VR: #3

1K 30 4
                                    

VR #3

~

<Ranz's POV>

"Ranz... " napatigil ako ng marinig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko. Si Hayley. Ang dati kong bestfriend. Maganda si Hayley, maputi at sobrang bait. Pero -- pero hindi ko siya pinagkatiwalaan, nadala ako sa galit ko sa kanya, sa inis ko.

*Flashback*

"Ranz, nandoon nga pala si Hayley ah, hinihintay ka niya sa baba." sabi ni Tito.

"Ah sige po." pababa na ako, hindi ko alam kung bakit lagi nalang hanggang dito lang siya nakakapunta, hindi man lang siya umakyat.

Napatigil naman ako ng makita kong magkayakap sila ni Joshua, isa sa tripster. Bakit sila magkayakap? Tsk. May parte sa puso ko na kumikirot, para bang tinutusok ng isang libong karayom, ang sakit. Bestfriend ko siya at nag-alala ako para sa kanya, Oo! Nag-aalala ako.

"Hon! Hanap ka ni -- Oww... " 

"Ang landi talaga ng bestfriend mo na yan!" napalingon lang ako sa kanya ng sabihan niya si Hayley na malandi at sinamaan siya ng tingin.

--- --- ---

Pauwi na ako galing sa MDS ng makita ko siyang sumakay sa kotse ni... Daniel Padilla? Nasa labas sila at kitang kita sa screen na masaya siya. Parang naulit naman yung nangyari noon, ang sakit na naman ng nadudulot nito sa puso ko. Tsk. Ano ba itong nararamdaman ko? 

Ilang araw na akong nag-iisip. Bakit iba ibang lalaki yung nakikita kong kasama niya? Hindi ko iyon magawang maitanong dahil sa wala akong lakas ng loob. Isa akong malaking kalokohan, wala akong kwentang bestfriend dahil hindi ko alam ang nangyayari sa bestfriend ko. Pero bakit hindi niya sinasabi sa akin? Ano bang nangyayari? o Ano bang mangyayari?

--- --- ---

Habang papunta ako sa MDS at nasa elevator ako ay tinitingnan ko ang sarili ko. Sino ba ako? Sino ba si Ranz? Habang iniisip ko iyon ay pumasok si Hayley sa isip ko. Ano ko nga ba si Hayley? Bestfriend ko lang siya pero bakit ganito? Napabuntong hininga nalang ako.

"WAAHHH!" rinig kong sigaw ng kung sinong parang nag-away at paglabas ko ng elevator ay kitang kita ng mga mata ko kung paano magsabunutan si Nik at ang bestfriend ko. 

"Nik? Hayley?" tanong ko.

Napatigil sila at binitawan nila ang isa't isa.

"Hon! Si Hayley! Sinabunutan niya ako!" sabi nito sa akin na parang batang nagsusumbong sa tatay niya. Napatingin ako kay Hayley. Nakayuko siya.

"Ranz! Hindi ko na kaya! Palagi nalang niya akong sinasaktan kapag wala ka Ranz!" sabi ni Nik at umiiyak pa kaya napatingin muli ako kay Hayley.

"Hindi totoo yan! Sinungaling ka!" susugudin sana ni Hayley si Nik pero hinawakan ko ang braso niya at saka siya itinulak.

"RANZ! YOUR BESTFRIEND IS INLOVE WITH YOU! At alam mo ba? Sinasaktan niya ako at binabalaan na hiwalayan na kita. Kung ano-anong sinasabi niyang pambabanta." sabi ni Nik.

Napatingin muli ako kay Hayley, nakayuko ito.

"Totoo ba?" tanong ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa magiging sagot niya o hindi pero kinakabahan ako.

"Oo... " may isang banda sa puso ko na nagdidiwang pero sa utak ko ay nagagalit. Bakit niya ito kailangang gawin? Ganoon ba siya kadesperada? Kailangan niya pang manakit ng iba? Napakadesperada niya. Ang sabi niya sa akin ay rerespetuhin niya ang desisyon ko bilang bestfriend niya pero sinasaktan niya si Nik. Pinakatiwalaaan ko siya pero ano? Tsk. Mahal ko si Nik at malaki ang tiwala ko sa kanya, alam kong hinid siya magsisinungaling sa akin. Pero si Hayley, pinatunayan niya lang sa akin na hindi siya mapakakatiwalaan. 

Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon