"Ipasok mo na lang."Hingal na hingal akong bumagsak sa kama sa ginagawa namin ni Ken.Nakakapagod pero maganda pa rin pala sa pakiramdam na malinis yung kwarto niyo.Sinabi niya kagabi na dito na siya titira muna habang nahanap pa kami ng pinakamalapit at malaking condo para bumukod na kami.Yung dalawa,naglalaro na naman as always.Si Kuya,may pupuntahan daw siyang importante pero hindi daw kina Tita Grace...Saan naman pupunta yon?
"Inaantok na naman ako.Maya na ulit."
"Nabuntis na naman ba kita kaya ka na naman inaantok?Napagod ba kita kagabi?"binato ko siya ng unan.
"Nakakangalay kaya."sinong hindi mangangalay buong gabi kayong magbabatuhan ng unan nang walang ingay kasi tulog ang mga anak niyo.Dinaig pa ni Ken bata.Lagi na lang ako nagbabato ng unan tapos siya ang sasalo.Walang kwenta.Pinagod niya nga lang ako.
"Bakit nga ba kita pinakilos?Dapat pala nagpapahinga ka,matulog ka na."
"Tutulog lang ako kapag naligo na tayo nang sabay."tinaas-taas pa niya ang kilay niya.Hindi niya talaga ako tatantanan hangga't hindi pa nasusundan.Sa totoo lang,ayaw ko pa ulit.Lagi kasi ako iisipin ng lalaking yon kapag nabuntis ako.Hindi ko pa rin nasasabi kay Sir Xander ang sitwasyon naming dalawa.Hindi ko alam kung anong kapalit ng masasayang nagagawa namin ngayon kapag nalaman na ng lahat na may anak na siya.
"Ligo?Ano yon?Sardines ba yon?Maligo ka mag-isa bahala ka dyan."tinulak ko na siya papasok ng CR.Buti na lang hindi ako hinila,kundi mapapasabay talaga ako maligo sa kanya.Ayoko pa ngang masundan eh.
Nag-text si Ate Arianne sa akin at sinabi ko na okay na kami ni Ken.Kailangan palang pumunta din ni Ken sa trabaho dahil may isa pang surprise party at appearance ulit pagkatapos ng insidenteng nangyari nung concert sa Iloilo.Pinakain ko tuloy agad ang mga bata at iniwan na naman sila.Papasabi ko na lang kay Yaya na sumunod si Ken sa company pagkatapos maligo.
Nakarating naman agad ako at bumungad sa akin ang mga balloons na ready na for Ken.Mostly black and gold balloons.May pakulo pa pala ang members,kaya pala nauna na si Kuya pumunta dito dahil sila raw ang maglulutong apat ng pagkain.Akala ko naman may ka-tagpong babae na rin si Kuya.Si Krystal din pala...Andito siya at tumutulong sa birthday banner naman.Sana nga hindi totoo na may relasyon sila kasi masasaktan si Krystal.Good terms na kami kaya ayoko siyang masaktan.Alam na kaya niya?Siguro.Hindi ko alam.
"Shannie!Anong nangyari?Kumusta?"tanong agad ni Stell kaya siya napatigil sa paggawa ng coffee jelly.
"Alam na niya,okay na kami."napa-palakpak pa siya dahil doon.
"Edi pwede na naming puntahang lima yung dalawa lagi?"tumango ako.Masaya akong hindi nila pinapabayaan yung dalawa.Sila ang unang babies kaya spoiled din sila ng mga tito nila.Feel old yet?Dati estudyante lang kami nina Ken tapos ngayon may pamilya na agad.
"Saglit tumatawag si Ken,"naputol ang usapan namin kasi tumatawag si Ken kay Stell.Wow.Jowa?Jk.
[Bro.Guess what?]ni-loud speaker pa ni Stell para marinig ko rin ang sinasabi niya.
"What-awat.Ano nga?"
[I'm a dad!Tanda mo yung mga batang sinasabi kong kamukha ko,anak ko pala yon kay Shannie.Hayup yung babaeng yon,ansakit pare.One dot lulumpuhin ko yon.]wala ba talagang tigil ang bunganga ni Ken?Napatakip tuloy si Stell ng bibig at pinipigilang tumawa.One dot sasapakin ko si Ken.
"Alam ko na anak mo yon."
[Ha?Eh tinago ni Shannie yon.Bakit mo alam?]
"Alam namin tatlo ni Jah at ni Josh.Kami tumayong tatay niyan kasi ayaw ni Shannie sayo.Hindi ka niya love bleh."para silang teenagers kung mag-usap.Hindi ko na napigilang tumawa kaya lumayo muna ako kay Stell.
[Weh?Ako na lang walang alam?Okay,sige.Bye.Maya na lang ulit.]pinatay na ang tawag.Natatawa pa rin ako pero nakaka-guilty na alam nilang apat tapos siya na mismong ama,hindi.
"Ikaw na bahala don ha.Wala akong kasalanan dyan."umalis na lang ako habang nakangiti.Pinagpatuloy ni Stell ang ginagawa niya.Habang pabalik ako sa training room kung nasaan ang party,nakita ko si Josh na may kausap sa phone.Nangiti-ngiti na rin.Kausap na niya siguro yung ex niya na mahal niya pa rin.
"Andyan ka pala,hindi pa rin ako makapuntang Iloilo pero nakakausap ko siya.Tumatakas pa si Kath para lang makausap ako.Sa tingin mo,gusto niya pa rin ako?"tanong ni Josh.Kaunti na lang kikinang na ang mga mata niya kaya tumango ako.Na-satisfied naman siya sagot ko dahil nagsayaw siya bigla kahit walang tugtog.
"Aasa ako na sa akin pa rin siya after what happened."makikita mo kay Josh kung gaano siya ka-confident sa sinasabi niya.Yung Kath lang ba na yon ang babaeng minahal niya nang lubos?Grabe naman pala magmahal 'to.
"Be ready!Andyan na si Ken!"pinatay namin ang ilaw at naghanda na to surprise Ken.Ako dapat ang magbibigay ng cake pero mas nauna si Krystal na kunin iyon.Sa bagay,wala pa namang may alam bukod sa members at kay Ate Arianne.Tumabi ako kay Kuya kasi feeling ko may hindi magandang mangyayari.Pagkabukas na pagkabukas ni Ken ay sumabog ang confetti at sabay-sabay kaming kumanta ng happy birthday.Late na pero gusto nila yon eh.
"Happy birthday Ken!"pumapalakpak si Ken habang papasok dito bago lumapit kay Krystal.
"Okay ka na?Thank you."nagtilian pa ang paligid sa inakto nilang dalawa.Hinipan na ni Ken ang candle bago kumain ang lahat.Nagtagpo ang mga mata namin bago siya ngumiti at lumipat ang tingin kay Krystal.Torture muna bago landi?
"Guys,may sasabihin ako."napalingon ang lahat nang magsalit ni Ken.Sasabihin na ba niya sa lahat ang tungkol sa anak namin?Natatakot ako kaya kumapit ulit ako kay Kuya.Umiling naman siya.Para saan naman ang pag-iling na yon?
"First of all,I want to thank God for everything that we had.Gusto ko rin magpa-thank you sa inyo dahil inalagaan niyo ko nang mabuti kahit sobrang gago ako before."napatawa tuloy kami nang sabihin niyang gago siya.Where's the lie?Jk.
"Gusto ko rin i-celebrate 'tong birthday ko with my family...Kayo,kayo na ang naging pamilya ko.Lalo niyo akong binuo.Thank you sa pagtanggap sa akin at sana matanggap niyo pa rin ako....kahit na..."
"Happy Birthday!"pinaputok ko yung isang confetti kaya nagulat ang lahat bago naghiyawan.Mukha kasi silang iiyak na kaya ginawa ko yon.Ayaw ko rin malaman muna nila ang tungkol dito.Buti na lang nakisama sila sa akin.Naiiyak na nga sila.
"Muntikan na akong maiyak buti na lang pinutok ni Shannie!"sumang-ayon naman ang iilan.Kita ko si Ken na pinagkrus ang dibdib bago tumingin muli kay Krystal.Si Krystal lang ata,hindi masyadong nag-react sa ginawa ko.Sorry~
"Ang selfish naman ni Love.Sige na,sayo na ako."bumulong si Ken sa akin.Tumayo tuloy ang mga balahibo ko kasi nambibigla.Gusto ko lang naman tikman coffee jelly ni Stell eh.
"Umayos ka nga Ken.Wala ka sa bahay."bulong ko rin sa kanya.Lumayo na tuloy ako dahil sa hiya at tumabi kay Krystal na nakain ng corndog.
"Oh hi!I'm sorry I wasn't able to perform with Ken last time.I owe my life to you.Thank you for saving me.You're a good singer,why don't you audition in famous companies here?"audition?Ayoko ng spotlight.Ayokong mapunta sa akin ang atensyon pero nali-link kasi ako sa artist kaya hindi maiwasan.Hindi talaga pumapasok sa isip ko na mag-artista.Tahimik na kami ng mga anak ko.Si Ken na lang.
"I hate spotlights,Krys.I hope you're okay now."
"Yeah.I'm super okay now because Ken is here.I want to tell you something but please don't say it to others....Eventhough you are already his ex,I just want you to know that...our relationship is fake....from the very,very start."parang tumatalon ang puso ko sa saya sa naririnig ko.Ayokong ipahalata na masaya ako kaya umupo ako nang maayos at nakinig pa sa susunod niyang sasabihin.
"But...I realized that I already fall for him....Last concert,I was thinking of him every second and that made me felt relieve from my sick.I love him and I want our relationship to be official...I mean real relationship,not just for showbiz.I don't want to let him go...Please don't say it to Ken because I'm sure he will break my heart into pieces...Shannie,please help me to get Ken officially...Can you do it for me,bestfriend?"
YOU ARE READING
A Life Before Fame (DRUNK Sequel)
Fanfiction[COMPLETE] DRUNK SEQUEL Shannie believed there was a lifetime waiting for her children. Ken is now the biggest idol in the Philippines. They formed a life before his fame.