VR #7
~
(Mhim: Naulit lang yung first part, pampahaba! XD)
<Hayley's POV>
llang buwan narin ang lumipas. Madalas na kaming magkasama na dalawa ni Ranz. Palagi niyang sinasabi na mahal niya ako. Palagi niyang pinaparamdam na totoo iyon. Naniniwala ako sa kanya. Ganoon din naman ako sa kanya e. Pero madalas ay nagtataka ako. Madalas siyang nanghihingi ng excuse sa akin. Palaging late. Ewan pero naghihinala ako sa di malamang dahilan.
"Saan ka na naman galing?" tanong ko.
"Naku! Tampo ka? Yiiee." sabi niya.
"Tigilan mo ako! Naiinis ako sa iyo!" sabi ko pero sa huli ay nahuli niya na naman ang kiliti ko. Kinikilig ako sa kanya kahit na may kasalanan siya. Ganito ba talaga kapag inlove? Tapos kapag yung taong mahal mo, mahal ka rin? Kinikilig ako.
Nakarinig naman ako ng mahinang palakpak.
"Wow. What a very nice scene but wait for tomorrow. Your smile on your faces will be forever gone." sabi niya saka ngumiti. Si Angela. Ewan pero kinabahan ako dahil sa sinabi niya.
Anong balak niya?
"I love you." hindi ko alam kung pang-ilang beses na niyang sinabi iyon ngayong araw pero kinikilig ako.
"I love you more." sabi ko.
"I love you." sabi niya. Hinampas ko nalang siya. Ang kulit kasi e! Pinapakilig niya ako. Naku! Kinikilig talaga ako.
Masaya ako ngayong araw. Sana hindi na matapos ito. Ayokong matapos ang mga araw na kasama ko siya.
Kinabukasan...
"Mahal na prinsesa. Nababahala po ang kaharian. Madilim ang kalangitan." lumingon ako sa labas at napansin ko nga iyon. Batay sa libro ng kaalaman, masamang pangitain daw para sa kaharian ang makulimlim na kalangitan. Ipinapahiwatig nito na maaaring may mamatay na dugong bughaw.
"Nasaan si Dad at Mom?" tanong ko. Sumagot naman ito na nasa kwarto ng dasalan. Pumunta naman ako doon. Papalabas na sila nang dumating ako.
"Natatakot ako anak."
"Walang mangyayaring masama Mom." pagpapasaya ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.
"Masama ang dalang balita ng mga ulap na iyan." sabi ko sa kanya.
"Nandito lang ako. Walang mangyayaring masama sa iyo." pagcocomfort ni Ranz.
"Wow Ranz! Is that your tactics? Making the princess smile bago siya patayin?" nagulat ako sa sinabi ni Angela. Napatingin ako kay Ranz na nakatingin lang kay Angela.
"Anong sinasabi mo?" tanong ni Ranz.
Nagulat ako nang may maghiwalay sa aming dalawa. Parang may humihila sa akin mula sa kanya. Natatakot ako. Gusto ko sa tabi lang ni ako.
"Ranz. Gusto kong mameet mo si Hayley, ang taong matagal na nating pinagpa-planuhang patayin." sabi niya.
"What?!"
"Do it Ranz. Or else ako mismo ang papatay sa kanya." sabi ni Angela. Isang punyal ang lumabas sa kamay ni Ranz. Pilit ko namang ginagamit ang kapangyarihan ko pero wala. May itim namahika na nakabalot sa akin.
"Ranz!" sigaw ko. Humahagulgol na ako.
"Do it!" sabat naman ni Angela.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Angelo sa likuran ni Angela. He's holding a punyal. (Mhim: XD)
"I'm sorry sis. I can't be as evil as you are." sabi niya bago niya itinarak ang punyal sa puso ng kapatid niya.
I can't take it. My bestfriend had been killed by her brother.
"A-angelo..." banggit pa niya bago maglaho ang katawan niya at masunog ito.
Lumuwag naman ang paligid ko. Parang wala nang bumabalot na kung ano sa akin. Nakatingin lang ako sa lugar kung nasaan ang bestfriend ko. Patay na siya. Isa na siyang abo ngayon. Naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagyakap mula sa likod.
Iyak lang ako ng iyak.
"I'm sorry." nasa harapan ko na pala si Angelo. Nanlalabo na ang paningin ko. Basta ang alam ko lang maliwanag na. Ang alam ko lang nakayakap sa akin si Ranz. Nakayakap siya sa akin saka niya ako iniharap sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.
"Wala nang mananakit sayo. Mahal na mahal kita."
~
Mhim's Corner: Happy Ending na ba? Atleast diba walang namatay sa mga protagonist! Haha. Salamat sa lahat guys! Read niyo yung last part ha! - 'Dramas'
-Mhim-
To God Be The Glory!
BINABASA MO ANG
Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]
FanfictionJust some Chicser things... Copyright © 2012-2013 by LittleFangirl LittleFangirl's Note: I'm trying my best in revising this. Sorry for typo and grammar errors.