ILMGA: #9

1.5K 21 0
                                    

ILMGA #9

 ~

<Anj's POV>

Nandito kami ngayon sa simbahan. Ako nagdala sa kanya dito, gusto ko na kasi talagang sabihin ei. Pati yung nararamdaman ko, gusto ko nang aminin.

"Kasal agad labs?  Sige sige!" sabi niya

"Ewan ko sayo!"

Lumakad na kami sa unahan, umupo.

Tahimik.

***

Ganito lang kami for hours. Pasarado na yung simbahan,  at dun ko ginamit yung huli kong kapangyarihan. Hinawakan ko ang kamay ni Ully ng mahigpit at napatingin naman siya sakin, ganun din ako. Parang nagtataka siya kasi hindi kami nakikita nung nagsasarado ng simbahan, ganun nga ang ginawa ko (Invisible kami), tatayo sana siya pero hinigpitan ko lalo ang hawak sa kamay niya. Ganun lang kami hanggang sa sarado na ang simbahan.

"Bulag ata yun ah! Haha! Tara lab -- " pinutol ko ang sasabihin niya at nagsalita ako.

"Dito lang tayo please..."

"Hindi ka ba natatakot? Ang dilim oh!" sabi niya

"Bakit ako matatakot? Kasama kita, kasama ko si God." sabi ko.

Napangiti naman siya.

"Wag mo akong iiwan Nina... " sabi niya.

Napahingang malalim ako sa sinabi niya, bakit ba pinauulit-ulit niya yun? Ang sakit malaman na iiwan ko siya. Ay hindi pala! Iiwan siya ni Anj, hindi ni Nina.

"Ully..." sumandal ako sa balikat niya

"Hmm?" nakasandal naman siya sa ulo ko.

"Naniniwala ka ba sa mga angels? kay God? " -Anj

"Dati hindi... " tumingin siya sakin. "Pero dahil nakilala kita, sabi ko sa Diyos na maraming salamat dahil binigay ka niya sa akin."

"Paano kung sabihin ko sayong angel ako?" -Anj

"Huh? Hahaha! Pinaglololoko mo naman ako Labs eh!" -Ully

"Hindi ako nagbibiro." -Anj

Napatingin naman siya sakin ulit. =.=

"Mukha ka naman talagang angel ei! Ganda kaya ng labs ko!" sabi niya sabay smack sa lips.

"Hindi ako nakikipagbiruan Ullyses." -Anj

"Huh? Labs kasi ang weird ng sinabi mo." -Ully

"Tss. Bahala ka diyan! Hmp!" -Anj

Lumayo ako sa kanya ng kaunti tapos lumapit siya, layo-lapit, layo-lapit, hanggang sa nakarating ako sa dulo ng upuan.

"Sorry na..." -Ully

"Totoo naman kasi yung sinasabi ko." -Anj

"Hay naku Nina!" -Ully

"Hindi Nina ang pangalan ko, Anj ang totoong pangalan ko, Anjelica." -Anj

"Huh? Naweweirduhan na ako sayo Labs ah! Wala akong pake ano mang pangalan mo basta Basa ang future surname mo."

Gusto kong kiligin, I mean kinikilig ako ng onti. Pero kasi! Seryoso ako! =.=

"Ewan ko sayo!" -Anj

Tapos binackhug niya ako. >//<

"Ako si Anjelica, isang angel, specifically isang guardian angel. Guardian angel mo. Bata ka palang ako na ang nagbabantay sayo. Alam ko lahat tungkol sayo, kahit sa kasulok-sulukang bahagi ng buhay mo. Alam ko."

"Labs, ano bang sinasabi mo? Nagjojoke ka ba? Baka pinagtitripan mo lang ako ei."

"Hindi nga ako nagbibiro."

Pagkasabi ko nun lumayo ako sa kanya, tumayo ako sa harap niya at ipinakita ang totoo kong anyo, itsura, ang totoong ako. Walang bakas ni Nina.

Kinusot-kusot nya yung mga mata niya.

"Ako ito. Ang totoong ako. Hindi si Nina." sabi ko

o.o

"Mahal mo ako diba? Mahal mo parin ba ako?" tanong ko.

~

Softcopies on my site: www.littlefangirlstories.weebly.com

Reminder: DO NOT PLAGIARIZE! Or else I'll bang bang you!

~

Sorry for the grammatical and typographical errors…

VOTE and COMMENT po...

-Mhim-

Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon