2. Oliver

3.6K 41 14
                                    

CHAPTER TWO: Oliver

~

[REMINDER: Sa Chapter na ito, mababanggit ang EXO. Ikaw ang bahala kung gusto mong basahin o hindi, hindi kita pipilitin. Malay ko ba, baka mamaya isa ka sa mga Chicser Fans na galit sa EXOstans. Ayoko ng away dito sa story ko, gusto ko lahat masaya. BTW, ang kahit anong nakasulat dito tungkol sa mahal kong EXO ay katuwaan lang. Kung sinabi kong bakla sila, wala kang magagawa, ako ang author at mahal ko si Xiumin. Maraming salamat. *Le smiles*]

 

OLIVER

Hindi ko na alam kung saan pa hahagilapin ang lalaking iyon! Saan ba siya napadpad? Kinuha na ba siya ng mga alien sa galaxy? Tsk. Nasan na ba yung batang yun? Kung saan-saan kasi nagsusuot! Kita mong gabi na kung saan-saan pa nagpupunta! Mamaya mapahamak siya niyan eh! Ano na kayang nangyari doon? Kapag nalaman ito ni Mama, lagot ako. Tsk.

OWY! OWEH! UWI NA! Letse kang bata ka!

“Nagsuggest ka pa! Aba!” kinakausap ko ang phone ko. Oo, kausap ko si Aiyem sa kabilang linya. Hindi ako baliw, masyado ako gwapo para sa salitang iyan.

“Ikaw na nga itong tinutulungan! Tusukin kita ng baba ni Kris ee!” sabi niya. Eto na naman siya, lumalabas na naman ang pagka-EXOstan niya. *Le poker face*

 

“HALA KA VER! BAKA NAGLAYAS NA IYON! INAWAY MO KASI!” sabi niya. Hala! Lagi ko pa naman yung inaaway! Baka nga naglayas na yung kumag na iyon! Hay naku naman!

“O di kaya naman, baka nilapa na ng buwaya sa Lake Placid! Kadiri! Kakapanood ko lang kanina, napanood mo ba iyon?”

 

“Hoy Aiyem! Tigilan mo ako sa kabaliwan mo ha! Umayos ka nga!

“Baka naman nakidnap na iyon ng fangirls niyo. Diba? Kasi diba nga cute siya. Crush ko ‘yun last year pero loyal talaga ako kay Xiumin kaya wala na ‘yun.”

 

“Lokohin mo lelang mo! Di ka nga kilala nun!”

 

“You! Shut up!” pagkasabi niya ‘nun, natawa nalang ako. Natamaan lang ‘yun sa sinabi ko. Tsk. Don’t get me wrong, pinsan ko itong kausap ko. Pinsan kong baliw. Oo, pinsan niya si Owy pero naging crush niya. Baliw nga kasi ee.

“Magtino ka. Ikaw ang ipapalapa ko sa buwaya at ipapakidnap ko eh!”

 

“Afraid naman ako diyan! JEBAL~ HELP ME! Kinikidnap ako ng buwaya~”

Binaba ko na ang phone. Walang kwentang kausap si Aiyem. Nakakawalang gana.

 

“Anak! Naka-uwi na ba si Owy?” narinig kong sabi ni Mama at biglang pumasok sa loob. Tiningnan niya kung nandito ba si Owy pero wala naman siyang makikita.

Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon