"Bakit napakaraming tao at media sa labas?Alam na ba ni ano na anak nya yung dalawa?"nag-aayos ako nang dumating si Ate Maris kasama ang manliligaw niya.Iiwan ko na naman sina Kai at Khloe sa kanya.I need an acceptable reason bakit 'to ginagawa ni Ken at hindi ako papayag na dahil mahal niya ako ang rason.
"Kabit daw ako ni Ken.Pupuntahan ko siya sa school namin.Sabado naman walang pasok tsaka hindi basta nagpapasok don unless may kakilala sila like Ken.Suma kaya ako."
"Suma-langit nawa ang kaluluwa ng kabit.Doon ka na lang sa likod dumaan." Well,hindi ako kabit kaya hindi pupuntang langit ang kaluluwa ko.Nagpaalam lang ako sa mga anak ko na may bibilhin lang at lumayas na.Nakashades na rin ako at mask para safe.Feeling artista ba?Ganoon talaga kapag na-link ka tapos ikaw pa 'yung naging 'kabit'.
Nakatakas ako sa dami ng media na nasa harap ng bahay namin.Sumakay na lang ako ng tricycle at bumaba ng school.Buti na lang walang sumusunod sa akin o nakakakilala sa akin except kay Jamie na nasa harap din ng school at parang may inaantay.
"Jamie?What are you doing here?"bahagya pa itong nagulat at ngumiti.
"Fan ako ni Ken.So totoo nga?"umiling agad ako.Sana naman maniwala siya.
"Of course not!Never akong mang-aahas ng lalaki kahit ex ko pa 'yan alam mo 'yan Jamie.Kayo ni Josh?Kayo pa rin?"
"Alam 'kong hindi mo magagawa 'yon Shann tsaka may gusto kita for Ken.Si Josh?Hindi na kami kasi he's...ahm....oh taxi!Sige una na ako.He's waiting for you inside.Bye!See you ulit Shann.Miss you!"sumakay na siya ng taxi at nag-wave sa akin,ganoon din ako.
Tahimik na tahimik ang school kaya sigurado akong safe na kami rito para mag-usap.Tinanggal ko na ang umaabala sa mukha ko at para na rin makahinga nang maluwag.Kahit medyo malayo pa ako sa court namin natatanaw ko na siyang nakaupo sa bleacher habang nalingon-lingon sa paligid.Bigla na lang nag-init ang katawan ko sa galit.Nababaliw na siya.Tumigil siya sa paglingon-lingon nang makita ko.Bago pa siya makayakap inunahan ko na siya ng sampal.
"Huwag ka nang magulat kung bakit ko ginawa 'yon.Nababaliw ka na ba?Sinisira mo ang buhay mo.Parang ikaw na mismo ang humuhukay sa libingan mo.Ganito ha sabihin mo kay Sir Xander na hindi ka nakikipagbreak kay Krystal.Sabihin mo na nagkaroon lang kayo ng misunderstanding and that's it!Tapos na yung issue,tahimik na ulit ang buhay ko at makakapagtrabaho na ulit ako nang maayos sa inyo.Sige na--"
"Paano kung ayoko?Pakinggan mo muna kasi ako.Hayaan mo naman akong magpaliwanag."
"Anong ipapaliwanag mo?Paulit-ulit mo namang sinasabing mahal mo ako kaya mo ginagawa 'yon.Kung mahal mo ko,hahayaan mo akong maging masaya.Hindi ka ba masaya kay Krystal?Bakit mo pa siya niligawan?"
"Hindi ako masaya nang nawala ka na sa akin.Akala ko lang naman mapupunan ni Krystal yung pangungulila ko.Magpapaliwanag kasi ako makinig ka naman sa akin."
"Isa kang malaking gago.Ayusin mo ang problema mo hindi 'yung mangdadamay ka pa ng ibang tao."
"Ganito kasi 'yon,"
"Tumigil ka na."bago pa 'ko makasagot ulit sa kanya tinakpan niya ng panyo ang bibig ko at umupo kami sa bleacher.Gusto ko rin naman marinig ang paliwanag niya pero napapagod na kasi ako umasa sa wala.Parang sa una maayos tapos magugulo na naman then repeat.
"Krystal is not my fucking girlfriend.It's just a fucking show for this fucking showbiz industry.She's using me for fame and hindi naman siya nabigo but we stopped our relationship when her loveteam came sa Korea.We also have a deal....but don't worry ako ng bahala doon.Tapos bumalik ka at bumalik siya.Kaya ako nawala ng araw na 'yon because she said she regret leaving me and sabi niya kami na ulit.Cool off lang daw 'yong sa amin pero mahal na mahal daw niya.Tatay niya si Sir Xander at binalaan niya ako na kapag tumanggi na naman ako,mapapahamak ka.Ayokong mangyari 'yon kaya pumayag ulit ako pero nahihirapan akong makita ka ulit na malayo sa akin.Okay na tayo diba?Next year,pwede na kami magkaroon ng girlfriend.Ipaglalaban ko na ang sa atin.I broke up with Krystal and I'm going to held a live to make clear things out.Hindi ko sasabihin na kabit kita kasi hindi naman talaga.You said 'I love you too' yesterday and sapat na sa akin 'yon para masabing you're still mine.Sana matanggap mo pa rin ako sa lahat ng ginawa ko."tinanggal niya dahan-dahan ang panyong nakatakip sa akin.Hindi pa nagsisink in sa akin lahat ng sinabi ni Ken.
Ken and Krystal's relationship was all fake.Sa kanilang dalawa,si Krystal lang ang nagmamahal.Na-pressure lang si Ken dahil binantaan siya ni Sir Xander kaya naging sila.May deal din sila pero hindi niya sinasabi kung ano 'yon.Nakipag break siya dahil lang sinabi kong mahal ko rin siya?So kung hindi ko sinabi 'yon,hindi siya makikipagbreak kay Krystal.Sa aming dalawa,ako pala ang may kasalanan.Nagmamahal lang naman siya,gusto niya lang din na maging masaya kasama ako at ipaglaban ang naudlot sa amin.Para sa kanya,tamang panahon na para maging kami ulit dahil lang sa sinabi ko.Ang tanga mo Shannie.Paano ko ibababa ang pride ko sa sinabi niya?Stupida.
"Hindi na kita mahal kaya kahit magpaliwanag ka pa,hindi ko matatanggap ang sorry mo Ken.Ginawa ko lang yung kagabi para mainis si Krystal dahil punong-puno na ko sa pang-aabuso niya.Sana gets mo ko ano?"sabi ko.
"Sino naman ang bago?"deretso niyanh tanong kaya napalunok na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"Si-si Stell!Nagugustuhan ko na siya.Hindi niya ako ipapahamak."
"Ang sabi mo hindi mo siya boyfriend?Nakita rin natin siya noon na may kasamang iba."
"Just shut the fuck up Ken.I like Stell so there's nothing wrong about it.Wag mo na akong habulin,mapapagod ka lang.Please Ken,if you love me,you will do what's the best for me.Hindi tayo ang para sa isa't isa."ilang minutong katahamikan ang namayagpag sa amin bago siya magsalita ulit.
"Tama ka,hindi na dapat ako naghahabol sa'yo.May nagmamahal sa akin kaya hindi ko naman na pala kailangan ng isang tulad mo.Andyan naman si Krystal to help me and andyan na si Stell for you.You both like each other,right?Haha.Thank you for making me realize that we're not meant to be.I won't regret choosing Krystal I think.Be happy."umalis na siya habang ako kanina pa bumubuhos ang luha ko na natatakpan na ng face mask at shades.
Sorry for lying again.Eto sa tingin ko ang tama.Magiging masaya na naman ulit ako dahil unti-unti na siya ulit mawawala....sana.
YOU ARE READING
A Life Before Fame (DRUNK Sequel)
Fanfiction[COMPLETE] DRUNK SEQUEL Shannie believed there was a lifetime waiting for her children. Ken is now the biggest idol in the Philippines. They formed a life before his fame.