CHAPTER ELEVEN: Reality
~
RAIN
"Edi nagsisinungaling lang sayo iyon!" sabi sa akin ni Kuya.
"Tito niya yun! Tito! Sinong matinong kamag-anak ang mag-sasabi na patay na yun --" bakit ba ang hilig nilang mamutol ng sasabihin?!
"Kung hindi pa siya patay, buhay pa siya," anong klaseng suggestion iyan Kuya?
“Ang ibig sabihin, pwedeng nahiwalay lang siya sa katawan niya.”
Napaisip naman ako bigla. Oo nga! Pwede! Pwedeng pwede!
"Wow! Kuya! Gumagana pala yang kokote mo?" pang-aasar ko sa kanya at saka tumakbo papalabas ng bahay pero narinig ko pa siya bago ako umalis.
"Baliw!" sabi pa niya.
Nang makalabas ako ay dinala ako ng mga paa ko sa Haunted House. Kailangankong kausapin si Irish! Asan na ba yun?
"IRISH!!" sigaw ng isang boses. Teka! Hindi ako ‘yun eh! Nagsalita na ba ako? Hindi pa naman ah! Hindi ko pa siya tinatawag may sumigaw na. Sino ‘yun?
"Uy! Anong ginagawa mo dito?" sabi Owy? Letse! Bakit kayo naggugulat? Nakakainis!
"Nagmumuni muni lang naman," sabi ko sabay akyat sa kwarto ni Irish. Wala akong time magpaliwanag, bahala siya sa buhay niya.
---
OWY
*Flashback*
Nandito ako ngayon sa ospital, sinamahan ko ulit si Ully at nakaupo ako ngayon sa mga upuan dito sa hall.
"Ah, diba ikaw po yung babae noong nakaraang araw?" sabi ko sa babae na biglang umupo sa tabi ko. Naaalala ko siya, siya ‘yung may kaaway noong isang araw.
"Ah Oo, pasensya na iho kung nakaistorbo kami ng asawa ko sa inyo ha." sabi niya.
"Ay, hindi po ayos lang."
"Anong palang pangalan mo, iho?"
"Owy po, ikaw po?" tanong ko. Baka naman kasi sabihin niya walang galang ako.
"Ako? Ako si Nessa, tawagin mo nalang akong Ate Nessa," sabi ni Ate Nessa
"Ah, sige po. Ayos lang po ba kung tatanungin ko kung anong problema ninyo kahapon?"
"Ah, ayun. Oo naman.”
"Ano po ba yun?"
"Yung asawa ko kasi, may kinausap siya nung isang araw. At sinabi niya dun sa babae na nagtatanong tungkol sa pamangkin ko na patay na daw ito. Kaya ako nagalit sa kanya, hindi naman patay ang pamangkin ko, na-comatose lang siya," paliwanag niya.
"Pero alam kong magigising ang pamangkin ko, magigising si Irish," dagdag niya pa pero kung kanina ay nakayuko ako habang nakikinig sa kanya, napaangat ang ulo ko nang makinig ko ang pangalang iyon.
Si Irish? Irish na naman! Pwede ba?! Lubayan na ako nyang Irish na yan!
"Tara, samahan mo ako. Gusto kong makita mo ang napakaganda kong pamangkin. Naaawa ako sa kanya, kasalanan ko 'to kung bakit siya nagkaganyan eh! Binilin siya sa akin pero hindi ko naman siya inalagaan," malungkot nasabi niya at hinila ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapahila pero parang kailangan kong gawin ito.
"Tara pasok ka," hindi na pala ako nasasalita , tango nalang ako ng tango.
Pagkabukas ng pintuan, bigla namang tumibok ng mabilis yung puso ko. Abnormal na naman siya! Eh nagiging ganito lang naman 'to kapag nakikita o kasama ko siya, sino pa ba?! Edi yung Irish na yun!
"Eto si Irish, ang pamangakin ko.”
Hindi ako makahinga. Naiiyak ako. Totoo ba itong nakikita ko? Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nakatinginlang ako sa kanya. Unti-unti nang tumutulo ang luha ko.
Hindi ako makapaniwala.
Akala ko ba patay na siya? Ewan ko pero parang nabuhayan ako ng loob at sumigla at yung puso ko, parang nagtatambling sa tuwa. Parang nawala ang galit ko. Nawala ang inis ko.
Mahal ko nga ang babaeng ito.
*Flashback Ends*
Nandito ako ngayon, nakatingin sa likuran niya. Nakatalikod siya sa amin ni Morraine. Hindi ko alam kung bakit nandito ang babaeng ito pero may kinalaman siya sa lahat.
“Umalis na kayo.”
Nandito ako para sabihin sa kanya ang nakita ko. Masaya ako pero parang sumakit ang dibdib ko. Parang tinutusok ng milyong-milyong karayom ang puso ko nang sabihin niya sa akin ang mga salitang iyon.
Nasasaktan ako, dahil mahal ko siya.
~
-Mhim
To God Be The Glory!
BINABASA MO ANG
Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]
FanfictionJust some Chicser things... Copyright © 2012-2013 by LittleFangirl LittleFangirl's Note: I'm trying my best in revising this. Sorry for typo and grammar errors.