Chapter 15

179 13 7
                                    

Chapter 15
Fate

NAGPAALAM kami kay Liam na hindi na kami sasabay sa kanya for lunch dahil nga sa nangyari kay Vlaze.

Hindi na namin siya hinayaan pang magsalita at halos takbuhan namin siya. Babawi nalang siguro ako ulit!

Jusko, kahihiyan ko na naman ang sumusugal dahil katawan ko 'yong natagusan!

"Hindi ka ba marunong makaramdam, Vlaze? You should have told me earlier!" Inis kong saad sa kanya habang nagmamadaling makarating sa pinakatagong CR sa campus.

Nasa likuran niya ako para matakpan ang tagos sa palda. Wala kasi kaming pantakip na jacket o anuman. Nagulat ako sa sobrang dami ng dugo do'n!

Of course, hindi kami nakatakas sa mga makahulugang tingin at bulungan kapag may nakakakita sa 'min na halos magdikit na ang katawan sa lapit. Pero wala kaming panahon para sa kanila ngayon.

Nilingon niya ako at tinapunan ng nanlilisik na tingin. "Paano ko naman mare-realize na ito na period na pala 'yon?! Ang alam ko lang masakit ang tiyan ko, that's it!" singhal niya.

Gusto kong matawa sa kanya dahil mukha siyang nalugi dahil sa nangyari. Kaso, mukha ko nga pala iyon.

"Puson kasi," I corrected.

"Whatever," he coldly answer. Halata na sa pananalita niya ang pagkainis.

"Grabe nang pagpapahiya ang ginawa mo sa 'kin, Drixon," untag ko.

"Hindi ko kasalanan na nangyayari 'to. Ako na nga ang nagdurusa ng sakit na dapat ay ikaw!" inis nitong tugon habang hinahaplos ang puson.

Medyo naaawa ako sa kanya. Medyo lang naman. Kapag nagkakaro'n kasi ako, lagi akong dini-dysmenorrhea, kaya alam ko 'yong level ng sakit na na-e-experience ni Vlaze ngayon.

Pero,  at least, hindi ako ang nakakaranas niyon ngayon. First day pa naman kaya sobrang sakit talaga niyan!

Nasa mini-store kami ng school para bumili saglit ng napkin. Wala kasi akong stock sa bag dahil nagamit ko na no'ng isang buwan. Good thing, I always bring extra undies for emergency just like this.

"Napkin po, Ate," sabi ko. Ako na ang bumili dahil hindi magkandaugaga si Vlaze sa sakit ng puson.

Nakangiting lumapit sa 'min ang nagtitinda, "Ang sweet mo naman," untag nito saka inabot ang isang pack ng napkin sa 'kin, "Bihira lang ang lalaking katulad mo na hindi nahihiyang bilhan ng napkin ang girlfriend niya," she added as she glance at Vlaze.

"Hindi ko siya boyfriend," singit ni Vlaze na noo'y nasa likod ko lang pala.

I pouted at him. Kung maka-deny naman, akala niya bet kong maging boyfriend siya!

Mabuti na lang at may extrang short akong dinala para sana sa Teatro practice. May pamalit man lang si Vlaze ngayon.

Nakarating kami sa CR na nasa likod ng gymnasium namin. Kaunti lang ang taong gumagamit n'on kaya safe kaming mag-usap.

"Shit, ganito ba talaga kasakit 'to?" reklamo ni Vlaze habang sinusuntok-suntok ang puson.

"Oo. Gan'yan kasi ako kapag first day. Buti na lang at ikaw ang nakaabot," sabi ko sabay lapag ng mga bag namin sa sink ng CR.

Kinuha ko sa bag niya ang dala kong pouch na may lamang undies at kinuha iyon. Mabuti at hindi nito pinapakialaman ang loob ng bag kaya naroon pa rin ang ilan sa mga basic needs ko.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon