MFF #5
~
<Angel's POV>
I felt happy because I've found the one.
(Mhim: Request lang Angel! Matagalog ka na! Ang hirap ah! Puro wrong grammars ako sayo! =.=)
Sabi ni Mhim eh! Haha sige.
Ok tapos na ang commercial.
Ulit ulit! TAKE 2!
Masaya ako kasi nahanap ko na ang itinakdang tagapagligtas.
Pero nasaan ang nasabing uubos daw ng lahi namin?
At napansin ko rin yun kwintas...
Sa akin galing yun...
Bigay ko iyon kay Adriano, ang kaunaunahang taong nakilala ko. Daan-daang taon na ang nakalilipas.
Naging matalik na kaibigan ko siya... Pero bigla nalang siyang nawala. Hindi ko na alam kung nasaan na ba siya. Wala na akong balita sa kanya.
Kadalasan sa aming mga engkantada, palakaibigan talaga sa tao. Pero wala akong maisip kung sino ang nagkaroon ng relasyon.
"Sino kaya yun?" tanong ko sa sarili ko.
Pumunta ako kila Tita Naomi. Siya ang tatanungin ko.
"Tita Naomi?" tanong ko.
Lumipad ako papunta sa terrace, nandoon nga siya. Dito talaga madalas si Tita...
"Nakita mo na siya..." sabi ni Tita.
"Opo tita." sabi ko at naging dahilan ng pagngiti niya.
"Tita may itatanong po sana ako." sabi ko.
"Ano iyon Angel?" tanong ni Tita.
"Sino pong engkantada ang nagkaroon ng relasyon sa isang tao?" tanong ko kay Tita.
"Naitanong mo din yan... " nangiti si Tita, nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang braso.
"Pumunta ka kay Maria Ireca... sabihin mo ako ang nagpapunta sa iyon doon at doon mo malalaman ang lahat." sabi ni Tita.
"Mahal na mahal kita pamangkin ko... "
"Mahal din po kita Tita, sige po aalis na ako." paalam ko.
"Mag-iingat ka Angel." sabi niya at tumango nalang ako at nangiti.
***
"Maria Ireca? Nandiyan po ba kayo?" kumakatok ako sa pintuan ng bahay niya pero mukhang walang sinuman ang nasa loob.
Nagulat naman ako ng bigla itong bumukas, pumasok na lang ako.
"Maria Ireca?" sumisilip silip ako at baka makita ko siya.
"Anong kailangan mo?" narinig kong boses. Nasa kusina siya.
"Pinapunta po ako dito ni Tita Naomi..." sabi ko.
Napayuko naman siya.
"Tara, dito tayo." sinundan ko lang siya at napunta kami sa library room niya at naupo kami sa mga upuan doon.
"Nakita mo na pala ang itinakdang tagapaglitas?" tanong niya.
"Opo." sabi ko.
Napabuntong hininga naman siya, para siyang nagaalinlangan sa mga sinasabi niya.
"Anong pong problema? Ano po ba ang sasabihin ninyo?" tanong ko.
"Ikaw... ikaw Angel Palafox o Angel Riosa... ikaw ang isa sa mga itinakda." diretsong sabi niya.
"A-ano po? A-anong Angel Riosa? Isa po akong Palafox." pangangatwiran ko.
"Isa kang Riosa. Ikaw ang isinumpang anak ni Myleen at ang taong si Julio."
Napatulala ako sa sinabi niya.
A-ako?
Hinawakan niya ang ulo ko at...
Naging madilim ang paligid...
[Hundred years ago...]
Si Myleen Riosa ay ang prinsesa ng kaharian ng mga engkantada. Namamasyal at nagpapakasaya lamang siya noon nang makita niya ang isang binatang lungkot na lungkot, si Julio. Dahil isang makapangyarihang engkantada si Myleen, nakakapagpalit siya ng laki sa kahit anong oras na ginusto niya, natulungan niya si Julio sa problema niya at doon mas lalong naging malalim ang pagkakaibigan ng dalawa at nauwi sa pagiibigan. Nabuntis si Myleen, at tutol dito ang engkantadang hari at reyna. Kaya naman plano nilang ipapatay ang sanggol at ang ama nitong tao. Matagumpay nilang napatay si Julio, pero bago pa man maipapatay ang sanggol ay naitakas na ito ni Myleen at dinala kay Maria Ireca, ang dakilang manghuhula sa kaharian. Di kalaunan ay namatay si Myleen dahil sa sobrang pangungulila kay Julio, nagpakamatay siya. Dahil sa takot ni Maria Ireca na ipapatay siya ng mga kawal sa kaharian ay ibinigay niya ang sanggol sa pamilyang Palafox, simpleng pamilya sa pamayanan nila.
"Aalagan namin siyang mabuti, wag kang mag-alala." sabi ni Naomi.
"Makakaasa ka sa amin Maria Ireca." sabi ni Hazel.
"Aasahan ko kayo... " nang maipasa niya ang sanggol sa magkapatid ay may nahulog na kwintas. Dalawa ito, parehas na hugis pakpak ng isang engkantada ngunit magkaiba ng kulay, ang isa ay pula at ang isa naman ay asul. Nang kukuhain na iyon ni Maria Ireca, may nakita siya... ang mangyayari sa hinaharap. Ang itinakda. Kinuha ni Maria Ireca ang kwintas na may pulang ilaw at itinago ito.
"Ang hinaharap..." sabi niya at nalungkot sa mga nakita niya.
Ang mga masasayang enkantada ay mapapalitan ng kalungkutan.
Ang halakhak ay mapapalitan ng mga iyak.
Mawawala ang saya...
Isinulat ni Maria Ireca ang itinakda o ang propesiya. Walang sinuman ang nakakaalam nito. Kundi siya lang at si Naomi.
[Sa kasalukuyan]
"H-hindi... " sabi ko at napaiyak nalang dahil sa mga nakita ko.
"Ang itinakda ay hindi na mapipigilan, lalo na at nalalapit na ito." sabi ni Maria Ireca.
Hindi pwede...
~
Softcopies on my site: www.littlefangirlstories.weebly.com
Reminder: DO NOT PLAGIARIZE! Or else I'll bang bang you!
~
Sorry for the grammatical and typographical errors…
VOTE and COMMENT po...
-Mhim-
BINABASA MO ANG
Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]
Fiksi PenggemarJust some Chicser things... Copyright © 2012-2013 by LittleFangirl LittleFangirl's Note: I'm trying my best in revising this. Sorry for typo and grammar errors.