VR: #4

984 21 8
                                    

VR #4

 ~

<Hayley's POV>

"Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa." bati sa akin ng mga nadadaanan ko. Tango at ngiti naman ang sagot ko sa kanila.

"Look who's back!"

Si Angela Louise. She has the angelic name but inside, she's a demon, a demon behind an angel. She's one of the four royal blooded vampire clans. Ang mga Royalle. Ang pamilya niya ay isa sa mga maimpluwensyang pamilya sa mga bampira pero ang balita ko, tatlo nalang silang Royalle. Ang tatlong magpipinsang sina Nichole Jia Royalle, ang pinakamabait sa kanila, sobrang tahimik at parang kapag sinabi mo sa kanya, gagawin niya hanggang sa abot ng kanyang makakaya. Si Anglelo Louie Royalle, hindi ko makuha ang ugali niya, napakamisteryoso. At syempre si Angela, sikat sa pagiging maganda, bestriend ko siya... dati, mabait naman siya pero nagbago na siya at hindi ko manlang alam ang dahilan. Sila ang nalang ang natitira sa mga Royalle, isang kasaysayan sa lahi namin ang pamilya nila. Sa di malamang dahilan ay namatay ang mga magulang ni Angela at Angelo. Si Haedi naman ay namatay ang mga magulang niya sa digmaan sa pagitan namin at ng mga rebeldeng bampira.

"Gela..." iyon ang tawag ko sa kanya noon... noong matalik na magkaibigan pa kami.

"Let me correct you. It's Angela!" maarte ang pagkakasabi nito saka umalis na.

Pumasok na ako sa classroom namin. Nandito ako sa VK Academy. (VK: Vampire Kingdom's) Sa tinagal tagal ko na pagiging bampira ay nag-aaral parin ako, kailangan. Napakarami ding kailangang pag-aralan lalo na sa akin na susunod na magiging prinsesa ng kaharian.

Isan linggo. Isang linggong wala akong ginawa kundi ang kumain, matulog, mag-aral, pumasok. Yun nalang ang ginagawa ko at minsan nalang ako kung makipag usap. Para ngang mapapanis na yung laway ko dahil siguro sa isang araw wala pa sa sampung salita ang nasasabi ko. Puro tango lang ang sagot ko o di kaya magsasalita nga ako pero sobrang ikli naman.

"Hey! Hayley! Uhm... usap tayo? Pwede?" tanong ni Samella, isa sa mga kaclose ko sa school. Makulit at kavibes ko noong hindi pa ako umaalis dito.

"Sige." maikling sagot ko.

"Anong problema girl?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot dahil pati ako ay natatanong sa sarili ko kung ano ba talaga ang problema ko. Marahil tinanong niya ako dahil sa laki ng pagbabago ko at alam ko iyon sa sarili ko. Ang masayahing Hayley ay wala na, napalitan na nang isang tulad ko ngayon.

"Wala naman." sagot ko nalang para hindi na ako kulitin dahil sa makulit din ang isang ito parang si...

"MYRSELLE!" sigaw ni Sam, Samella. Lumingon naman ako at nakita ko na papalapit si Myrselle.

"Waaaah! Alam niyo ba? Sabi ni Angelo may bago daw kaming magiging kaklase. Yay! Sana gwapo! Sana gwapo!" sabi ni Myrselle at para siyang buteteng sobra kung lumikot. Naalala ko naman yung sinabi niya, si Angelo? Napakamisteryoso niya talaga. Sa tuwing nakatingin siya sa akin ay para bang bigla nalang na ang mga mata niya ay mawawalan ng emosyon. Napakaemotionless. Gusto ko mang basahin ang nasa utak niya pero hindi ko magawa, witchcrafts maybe. Ang pakikitungo naman niya sa iba ay magkakaiba rin, napapansin ko na may pagkamadaldal siya, makulit sa iba, babaero rin, masungit, mabait din, at sobrang dami pang iba. Para bang sa bawat tao, iba iba ang atensyon niya at sa buong campus, ako lang ang hindi niya kinakausap kahit pa noon na bestfriend ko ang kapatid niyang si Angela.

"Anong bang nangyayari sa iyo? Simula nang bumalik ka dito ay naging tahimik ka na. Ganyan ba epekto ng mortal world? Ay naku! Ayoko nang pumunta dun kung ganoon." sabi ni Myrs. Ano nga bang nangyari sa akin? Gusto ko nang bumalik sa dating ako. Sa dating Hayley. Sa masayahin at walang problelamang Hayley Hannah Regio.

Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon