Chapter 11
"COME on, Vlaze! Focus naman!" Umakyat ang isang maliit na babae na may hawak na script sa stage kung saan ako nakatayo. It was Macy, the director of the play. Naalala ko siya no'ng araw na umeksena ako sa shino-shoot nilang trailer.
"I'm sorry," wika ko. Hindi ko talaga makuha ang emosyon na hinihingi niya kanina pa. Sabi ko naman kasi kay Vlaze, hindi talaga ako marunong umarte!
Napahawak ito sa sentido niya na para bang stressed na stressed na sa 'kin.
Quarter to six pm na. Mag-iisang oras na kaming paulit-ulit sa scene na 'to at hindi pa rin kami matapos-tapos. Take note, musical play ang isang 'to. Kamusta naman, 'di ba?
"Vlaze, hindi ka naman ganyan sa mga practice natin, ah? Kahapon lang kuhang-kuha mo na ang scene na 'to. You even memorized the script already! Ano bang nangyayari sa 'yo?!" Iritang-irita si Macy. Natahimik na rin ang buong auditorium dahil sa mga sigaw niya. Pakiramdam ko, pahiyang-pahiya ako nang mga oras na 'yon.
"I guess, we have to take a break first. Magpalamig muna tayo," singit ni Angel noon na siya palang production manager ng Teatro Concordilla.
Nagsitayuan na ang iba naming kasamahan at nagkaniya-kanya. Umupo ako kung saan ako nakatayo kanina. Nilapitan naman ako ni Leon.
"Tol, may problema ka ba? Kanina ko pa napapansing may iba sa 'yo eh!" tanong nito saka tumabi sa 'kin.
Umiling ako. "Pagod lang," palusot ko nalang.
"Ikaw na ngayon ang unang napapagod sa practice, ah! As far as I know, adik ka sa pag-arte. Ayaw na ayaw mo ngang nagpapahinga kapag nagpapractice tayo, eh," sabi nito saka ko siya tiningnan. "Alam mo kung babae ka, iisipin kong nagmu-mood swing ka," he added.
Eh, babae naman talaga ako, eh! Hindi naman talaga ako si Vlaze! Gustong-gusto ko nang isigaw lahat ng nararamdaman ko para maging aware naman silang hindi ko kaya ang pinagagawa nila dahil hindi naman talaga ako si Vlaze. Pero imposibleng may maniwala.
Tumayo ako at pumunta sa backstage. Kinuha ko ang phone para tawagan si Vlaze. Good thing, walang tao doon kaya walang makakarinig.
Ilang ring lang ay sumagot naman agad ito.
"What's up?" He greeted.
"I'm in the Teatro practice," I answered.
"Good. Ano'ng ganap?"
Napailing ako. "Napagalitan ako ni Macy. Hindi ko raw makuha 'yong scene na pina-practice namin ngayon," sabi ko.
I heard him sighed, "As expected."
I rolled my eyes heavenward, "Syempre, hindi naman talaga ako marunong umarte in the first place. Ano'ng aasahan mo?" Bakit ba pakiramdam ko simula na ito ng pagiging palpak ko bilang isang Vlaze?
"Tska about Casey," I stopped. Paano ko naman sasabihin sa kanya 'to?
"Yes. What about her?"
"Di ba nasabi ko sa 'yo kanina na.. na hinalikan niya 'ko. Then Leon suddenly came. Sabi niya kasi, sabihin ko raw kay Casey na hindi ko siya gusto. So, I did--" Hindi ko pa man natatapos ang kuwento ay nag-react na agad siya.
"What?! Bakit mo ginawa 'yon?! I told you, Casey's so sensitive! I bet she backed out of the play," he seriously said.
"Hindi ko naman alam! Bakit mo 'ko sinisisi? Hindi mo naman ako in-orient about her! Late ka na rin nag-reply no'ng tinanong kita!" Singhal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
13 Hours
Romance"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...