CHAPTER TEN: Truth
~
IRISH
Iyak parin ako nang iyak pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nararamdamankong nandito siya at nakatingin siya ngayon sa akin habang umiiyak ako.
"Irish."
Boses palang niya ang marinig ko, parang gusto nang lumabas ng puso ko dito sa akin sa sobrang pagtibok nito.
"Uy! Owy!" masayang bati ko sa kanya sa kabila nang pag-iyak ko at nakita niya pa iyon.
"Bakit ka umi --" pinutol ko agad ang sasabihin niya at sinabing hindi ako umiiyak.
"Masakit lang ang mata ko, hindi pa ako natutulog simula kagabi.”
"Sabihin mo na kung ano ang dahilan, mapagkakatiwalaan mo ako,” gusto niya ba talagang sabihin ko?
"Ah... Ano…,” paputol-putol ako habang nagsasalita. Sasabihin ko ba? Kapag sinabi ko ba? Magiging maayos ang lahat?
“Ano iyon?” mahinahong tanong niya. Kapag ba sinabi ko ang totoo? Mawawala ba siya? Mas mabuti bang sabihin ko? Dapat ba akong magsinungaling?
"Naririnig mo ba?" iyon nalang ang nasabi ko, ang nasabi ng puso ko.
"Ang ano?"
"’Yung tibok ng puso ko!" Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero imbis na sabihin ko na isa akong multo, ito ang sinabi ko.
"Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit ganito eh! Sa tuwing naririnig ko kasi ang boses mo, hinahawakan mo yung kamay ko, kinakausap mo ako, nakikita ko mga ngiti mo basta nakikita kita. Nagiging abnormal kasi pagtibok ng puso ko," sabi ko ng dirediretso at mabilis
“Ha? Ano?”
“Owy, sa tingin ko mahal kita,” nasabi ko na ang nararamdaman ko. Sasabihin ko narin ba ang katauhan ko? Ayokong maglihim sa kanya. Natatakot man akong iwan niya ako, kailangan kong sabihin ang totoo.
"Ma –“ pinutol ko ang sasabihin niya at nagsalita.
"Pero hindi pwede. BAWAL, kasi hindi naman ako katulad mo,” nang sabihin ko iyon ay nagtaka ang itsura niya. Para bang batang nagtatanong tungkol sa isang bagay at takang taka kung paano ito nangyari.
"Hindi kasi ako tao eh, hindi ako katulad mo," paliwanag ko
"Ha?" iyon nalang ang nasagot niya. Sa tingin ko kailangan ko na itong sabihin kahit na anuman ang mangyari, kailangan kong gawin ito.
"Multo ako, patay na ako. Kaluluwa ako, kaya alam kong hindi tayo pwede," sabi ko sa kanya atsaka ko itinagos ang kamay ko sa pader. Kitang kita sa itsura niya ang pagkagulat at hindi ko malaman kung anong iniisip niya. Ni hindi ko maintindihan kung anong klaseng emosyon ang nararamdaman niya ngayon, para siyang galit na takot. Hindi ko alam.
Umiling-iling siya at saka tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Tinitigan niya ako at para bang nawala ang lahat ng takot sa mata niya at napuno ito ng galit.
Napayuko ako. Gusto ko siyang yakapin, kahit ngayon lang. Nakatalikod na siya at balak ko n asana siyang yakapin pero nang ginawa ko ito…
Tumagos ako sa kanya...
Parang nabiyak sa dalawa ang puso ko. Ang sakit sa pakiramdam. Ano ba ang nagawa ko? Patay na nga ako pero bakit nasasaktan parin ako? Bakit ganito? Ayoko na!
Ayoko nitong pakiramdam na ito. Ayoko ng nasasaktan…
---
OWY
Multo?
Kaluluwa?
Totoo ba yun? Kung totoo nga ang sinasabi niya, bakit nagawa ko siyang mahalin? Bakita ngayon ko lang nalaman? Bakit pakiramdam ko buhay na buhay siya?
Bakit?
Multo siya! Kaluluwa! Di ko dapat siya minahal! Pero niloko niya ako, pinaniwala niya akong nabubuhay siya. Kaya pala dyan siya nakatira sa bahay na yan! Kasi hindi siya tao!
“Ano bang nagawa ko sa kanya at sinasaktan niya ako ng ganito?” pagkasabi ko noon ay biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Kuya na nakatingin sa akin.
"Anong drama yan? Wag ka ngang umiiyak! Bakla ka ata eh!" sabi ni Kuya. Ayoko siyang sakyan, wala ako sa mood.
"Tigilan mo ako Kuya, pagod ako.”
"Samahan daw ulit natin si Ully bukas. Sumama ka at huwag kang KJ!" sabi ni Kuya sabay labas at sarado ng pinto.
“At huwag kang umiyak, ang panget mo!” pahabol pa niyang sabi. Tsk.
Talaga nga bang?
Nagmahal ako ng isang tao patay na?
Ng isang multo?
~
-Mhim-
To God Be The Glory!
BINABASA MO ANG
Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]
FanfictionJust some Chicser things... Copyright © 2012-2013 by LittleFangirl LittleFangirl's Note: I'm trying my best in revising this. Sorry for typo and grammar errors.