Chapter 27

202 11 13
                                    

Chapter 27

I WOKE up at six o'clock in the morning so which means, Vlaze and I will go back inside our own bodies by seven pm. Thirteen hours it is.

For the mean time, we continued our routine as vice versa. Nakapuslit palabas ng mansyon si Vlaze kaya naging normal ang umaga ko dahil hindi siya nahuli ni Manang Cora o ni Kuyang Guard or kahit si Mrs. Drixon.

"Good Morning, Manang Cora!" magiliw na bati ko sa matanda nang makababa ako sa dining area para mag-breakfast.

Napatigil sa paglapag ng mangkok ng kanin si Manang saka ako tiningnan na para bang multo ang nasa harap niya.

"Bakit po?" nagtatakang tanong ko. Her forehead creased, only to realize that I'm Vlaze!

Lumapit ako sa hapag-kainan.

"May sakit ka ba?" tanong ni Manang at kinapa pa ang noo ko.

"Wala po," matipid kong sagot. Hindi ko nalang ulit siya pinansin at nagsimula na 'kong kumain.

Kasabay ng paglapag nito ng bowl ng kanin sa harap ko ay ang muli nitong pagsasalita, "Siya nga pala, Sir, nabalitaan mo na ba ang tungkol sa Lola mo?"

"Ano pong mer'on?" tanong ko. Wala naman talaga akong alam sa personal na buhay ni Vlaze. Ni minsan ay hindi kami nag-usap tungkol sa pamilya niya at kung bakit hindi sila okay ng Mommy niya.

"Nahanap na siya ng Mommy mo," hayag ni Manang Cora.

Nagsalubong ang kilay ko. I didn't know how and what to react. So, nawawala ang Lola ni Vlaze?

"A-ang sarap ng luto mo, Manang!" bulalas ko bilang pag-iwas sa pinag-uusapan namin. Ayoko ring magkamali sa i-re-react ko kaya minabuti ko nalang umiwas sa topic.

Napailing na lang si Manang Cora at alam kong na-wi-weirduhan siya sa ikinikilos ko, base sa ekspresyon ng mukha niya. Good thing, hindi na niya ako inusisa pa.

After eating my breakfast, I prepared for school. Buong tapang kong na-i-survive ang pagligo at pagbihis sa katawang hindi ko naman pag-aari. Unti-unti, nasasanay na rin naman ako. Nagiging uncomfortable lang talaga everytime na makikita ko sa salamin na ako si Vlaze.

Pagkababa ko, nagpasuyo pa ako kay Manang Cora na ipagbaon ako ng niluto niyang Mechado na talaga namang ikinakumpleto ng umaga ko kaninang breakfast. Abuso na nga siguro, pero dalawang tupperware ang pinadala ko dahil balak kong ibigay ang isa kay Liam.

I was about to go out the gate when Kuya Guard stopped me.

"Sir Vlaze, hindi ho ba kayo magdadala ng sasakyan?" tanong nito.

Napatitig ako sa kanya ng mga five seconds, bago ko ma-realize na hindi nga pala pumapasok si Vlaze nang hindi naka-kotse.

Napakamot ako sa noo. Eh, hindi naman ako marunong mag-drive!

"H-hindi. Maglalakad na lang ako papuntang sakayan. Exercise," palusot ko saka tumuloy sa paglabas ng mansyon.

Sanay naman akong lakarin ang Village papuntang mansyon dahil nga madalas akong pumupuslit doon, kaya wala sa aking problema.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon