4. Asdfghjkl~

3.1K 45 9
                                    

 CHAPTER FOUR: Asdfghjkl~

~

IRISH

May naririnig akong kumakanta habang minumulat ko ang mga mata ko, nang biglang bumungad sa akin ang mukha ni Owy. Binati niya ako at naalala ko bigla ang nangyari kahapon.

"Oh, Ayos ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, ako pa!"

"Anong ginaga -- Yung gitara ko!" tatanungin ko na sana siya kung anong ginagawa niya dito pero bigla kong nakita ang gitara ko at dahil sa excitement ay niyakap ko ito. Akala ko mawawala na ito sa akin, mahal na mahal ko itong gitara na ito.

.

"Buti pa ‘yung gitara na-miss mo, eh ako?" sabi niya. Sus! Ang drama naman nito! ‘Di naman kami close! Slight lang.

At dahil mukhang nagtatampo siya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ang bango naman niya. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na amoy lalaking lalaki, ‘yung masakit na sa ilong ‘yung pabango. Ayoko ng ganun! Tsk. Siya ‘yung lalaking ang sarap amoy-amuyin! Alam niyo ‘yun?

"Ayan na po," sabi ko matapos ko siyang yakapin.

"Teka, kumain ka na ba?" tanong niya. Teka, kain? Kelan ba ako huling kumain? Di ko rin alam eh! Basta hindi naman ako nagugutom.

"A-ah. O-Oo, Oo."

Mga ilang oras narin siguro kaming magkasama na dalawa, nagpapaturo siyang tumugtog ng gitara. Ang cute nga niya kapag pinapagalitan ko nagpa-pout! Kaya ayun, di ako makapagconcentrate! Ang cute cute niya kasi! Ang sarap yakapin at gawing stuff toy sa kama ko! Yay! Nang medyo madilim na, umalis na siya, hinahanap na daw kasi siya sa kanila.

"Bye!" paalam niya sa akin.

"Bye din!" sagot ko. Nagflying kiss pa siya bago umalis. Hindi ko alam kung magiging kiti-kiti ba ako sa kilig nang gawin niya iyon. Pwede na ba akong mangisay? Letse. Kinikilig ako.

---

OWY

Palagi na akong pumupunta sa haunted house na iyon! Pero hindi naman ako nakakaramdam ng takot, kundi saya, happy house nga siguro iyon eh! Hindi naman haunted.

"Alam mo, baka masira yang teddy bear na yan! Kanina mo pa kaya niyayakap, nandito naman ako," sabi ko ng pabiro. Yakap-yakap niya kasi ang teddy bear na binigay ko sa kanya. Masyado niya atang nagustuhan at nakalimutang nandito ako.

"Sus! Kapal ah! Eh sa mas cute yung bear kesa sayo eh!" sagot niya. Ganoon na kami ka-close kahit na isang linggo palang kaming nagkakasama. Ewan ko ba pero pakiramdam ko sobrang laking part na niya ng buhay ko kahit na saglit palang kami nagkakasama.

"Nagpapalit ka ba talaga ng damit?" tanong ko, ang sama ko noh! Eh sa lagi kong napapansin yung damit niya eh! Iisalang ang style, baka naman iisa lang talaga? Tsk. Hindi naman siguro. Sa ganda niyang iyan? Baka trip lang niya ang iisang style ng damit.

"O-Oo naman noh! Puro ganito lang talaga ang damit ko!" sagot niya. Ang dami kong napapansin sa kanya, hindi ko nalang pinapansin. LOL.

"Kantahan kita gusto mo?" sabi niya. Heto na naman tayo! Kakanta naman siya! Nakakain-love na siya ah! Oo, gusto ko na nga siya ee. Masyado bang mabilis? Gusto lang naman, wala namang masama doon diba?

Nagsimula na siya at ang kinanta niya ay ang kantang fireworks ni KatyPerry pero acoustic version iyon. ‘Yung boses niya, ang sarap pakinggan. Nakakapagpakabog ng dibdib. Ewan pero habang kumakanta siya, para walang problema, lahat masaya.

"Ang galing mo talaga!" sabi ko.

"Alam ko! No need to tell! Expert ako doon e!" pagmamayabang niya.

Wala pa akong alam masyado sa kanya. Alam ko lang Irish pangalan niya, dito siya nakatira tapos, tapos, wala na! Nakakahiya kayang magtanong. Ang ginagawa lang naman kasi namin ay mag-asaran, maglalaro kami o di kaya tutugtog na naman siya ng gitara niya. Hay, nacucurious ako.

Ano kayang buong pangalan niya?

Ilang taon na kaya siya?

May kapatid kaya siya?

Bakit mag-isa lang siya?

May boyfriend kaya siya?

Nasaan yung mga magulang niya?

Hayy, Andamikong tanong! Ikaw na nga lang magtanong sa kanya niyan! Dali na! Nahihiya ako e!

“Gusto ko siyang tanungin pero nahihiya ako,” sabi ko sa sarili ko pero biglang may gumulat sa akin. Letse! Ang kuya kong abnoy lang pala.

“Itsura mo? Seryoso ka masyado. Ang panget mo!” sabi niya.

“Gagu! Mas panget ka!”

“Kuya? What’s gagu?” bigla namang sumulpot ang bunso naming kapatid sa harap namin at nagtatanong. Binatukan ako ni Kuya at ako naman napakamot lang. I didn’t mean to say that. Si Kuyalang talaga ang mean dito.

~

-Mhim-

To God Be The Glory!

Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon