Chapter 19

656 24 33
                                    

Chapter 19

"WE shouldn't be like this forever!" iritang isinalampak ni Vlaze ang sarili sa semento. I'm in front of myself again.

Nasa rooftop kami ng school. Pagkapasok ko pa lang kanina ay agad na akong tinawagan ni Vlaze para magkita kami. Dahil nga maraming babae niya ang namba-bash sa 'kin dahil sa paglapit-lapit ko sa kanya, eh kailangan pa naming magtago.

Bakit nga ba ulit kami nagkapalit? Kahit alam ko na ang pinagmulan ng body switching naming 'to, ay naguguluhan pa rin ako. I woke up at 6:00 am. Simula kaninang umaga ay binibilang ko na ang oras na nasa katawan kami ng isa't-isa. It's already 10:00 A.M.

Humugot ako ng malalim na hininga. Paano ko nga ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa kuwintas? Ang tungkol sa "misyon"?

Nag-aalangan akong tumabi sa kanya upang sabihin ang bagay na maaaring makatulong sa 'min.

"Vlaze," untag ko.

Tumingin ito sa 'kin. Frustrate na frustrate na ang hitsura niya sa mga nangyayari. Ako ma'y hindi gusto na biglaan ang pagpapalit namin.

Humugot ako nang malalim na hininga, "Naniniwala ka ba sa true love?"

He gave me a weird look. His forehead creased, "Ano bang sinasabi mo?"

Umayos ako ng upo paharap sa kanya, "Vlaze, naniniwala ka ba sa true love?!" ulit ko, sa pagkakataong 'to ay mas naging mataas na ang boses ko.

"Hindi tayo nandito para pag-usapan ang bagay na walang kwenta. Nandito tayo para makahanap ng solusyon sa lintek na sumpang ito!" he screamed.

Napailing ako saka inabot ang kuwintas na noo'y nasa leeg ng katawan ko, suot niya, "Itong kuwintas na 'to ang dahilan, Vlaze."

Napatingin siya sa suot niyang kuwintas, sinagi niya ang kamay ko, "Ano bang pinagsasabi mo?" takang tanong nito sa 'kin.

Napahilamos ako ng mukha. Paano ko ba ipapaliwanag 'to?

"Vlaze, makinig ka. I'm fuckin' serious here," panimula ko. "Remember the night you almost killed me? 'Yong muntik mo na 'kong masagasaan."

Kumunot ang noo niya, "What about it?"

"That day was Friday the 13th. Tuwing sasapit ang araw na 'yon ay may nangyayaring hindi maganda sa 'kin. Belive me or not, literal na minamalas ako sa eksaktong araw na 'yon. 'Yong araw na 'yon, nakaengkwentro ko si Marion. Nasunugan din kami at kasama do'n ay ang kapatid kong muntik nang mamatay. Tapos, nasiraan ako ng bag sa gitna ng kalsada at iyon 'yong muntik mo akong masagasaan. Sobrang sama ng mood ko no'n dahil naghalu-halo na ang nararamdaman ko."

I let go out of sigh. I'm starting to be emotional, "No'ng oras na 'yon, sobrang puno na ang emosyon ko. I hated you. Halos sa 'yo ko na rin naibuntong lahat."

I averted my gaze on him. Napakaseryoso na niya.

I continued, "N-no'ng nagbabangayan tayo, sumakay ka agad at pinaandar ang kotse mo, hindi pa 'ko tapos magsalita n'on. Galit na galit ako. That was the time I.." Napapikit ako nang malalim nang maalala ang bawat salitang tinuran ko. "I wished for something. Hiniling ko na sana maging ako na lang ikaw. 'Yung mayaman, tanggap ng mga tao, walang iniisip na problema. Gusto ko na maging ako ang nasa kalagayan mo at.. at maging ikaw ang nasa sitwasyon ko."

Napasuntok siya sa hangin saka hinilamos ang mukha, "Bakit mo ginawa 'yon?"

"Hindi ko naman sinasadya! Isa pa, malay ko ba na magkakatotoo 'yon? Wala akong alam! I was just telling that to myself because of too much emotion. I didn't know about the magic of that necklace," paliwanag ko.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon