CHAPTER THIRTEEN: Love Love Love
[Last Chapter]
~
OWY
Dinala ko si Irish sa ospital na iyon, pati si Rain. Buti nalang walang tao ngayon sa room kung saan nandoon ang katawan ni Irish, wala si Ate Ness.
“Yii! Ang ganda mo Irish!” pagpupuri ni Rain habang nakatingin sa mahimbing na natutulog na katawan ni Irish.
"A-ako? Yan?" sabi niya sabay turo sa sarili niya.
"Go girl! Bumalik ka na sa katawan mo!" udyok ni Rain.
---
IRISH
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya? Nae-excite? Kinakabahan? Hindi ko maintindihan ngayon na nakatingin ako sa sarili ko.
Nang tingnan ko naman si Owy ay nag-iwan siya ng mga nakakakilig na salita sa akin at nagpalakas ito ng loob ko.
"Mahal kita, tandaan mo yan,” sabi niya habang si Rain naman ay cheer lang ng cheer sa akin.
Pumunta na ako sa katawan ko pero wala namang nangyayari. Ginaya ko kung paano ang ayos ng pagkakatulog nito pero wala talagang nangyayari. Anong gagawin ko?
"Ano na Rain?" tanong ko dahil hindi ko alam kung ano na ba ang gagawin ko.
"Baliw! Naku naman! Matulog ka diyan! Pagkagising mo! Welcome back! Alis na ako! Hanap na ako sa bahay! Babye!" sabi niya then umalis na.
Tulad nga ng sinabi ni Rain, nahiga ako. Naupo naman si Owy sa may upuan sa loob ng kwarto, nakatitig lang siya sa akin hanggang sa makatulog ako.
Natutuwa ako ngayon. Masayang-masaya ako.
---
OWY
Nakatitiglang ako sa kanya habang unti-unti niyang minumulat ang mga mata niya. Tuwang-tuwa ang Tita niya na si Ate Nessa.
"Sa wakas! Gising na ang napakaganda kong niece!"
"Sshh…," saway niya kay Ate Nessa.
"Thank you," pagpapasalamat niya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Totoo na siya ngayon, as in hindi na siya multo.
Natutuwa ako ngayon. Sobrang saya ko. Hindi mapaglagyan ang kasiyahan ko ngayon. Pero wala paring pinagbago, mahal ko parin siya, mahal na mahal.
"Ayos ka na? Hindi ka na ba --" tanong ko sa kanya pero pinigil niya ako. Kinakabahan ako dahil may sinabi sa akin si Rain na may possibility na kapag nagising siya, hindi niya ako maalala pero ngayon, nakahawak ang kamay niya sa kamay ko.
"Ayos lang ako,” sagot niya. Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok ang 5 lalaki. Nandito na sila, inaya ko kasi silang pumunta dito.
"Pre!" bati sa akin ni Ranz.
"Ah, Irish. Chicser, mga kamember ko sila. Si Biboy, Clarence, Ully, Ranz, at ang Kuya Oliver ko,” pagpapakilala ko sa kanila.
"Hi Irish!" sabay sabay nilang sabi. Aba! Bait-baitan! Tss. Ang kukulit naman!
"Ikaw pala yung iniyakan ng kapatid ko? Grabe, ang ganda mo pala," sabi ni KuyaOliver. Anong maganda? Baka gusto niyang pagandahin ko mata niya?!
"UY! SELOS!" asar nila sa akin. Tss. Ano naman?!
"Halika nga dito!" sabi sa akin ni Irish at hinawakan ang batok ko. Idinikit ang labi niya sa labi ko. Pasimpleng napangiti ako.
Ilang segundo lang iyon pero napakabilis na ng tibok ng puso ko at napakasaya ko na.
"I love you," sabi niya sa akin. Aba! Inunahan pa niya ako. Sasagot na sana ako ng asarin ako nina Kuya. Mga letse! Agad eksena.
"I love you more,” sagot ko sa kanya nang matapos ang asaran nila.
This is the best moment of my life.
I’m very thankful because INSIDE THE HAUNTED HOUSE, I found the my other half.
I found my happiness and I love her with all of my heart.
~
Mhim's Corner: Hellooo! This story is the REVISED VERSION of ITHH. Sabi ko naman diba? Ire-revise ko ito! Dito lang may Mhim's Corner kasi ayokong magambala ang inyong pagbabasa! Sana nagustuhan ninyo ang Inside The Haunted House starring OwRish loveteam (sabi nga nila XD) Haha! Dito na po nagtatapos ang unang istory sa PCLS. At aasahan ko po na sana hanggang dulo basahin niyo po ito. Maraming salamat po at ang susunod na istorya ay tungkol sa isang psychic na may dalawang pagkatao, ano kayang mangyayari sa lovelife niya? See you at 'Ms.Psychic' readers! Love you all! Mwa! Comment ka po please... Nakakainspire kasi pag may mga nagcocomment eh. Yunlang at maraming salamat ulit! *LE SMILES*
To the silent/offline/mobile readers: Wish ko po na sana ay bumisita kayo sa account ko at i-follow ako kung gusto niyo. I-vote ang story na ito at magcomment narin po. Sobrang thank you po sa iyo kung ginawa mo po iyon. Kung hindi naman po, thank you narin kasi naggugol ka ng oras dito sa story na ito. Maraming maraming salamat po. *LE SMILES*
Sorry for the grammatical and typographical errors…
-Mhim-
To God Be The Glory!
BINABASA MO ANG
Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]
FanfictionJust some Chicser things... Copyright © 2012-2013 by LittleFangirl LittleFangirl's Note: I'm trying my best in revising this. Sorry for typo and grammar errors.