Chapter 33

203 11 8
                                    

Chapter 33

"SHE has a psychological problem. Diagnosed na siya bago pa man maging sila ni Vlaze," ani Leon habang pinaglalaruan ang susi ng kotse sa mga daliri niya. Turned out na 'yon pala ang dahilan kung bakit ganoon si Francine.

Nasa Hospital kami ngayon dahil ginagamot ang sugat ni Vlaze. Fortunately, hindi masyadong malalim ang tama niya sa bandang balikat.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Naririnig ko pa rin ang tunog ng bala at mga halakhak ni Francine.

"Dapat makulong sa Mental ang baliw na babaeng 'yon!" Macy commented.

"Baliw talaga ang isang 'yon para idamay pati si Fate," ani Angel.

Narito ngayon sina Leon, Angel at Macy na siyang unang dumating matapos kaming dalhin dito sa Hospital ni Vlaze. Hindi ko na alam kung ano'ng ginawa ng mga pulis kina Francine, Marion at ang iba pa nitong mga kasama.

Naramdaman ko ang paghawak ni Angel sa mga kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, "Are you alright?"

Matipid akong ngumiti bilang sagot sa kanya. I can't lie at her, because I'm really not.

"Parating na ang Mama mo, tinawagan namin siya kanina pagkarating niyo dito. You'll be okay," she softly said and hugged me.

"Buti nalang, may pagka-superhero 'tong pare ko at sinalo ang bala para sa 'yo!" biro ni Leon.

Matalim siyang tiningnan ni Vlaze na noo'y nakahiga sa Hospital bed at nagpapahinga. He's awake, thank God. Kinabahan talaga ako nang makita ang mga dugo sa katawan niya kanina nang mapagtanto kong hinarang niya nga ang sarili para sa akin.

"Oh, alas-dies na, mga pare! May mga pasok pa tayo," singit ni Macy habang kumain ng prutas na dinala rin nila para kay Vlaze.

Nagsitayuan naman ang tatlo. Sumadya muna sila kasi dito sa hospital bago pumasok since nagkataong panghapon silang lahat.

"Dalaw nalang ulit kami mamaya kapag nakauwi ka na," saad ni Angel kay Vlaze, at pagkuwa'y hinalikan ito sa noo.

Tutuksuhin pa sana siya ni Leon ngunit mabilis itong siniko ni Macy. We better make it not so big deal para maging okay na ulit sila ni Vlaze.

"Dito ka na muna, Fate. Hintayin mo na Mama mo," sabi naman sa 'kin ni Angel. Niyakap niya ako bago sila nagpaalam at lumabas na ng Hospital room.

Pagkalabas nila ay ako naman ang lumapit kay Vlaze.

"I'm happy that you're being good with Angel now," sabi ko.

He gave me his serious look, "And you're not happy that you're safe because I sacrificed myself for you?"

Napa-tiim-bagang ako. Ang sweet pakinggan, "sacrificed"; pero hindi ako dapat kiligin. I should stop myself from this weird feeling. He's already good with Angel.

Umiling ako, "Ofcourse, I won't be happy that somebody got hurt because of me."

Sa totoo lang, sobra akong nag-alala sa kanya lalo na't no'ng nakita ko 'yung dugo. I was really frightened. First time kong maranasan 'yon at ayoko nang maalala pa.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon