Chapter 28

216 11 16
                                    

Chapter 28

TODAY'S Saturday, and everything is already prepared. Isang linggo ako halos nagpaalam kay Mama bago ko siya mapapayag na sumama ako sa outing-celebration, slash, Team Building ng Teatro Concordilla. Kung paano ko siya, napa-oo, ay hindi ko rin alam. Basta sinabi ko, libre naman ang lahat.

Maaga akong nagising dahil 4:00 ng madaling araw ang call time. Mabuti nalang at naihanda ko na kagabi ang mga gamit ko since beach ang pupuntahan namin at overnight iyon.

I can't hide my excitement though, since this will be my first time to join an outing with my colleagues. Simula kasi nang nag-aral ako ay never ko pang nararanasang sumama sa Field trip kaya first time ito.

I just took a quick shower and wore my most comfortable clothes, and when I say comfortable, it's jeans and shirt. I wore my black pair of sneakers for my feet and I'm ready to go.

Hindi ko na ginising pa si Mama na mahimbing pang natutulog dahil maya-maya lang ay papasok na ito sa mansyon. Hinayaan ko nang masulit niya ang pahinga kaya naglagay nalang ako ng maliit na note sa tabi ng kama na umalis na ako.

Kinuha ko ang backpack ko at ang jacket dahil malamig daw sa Tagaytay kung saan ang venue ng team building namin.

Sobrang dilim pa nang makalabas ako ng bahay. Alam kong safe ako sa eskinita namin dahil mga tropa ko naman ang mga tao dito. Hindi lang ako komportable nang makalabas na 'ko sa eskinita.

Hindi naman ako madalas umalis ng bahay nang ganitong oras kaya medyo nakakatakot din lalo pa nga at madilim.

Sa school ang meeting place kaya naghintay ulit ako sa terminal ng jeep na usual kong sinasakyan. Ilang minuto din akong naghintay pero mukhang masyado pa ngang maaga at wala pang bi-byahe na jeep. Nag-alala ako nang masilip ko sa orasan ko na mag-a-alas quatro na! Baka maiwan ako ng service.

Naglakad ako para humanap ng ibang masasakyan na jeep na pwedeng dumaan sa school pero wala akong choice dahil alanganin lahat ng dumadaan na jeep. Kung pwede ko lang lakarin iyon, eh! Kaso'y napakalayo. Wala rin naman akong pera para mag-taxi!

Nawalan na ako ng pag-asa nang makita ang oras. It's already 4:15 A.M! Mukhang ayaw talaga akong pasamahin ng tadhana. Wala rin akong number ng ibang kasama ko sa Teatro para ma-inform sila at wala din naman akong load if ever.

I let go out of sigh. I decided to go home instead.

I was heading back home when my phone suddenly rang. Bigla akong nabuhayan mula sa panghihinayang lalo nang makita ang pangalan ni Vlaze sa screen.

"Hello?" I answered.

"Where are you?" Diretsahang tanong nito.

"Going back home," sagot ko.

"What? Bakit ka uuwi? Nasa'n ka ba? Ikaw nalang ang hinihintay. Feeling mo ba ganyan ka ka-espesyal para magpa-late?" Sunod-sunod nitong sermon.

I rolled my eyes. Ang aga-aga, nang-aaway ang isang 'to!

"Hindi ako pa-espesyal, Mr. Drixon," inis na sagot ko dito, "Uuwi na 'ko dahil wala akong jeep na masakyan dito sa 'min kanina pa. Maaga pa kasi. Hindi naman kita ma-inform dahil wala akong load."

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon