"Ken..."nilapitan ko si Ken pagkatapos ko marinig ang putok ng baril.
Niyakap niya ako.Hindi ko na rin napigilan umiyak nang makita ko ang nakahandusay na si Jhie.
"Hindi naman niya kailangan gawin..."
"Pero ginawa niya."lalo pa siyang umiyak.Muntik na siyang mamatay.
Tumingin ako sa paligid.Nakalayo na pala sina Krystal.Okay na rin kaysa guluhin pa niya kami.
Bangungotin sana siya ng masasamang espiritu sa pagpatay ng mga anghel na nagkatawang tao.
"Hindi na niya tayo guguluhin..."
Two years.Two years na ang nakalipas since that incident happened.Mula noon hindi na nga kami ginulo ni Krystal.
We also filed a case against her na hanggang ngayon umuusad pa rin dahil hindi pa ulit siya mahanap.Nasira ang career niya ng sobra.Sirang-sira ang image niya.
Muntikan na rin mabuwag ang grupo nina Ken dahil sa isyung iyon but the company and fans defended the group from false accusations.
Masaya na rin kami ng pamilya ko.Khloe is now 7-year-old little girl.Sa pinas na pinag-aral.Good thing mabilis siya maka-pick up ng Filipino lessons.Nakakapagsalita na rin ng straight tagalog pero minsan mali-mali.
Public na rin ang relationship namin ni Ken.Oo,kami na officially.Nakakalabas na kami ng kaming dalawa lang.Mas naging maayos ang pagtanggap ng fans sa akin hindi gaya noon.
"Happy anniversary."he kissed me on my cheek.What a great morning to start.
"Happy anniversary too,love."kahit inaantok pa ako,may parteng gising na gising.
"I love you.Kain na tayo..."patayo na siya ng higaan pero dahil katabi niya ako matulog,dinaganan ko siya para hindi makaalis.I licked his adam's apple and he groaned.
"Ang aga pa...Kakatapos lang natin kagabi,love."mahina akong tumawa habang pinapagpatuloy ang ginagawa ko.Hinahayaan niya lang naman ako.
"Kumain ka na ng pagkain.Nagluto na ako.Pampalakas kay bayaw."mas naisip pa pala niya si Kuya Pau.Umalis agad ako sa ibabaw niya at nagbihis.Bitin din siya at gulat sa ginawa ko.
"Sinabi ko bang tumigil ka?"lumapit siya sa akin at hinatak ako papalapit sa kanya.He kissed me passionately.He pushed his tongue inside me before leaving me in panting.
Bwisit.
Lumabas kaming dalawa at nadatnan na si Kuya Pau at si Khloe na kumakain na ng umagahan.Umupo na ako sa tabi ng anak ko pero lumipat siya sa tabi ng daddy niya.Napaka- daddy's girl nakilala lang ang tatay.
"Kailan kaya ako magkakaanak?Baka mamaya agawin ko na 'yang si Khloe sa inyo."bungad ni Kuya Pau.
"'Di ba may nakilala ka kahapon?Ayaw mo doon?"hinampas siya ni Kuya.Wala atang silang kinukwento sa akin.
"Huh?Wala akong interes."
"Paano ka magkakaanak wala ka pa namang interes."sumubo ako ng pagkain bago kami natahimik.Wow.Sa aking walang pake.
Sino ba ang karelasyon ni Ken,ako o si Kuya?Oo nga pala
Pampalakas kay bayaw.
"Lalabas kaming tatlo.Anniversary namin."hindi man lang nag-react si Kuya.Alam na naman niya siguro iyon.
"Sama ako."batok kay Ken.Buti nga.
Sabay-sabay kami nina Ken at Khloe naligo.Bata pa naman si Khloe kaya okay lang at nakita na rin naman ni Ken ang lahat sa akin.
Kumain kami sa labas pagkatapos namin ipasyal si Khloe.Kahit papaano nagagawa niya na maging masaya kahit na wala na si Kai...
"It would be happier if Kai's here."sinabi ni Ken habang pinapanood namin si Khloe na nagsasayaw sa isang laruan.Mukhang mamamana niya ang talents ng tatay niya.
