Chapter 35

219 10 11
                                    

Chapter 35

"HE'S finally courting me, Fate!" galak na galak na balita sa 'kin ni Angel nang muli kaming magkita sa campus. Sobrang blooming niya lalo dahil sa ningning sa mga mata niya.
Ganyan siguro talaga kapag inlove.

"Really?" tanong ko. Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala na may courting stage pala sa proseso ng pakikipagrelasyon itong si Vlaze. Madalas kasi, nakukuha niya agad yung mga babaeng natitipuhan niya; wala nang ligaw-ligaw. Halik agad tapos kama. That's the normal Vlaze.

Pero mukhang seryoso na talaga siya kay Angel. At least, nagkakaroon na ng improvement. Magiging madali nalang siguro para sa 'kin 'yong misyon ko para maibalik kami sa normal.

Matamis na ngumiti sa akin si Angel bilang tugon. Halatang kilig na kilig ito habang ipinapakita niya sa 'kin 'yong mga pictures nila no'ng nanuod sila ng Theatre play three days ago.

Natuloy 'yong date nilang 'yon at ngayon lang nagkuwento sa 'kin si Angel. Naging busy rin kasi ako kaka-review para sa upcoming exams namin, kaya hindi ko na sila nakumusta.

"I have never been this happy once again," she said. Kitang-kita 'yong sweetness nilang dalawa sa pictures. 'Yung mga akbay ni Vlaze kay Angel sa pictures, sobrang bagay sila!

"Sobrang thankful ako sa 'yo, Fate," Angel added as she hold my hand. "If it's not because of you, it wouldn't happen."

Ngumiti ako saka umiling, "Hindi naman 'yan dahil sa 'kin. Siguro kailangan lang talaga ng konting push ni Vlaze para gumawa ng moves. Mukhang tinamaan talaga sa 'yo 'yon!"

"Hay, para akong nananaginip," aniya. Napakaswerte ni Vlaze kay Angel. Sa ganda, bait at talino nito, nagkagusto lang sa playboy na tulad niya.

"Nako, 'wag ka lang talagang paiiyakin no'ng lalaking 'yon at tatamaan talaga siya sa 'kin!" banta ko.

Natawa naman si Angel. "I guess not. Maybe he's already changing."

Sana nga.

"Angel." Sabay kaming napalingon sa likuran. Speaking of the Devil.

"Vlaze!" sabik na sinunggaban ito ng yakap ni Angel.

Para silang celebrity couple. Ang ganda nilang tingnan pareho. Kung i-te-televise itong eksenang 'to, malamang ay papatok sila bilang loveteam.

Mula sa pagyayakapan nila, ay nagtama ang mga mata namin ni Vlaze. Agad naman akong umiwas ako ng tingin. At shet, lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Napahawak ako doon para mapakalma. Para akong aatakihin sa puso. Kakainom ko siguro 'to ng kape!

Ilang minuto rin siguro silang magkayakap bago ulit nagsalita si Angel.

"I just told Fate that you're courting me," she casually said. Dinala niya pa si Vlaze sa kinauupuan namin.

Dumikit agad sa ilong ko 'yong perfume niya na sigurado akong sa kanya ko lang naaamoy.

Pilit kong iniyuko ang ulo ko sa dala kong libro para hindi mabigyang pansin 'yong kakaibang nararamdaman ko. Pasimple kong kinukurot 'yung hita ko.

"Hindi naman niya kailangang malaman," Vlaze coldly answered. Umupo ito sa harapan ko kaya ramdam kong nakatingin ito sa 'kin.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon