CHAPTER THREE: Gitara
~
IRISH
Nagulat ako nang bigla siyang mawalan ng malay habang nagtatalo kami tungkol sa pagtira ko dito. Nag-panic ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naman napatayo ako at may narinig akong nagsalita sa labas. Dahil sa gulat, nabangga ko ang aparador at may nalaglag sa taas nito, hindi ko nman na napansin kung ano iyon. Matapos bumagsak ng bagay na iyon, may pumasok sa loob ng kwarto, isang lalaki.
“Owy,” banggit niya sa pangalan ni Owy. Tinitigan ko siya, kamukha niya si Owy at sa tingin ko ay siya ang sumigaw kanina.
“Kuya, sino ka?” tanong ko pero parang wala siyang nakita at inakay si Owy.
“Excuse me?” banggit ko na may kasamang pagtataray pero hindi talaga ako pinapansin sa halip ay kinuha niya ang mahal kong gitara na nasa kama.
Akmang papalabas na sila nang magsink-in sa utak ko na hawak hawak ng lalaking iyon ang gitara ko. Ang mahal kong gitara, iyon na nga lang ang palagi kong kasama dito sa bahay na ito, iyon nalang ang nagpapasaya sa akin. Kukuhain niya pa?
Lumabas ako ng kwarto at nakita kong pababa na sila ng hagdan. Dali-dali kong inabot ang gitara ko pero – Nanlaki ang mata ko nang biglang tumagos ang kamay ko sa gitara ko. Hindi ako makagalaw, natulala ako dahil sa nangyari.
Anong ibig sabihin noon?
Namamalikmata lang ba ako?
---
OWY
"A-aray," sambit ko. Ang sakit na naman kasi ng ulo ko. Alam ko na nangyari sa akin, nahimatay ako dahil sa sobrang pagod. Paano ba naman kasi, nagbasketball kami bago ako umuwi. Tapos nakalimutan ko gabi na pala at di pa ako umuuwi, nandoon lang ako sa haunted house. Teka lang? Haunted House?! Nakapasok ba talaga ako sa loob ng haunted house na iyon? Tsk. Hindi ako makapaniwala. Ang tapang ko talaga.
Habang nag-iisip-isip, nahagip naman ng mga mata ko ang gitara. Bigla ko namang naalala ang babae sa bahay na iyon. Ang pagkanta niya, ang boses niya - Teka, paano nga napunta itong gitarang ito dito? Nandito kaya siya? Siya kaya ang nagdala sakin dito sa bahay? Tsk. Imposible.
"Hoy! Taba! Ang bigat-bigat mo! Kaya dapat libre mo ako sa McDo mamaya!" pagsasalita ni Kuya. Ano ba naman ito bigla-bigla nalang papasok! Eh nag-e-emote ako dito eh! Tsaka anong taba? Taba niya mukha niya! Dati iyon no!
"Taba mo mukha moh!"
"Basta ililibre mo ako ng ma --" pinutol ko yung sinabi niya saka tinakpan ang tainga ko at nagsalita.
"Lalalalalalalala, wala akong naririnig."
"Oliboy! Wag mo nang asarin yang si Taba! Baka mapagod na naman yang TABAng yan," sigaw ni mama sa labas ng kwarto. Aba naman! Pinagtutulungan ako. Tsk. Ipagtanggol niyo naman ako~
Lumabas na si Kuya pero wala pang isang segundo ay bumukas ulit ang pinto at bumungad sa akin pagmumukha ng Kuya kong baliw.
“By the way, ang ganda ng gitara mo? Saan ka nakakuha ng pambili niyan? Isusumbong kita kay Mama, baka nangupit ka sa wallet niya,” malokong sabi ni Kuya tapos bumelat pa sa akin bago tuluyang lumbas.
Tsk. Ni hindi nga akin iyan eh! Hmp! Nakakainis naman. Ang lakas nilang mang-asar! May araw din sila sa akin!
---
IRISH
A-ano? Guni guni ko lang iyon! Wala iyon! Wala.
At iyon nga wala akong nagawa, kinuha na niya ang pinakamamahal kong gitara. Hay, nakakainis! Umiiyak ako ng tuluyan ngayon, ‘yung gitara ko kasi eh. Hindi iyon naalis sa akin sa araw araw ko dito sa loob ng bahay na ito. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal mag-isa dito, ang alam ko lang mag-isa ako, at malungkot.
Kanina lang ulit ako nakapagtugtog ng ganoon kasayang kanta, puro malulungkot ang kinakanta ko. Ngayon lang ulit ako naging masaya ng katulad nito! Aaminin ko, crush ko yan si Owy, dati pa.
Palagi kasi siyang dumadaan dito sa bahay kapag pauwi na siya sa kanila kaya palagi ko siyang nakikita kaya ayon! Boom! Naging Crush ko na siya. Nung nakita ko siyang nakatayo sa harap ko, di ko alam gagawin ko noon kaya nagtago ako sa likod ng gitara ko. Mukha nga akong tanga nang mga oras na iyon eh! Alam mo iyon, sobrang saya ko! Pero hindi ko ma-explain itsura ko noon! Haha! Akala ko ba malungkot ako? Natatawa nalang tuloy ako habang inaalala iyon.
Basta wala lang iyong kanina. Guni-guni ko lang iyon.
Wala iyon.
---
OWY
"Huy Owy! Dadala-dala ka ng gitara tapos hindi naman pala marunong!" sabi ni Zj, Zj Alversado, Classmate ko ‘yan.
"Baliw yan eh!" singit naman ni Reah, ito naman ang bestfriend
"Pake ba? Gusto mo ikaw nalang tumugtog," Sabi ko kay Zj, ‘di ko na pinansin si Reah. Paepal lang ‘yan. Pasakit sa buhay pero syempre, bespren ko ‘yan!
"Ayoko nga," sabat naman ni Reah. Aba?! Kinakausap ba itong isang ito? Sabat ng sabat. Akala mo naman siya ang kinakausap.
"Kausap ka?" tanong ko kay Reah.
"Uy ZJ! Kausap ka ba daw?" *Le poker face* Walang hiya.
"Ayoko niyan Owy! I feel a bad aura in that guitar! Parang may something, bad presence. Ewan!" tanggi ni Zj.
"Ha? Bad aura? Ayan ka na naman sa mga instinct-instinct mo na yan! Nagmumukha kang abnormal,” sabi ko sa kanya.
"Abnormal ka daw Zj oh!" Sabat na naman ni Reah.
"REAH!!!!" sigaw ko pero tumawa lang siya nang mahina at bumelat sa akin. Belat mo mukha mo! Ipapakalbo kita sa alaga kong leon sa bahay!
"Mr. Posadas! Bakit ka sumisigaw?" biglang may nagsalita sa unahan, nandyan na pala si Sir. Naku po! Kaya pala! Nakakabanas naman talaga 'tong si Reah oh!
Tsk. Inagaw ko nalang ‘yung gitara kay Reah, ibabalik ko pa ito mamaya kay Irish.
~
-Mhim-
To God Be The Glory!
BINABASA MO ANG
Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]
FanfictionJust some Chicser things... Copyright © 2012-2013 by LittleFangirl LittleFangirl's Note: I'm trying my best in revising this. Sorry for typo and grammar errors.