Natahimik na naman ako habang inaantay na magising si Ken.Nakakainip na sa totoo lang,wala pa akong ligo.Ang baho ko na pero sige,wait pa rin natin.Medyo bumaba na rin agad ang lagnat niya kaya sana magising na nga siya.

"Ano ba yan Ken,kanina pa ako kumakanta ng Happy Birthday dito hindi ka man lang nagigising."gustong-gusto ko nang gisingin 'tong lalaking to dahil baka hinahanap na ulit ako ng mga anak namin.

"Inaantay ka na ni Kai at Khloe sa bahay.Gumising ka na dyan.Mahal ka nila kahit wala ka sa tabi nila at saka,mahal pa rin kita...Ken.Gising na."umungol si Ken matapos kong magsalita.Natataranta na naman ako sa inaakto ni Ken.Minsan naiisip ko nagpapanggang lang tulog 'to.

"Mama...I love you rin Mama."natawa ako ng una pero kinabahan din ako.Kausap niya ba ang nanay niya sa panaginip.

"Tita 'wag po muna si Ken,please."napadasal na lang ako habang pinapanood si Ken na nagsasalita habang tulog.Sobrang weird 'di ba.Nagcellphone na lang habang hinihimas ang buhok ni Ken at sabog na naman notifications ko.Parang bata si Ken lalo na sa buhok niyang humaharang sa mukha niya.

•neks| @/neksusonyarn
     @/keunsnsn musta na u??ㅠWe miss you na!

HAPPY GARUDAY
#SB19KenDay
@/SB19Official

•KENTIN LANDIAN WHEN|@/kentinofc
    Happiest birthday to Justin's betterhalf,Ken.We hope that you're now okay.Stay kind and handsome.We love you!

HAPPY GARUDAY
#SB19KenDay
@/SB19Official

●ANONG TSISMIS na IN NOW |@a'tinofficial
     Yesterday's concert was a blast.Let's look back to our birthday boy's performance with this mysterious girl!Do you have any clues who is this girl👀
      |
      |
•rainetin| @/jahmbohatdog
      si ate shannie po WAHAHAHAHA




Anak ng puta paano ako nakilala non.Ang daming retweets and likes ng reply na yon sa big account ng mga chismosang yon.They second the motion daw.Wala naman silang magagawa kung ganon.

"Goodmorning..."napabitaw ako sa phone ko dahil nagising na si Ken!Ang bilis ng tibok ng puso ko.Nakapikit pa rin naman si Ken pero gising na siya.Gising na siya!

"H-happy b-birthday to you..."dali-dali kong kinuha ang cake at sinindahan ang candle.Mas excited pa ko magblow ng cake sa kanya eh.

"Shannie??Birthday ko??Talaga?Oh my--"napatakip siya ng mukha sa kahihiyan.Tinawanan ko tuloy kahit sarili niyang birthday,limot na.

"Happy Birthday Ken!I lov--"putangina mo Shannie.Malandi.

"Thank you."hindi na niya ako pinatapos at hinipan ang candle ng cake niya bago tumingin sa paligid.

"Ginawa niyo talaga yan para sa akin?Nasaan yung apat?Bakit wala?"

"Tayong dalawa na lang ang nasa Iloilo.Nakaalis na sila.Kailangan mo kasing magpahinga."


"Bakit ikaw pa?"wow ha.After kitang alagaan,yan pa ibubungad sa akin.

"Ayaw mo?Okay lang naman.Sorry--"

"Syempre gusto ko!Pero bakit ikaw pa yung nandito?Mapapagod ka lang sa akin.Napagod ka ba?"

"Konting tulog lang ang wala pero hayaan mo na!Sige na kumain ka na,bumili kami ng foods for you."tumayo na siya sa pagkakahiga at kumain na nga.Mukha ngang nanay ako nitong lalaking to dahil ako pa nag-ayos ng pinaghigaan.

"Okay ka na ba?-Teka pawis ka na."kumuha ako ng bimpo at pinunas sa kanya habang kumakain siya.

"Yes Mama.Okay na po ako."hindi ko na tinapos pagpupunas ko sa kanya.Mama?Mama ng anak niya haha.Yes.

"Kain ka lang dyan.Maliligo lang ako."hindi na niya ako pinansin.Ang kapal talaga.Halos hindi na ko matulog kakabantay sa kanya tapos hindi ako papansin.

Habang naliligo ako kung ano-ano pumapasok sa isip ko.Ngayong gising na siya,sasabihin ko na ba?Ngayon ko na ba talaga sasabihin ang mga nangyari sa amin?Bumabalik na naman yung kaba ko.Sabi ni Ate Arriane,mag-usap kami.Sinabi ko na rin kina Kuya na sasabihin ko na.Sigurado akong excited yon na hindi na silang apat ang tatayong mga anak ko.At kung ngayon ko rin sasabihin, parang ginawa ko namang birthday gift sa kanya ang mga anak namin.Eh ayaw niya nga mag-anak in the first place!

Sa sobrang lutang ko,tapos na pala ako maligo hindi pa ako naalis sa CR.Nakakainis,si Ken lang naman naiisip ko pero lumilipad na kaluluwa ko pero natauhan na naman ako nang marinig ko ang pamilyar na boses sa labas.Muntik na akong madulas sa naririnig ko.








"Mommy said she's with daddy yesterday.Daddy's sleeping and tired daw because of work.She promised that Mommy will introduce Daddy to us,so you are our daddy since you are with her!"my body froze out of nowhere when I heard Khloe's voice from my phone while Ken...







"Really?So,what can you say,mommy Shannie....Anak ko ba sila?"ngumiti ito bago sumama ang tingin.

A Life Before Fame (DRUNK Sequel)Where stories live. Discover now