"Don't worry.You will be a dad again."regalo ko sa anniversary namin ang isang t-shirt na may design na baby.
Hindi kayo nagkakamali.
Pabalik-balik siya ng tingin sa akin at sa anak ko habang ako pinapanood pa rin si Khloe na sumasayaw.
"Seryoso ka ba?"napasalampak siya sa sahig sa tuwa kaya pinagtitinginan siya ng iba.Mas nag-react pa siya sa akin nang malaman kong buntis ako.Last week ko lang nalaman nang hindi na ako datnan.
"Pustahan,lalaki anak natin.Tatay na ulit ako."ako ang nahihiya para kay Ken.Ipinagsigawan niya pa.Pinalakpakan tuloy kami kaya tumigil din sa pagsasayaw si Khloe at nagtatakang tumingin sa amin.
"Kapag lalaki...ako na ang magpapangalan.Iisip ako dahil siya ang magiging hottest main dancer ng henerasyon nila."wala pa yung bata,career na agad iniisip!Napamasahe na lang ako sa sintido ko dahil kanina pa siya seryosong nag-iisip ng ipapangalan kung lalaki man ito.
Bumili na rin kami ng dedication cake para iuwi sa bahay.Gusto rin ni Khloe na magpahinga na dahil inabot na kami ng hapunan sa dami ng gusto niyang gawin.Nakakapagod pero parang wala lang kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.
"Tumawag si Maris...Iniinvite nila tayo sa...kasal nila ng nobyo niyang bano."natawa ako sa sinabi niya pero hindi ko siya masisisi kung mahal niya pa rin talaga si Ate Maris.
"Buti pa kayo no,may comeback na nangyari.Sinaktan ko kasi si Maris ng sobra."umiinom pala si Kuya pero tinago niya nang dumating kami.Ayaw niya siguro makita ni Khloe na nainom siya.
"Hindi naman kita masisisi kung mahal mo pa rin,Kuya.Move on na lang.Ito na lang tandaan mo,kung saan siya masaya,dapat maging masaya ka rin kung talagang mahal mo siya."tumango-tango pa siya bago inubos ang alak na iniinom niya.
"Happy anniversary sa inyo at magkakaanak pala ulit kayo.Nakita ko PT mo sa kwarto niyo."nahiya naman ako.Niyakap pa niya ako.Lasing na siguro 'to.
Dinala ko siya sa kwarto niya at tinignan din si Khloe sa sarili na niyang kwarto.Tulog na tulog.Dumiretso na rin ako sa kwarto namin ni Ken.Sobrang dilim pero alam ko na naman kung bakit.
Pagpasok ko ay may mga pulang rosas at kandila sa ibaba.Ayaw ko sa mga ganito pero kapag mahal mo yung gumagawa,kinikilig ka rin.
"Love,we encountered a lot of struggles in our lives pero hindi tayo bumitaw.We're still here,celebrating another anniversary of being together and plus 2."alam ko na 'to eh.
"Anong pautot na naman 'to,Felip John?"
"Hindi na ako magpapaligoy pa.Since you gave me a wonderful gift,I'll give you the best gift that a man can offer."lumuhod siya sa harap ko hawak-hawak ang singsing.Imbis na maiyak,natawa ako sa itsura niya.
He's wearing a tuxedo and boxer shorts.
"Shannie,will you marry me?"then he asked the question I wanted to answer since day 1.
"Ayoko pa--"
"Tumigil ka nga!Akin na 'yang kamay mo."pinasok niya ang singsing sa mga daliri ko bago ako pinaliguan ng halik.
"Kahit sa next life ko,ikaw pipiliin 'kong pakasalan.I love you so much."
"I love you too.Hindi mo kasi ako pinatapos eh.Ayokong tumanggi ang sagot ko."niyakap niya ako at nagsayaw kami sa gitna ng mga kandila at rosas.
Sa susunod na habang buhay,ikaw pa rin ang gusto 'kong makapiling.Ikaw,hanggang sa huli.
end.
YOU ARE READING
A Life Before Fame (DRUNK Sequel)
Fanfiction[COMPLETE] DRUNK SEQUEL Shannie believed there was a lifetime waiting for her children. Ken is now the biggest idol in the Philippines. They formed a life before his fame.