16

488 28 0
                                    

"Hala?!Bahala ka dyan uy.'Wag mo ko idamay.Masaya na ako sa aking Joy.Bakit kasi ako?Pwede naman si Justin para mas masakit."kinuwento ko kay Stell ang nangyari sa amin ni Ken last week.Pinalipas ko muna ang bagong taon dahil ayaw ko namang maging pangit ang new year ko.

After namin mag-usap ni Ken sa school namin dati ay nagsagawa agad sila ng live para linawin ang issue nila ni Krystal.Ginawa ni Ken ang sinabi ko na may misunderstanding lang sila at hindi sila naghiwalay.Nagulat si Krystal doon at naging masaya naman ang management na hindi masisira ang showbiz relationship  nila.Kahit naman peke yon,magugustuhan din naman ni Ken yon.Napahiya rin ang account sa Twitter dahil sa balitang pinakalat nila kaya nagdeactivate na lang.Simula noon,hindi na ako ginulo ni Ken at hindi na rin kami nagkausap pwera na lang kapag work related.Naging mabuti na rin ang pakikisama sa akin ni Krystal.Mabait naman talaga siya pero tanga lang kay Ken.Ewan ko ba sa babaeng yon.

"Sige na Stell.Isang linggo lang please??"pagmamakaawa ko na maging kami para makita ni Ken ang sinayang niya--char.

"Nililigawan ko na si Joy,Shann.Sorry ha,bakit naman kasi late ka na?edi sana tayo na talaga.Alam mo sige papayagan kita na sumama sa akin lagi pero kapag nandyan si Joy ha,behave.Sasabihin ko rin kay Joy ang tungkol dito,"maya-maya ay bumulong pa ulit ito.

"Mamaya,ikaw na naman ang maging kabit."hinampas ko siya sa braso dahil naikwento ko rin kung gaano ako naiinis kapag tinatawag akong kabit.

Nagyaya kasi si Krystal na magdouble date kami sa pribadong resto na rerentahan. niya raw para sa amin.Bukod sa management and staffs,walang nakakaalam na may babae na rin na hinahabol ang iba pang members.Bagong taon na naman kaya okay na sila na magkaroon ng relationship.Tumatanda na rin sila.Si Ken,may Krystal.Si Stell,may Joy.Si Josh,may Jamie?Ewan ko ba dahil mukhang wala na sila.Si Jah at kuya,wahaha ewan ko ba don.Si Kuya,kay Ate Maris pa rin kahit sinabi na ni Ate na sila na nung nanliligaw sa kanya at umalis na rin sila pagkatapos ng bagong taon at soon na titira sa Australia.Masaya ako basta masaya si Ate.

Next week na rin ang free concert nila Iloilo.Gusto na din agad magbakasyon kahit kakaumpisa pa lang ng tour nila.Todo ensayo ang mga boys,minsan nga hindi mo na sila makakausap sa sobrang busy.Nag-aalala na yung fans pero alam naman nilang busy kaming lahat para maging successful ang events nila.

The day after sagutin ako ni Stell,it was their day off kaya double date na raw kami.Napakaexpensive tignan ni Krystal at ni Ken sa suot nila at kami naman ni Stell,sakto lang.Umorder na rin pala sila ng kakainin.Sakto dahil hindi pa rin ako nakain kaya kumain agad ako.

"Shannie,sorry.We didn't order too much food because I thought you're not matakaw but it's okay.We will order more.Waiter--"

"No ma'am!It's okay Krystal.I'm just hungry but believe me,I'm not matakaw like what you have said."tumawa si Stell sa asta ko kaya inapakan ko siya para tumahimik siya.Si Ken?Kain is life din at nilalantakan ang cake.Gusto ko rin pero nahihiya ako.

Kumain lang talaga kami at naki-join na sila na kumain din nang madami gaya ko.Natigil si Stell sa pagkain dahil may tumawag sa kanya.Sadly,that was Joy at nasa labas siya ng restaurant.Inaantay siguro niya si Stell.Patuloy pa rin sa pagkain sina Ken at Krystal.

"She's here,lalabas na ako.Enjoy eating!"bulong nito sa akin.Alam ko naman na lalabas sila tonight.Nasaktuhan lang na ngayon din ang double date namin.Okay lang din daw kay Joy dahil kilala niya pala ako dahil din kay Stell.Hindi naman daw siya nagseselos.

"Where is he going?"tanong ni Krystal nang makaalis na si Stell.Awkward tuloy ngayon.

"May emergency daw sa bahay.Sinundo siya nung ano--kapitbahay nila."

"Oh really?Actually,I had also an emergency meeting with my manager and with a TV network.I'm sorry guys but you can still continue eating.Stay here Ken okay?Love you."hinalikan pa ni Krystal si Ken sa pisngi bago kami iwan ditong dalawa.Gaya ng sinabi ni Krystal kumain nga kami nang kumain.Umorder pa ulit si Ken pero hindi ko na kaya,kaya umiling na ako sa alok niya.

"Aalis na rin ako,thank you for a wonderful meal."bago pa ako makatayo,hinawakan niya agad ako sa braso.Eto na naman tayo okay na eh.

"Hmm,thank you rin but umupo ka muna please I want to have a grear conversation with you tonight."iniinis na naman niya ako as usual kaya sige go ako.

"Hindi kayo ni Stell."

"Ha?Hindi mo ba kami nakita?"

"Hindi ako bulag.Nakita ko kayo pero nakita ko rin si Joy sa labas.Nang nakita ko siya, umalis si Stell.Joy was Stell's student before and he admit that he's starting to court Joy.Hmm paano ka ngayon magsisinungaling."

"Lahat na lang pinakikialaman mo noh?"

"Because I care.Bakit nagsinungaling ka naman sa akin?"eto na naman kami eh.Nag-uusap na naman kami tungkol doon kung kailan okay na ang lahat.

"Kasi ano.."wala akong maisagot.Under na under na ako sa lalaking to ha.Bakit ba alam na naman niya ang lahat.

"Lagi na lang ba tayong ganito?Mag-aaway tayo sa tuwing maiiwan tayong dalawa.Paano ako magmu-move on nyan?"napalakas pa ata ang sabi ko dahil nasamid siya sa iced tea na iniinom niya.

"Hindi ka makamove on sa akin?Seryoso ba yan?"tanong niya.

"May sinabi ako?"


"Oo nirecord ko."nakabukas nga ang recorder niya sa phone!Ugh nakakahiya!


"Tapos?Eh ano naman diba."hindi ko na napigilan yakapin ang sarili ko sa kahihiyan.Malandi ka talaga self.




"Same lang naman tayo."kumindat pa ito bago ulit sumimsim ng iced tea.

A Life Before Fame (DRUNK Sequel)Where stories live. Discover now