Prologue
"HINDI siya bagay sa school na 'to. She looks so cheap."
"Para siyang janitress dito."
"Chaka niya!"
"Look at her blouse, isang Linggo na yata niya 'yang suot, ew!"
"Mukha siyang sumpa."
Ilan lamang 'yan sa mga paulit-ulit kong naririnig sa tuwing papasok ako sa school.
Mga makahulugang tingin, katatawanang lait, mapanghusgang bulungan at kung anu-ano pa. Manhid na nga ata ako. Manhid na lang sana ako lagi.
Ever since I was a kid, I dreamed of going to an exclusive school like Concordilla Academy for college. I was fortunate then, when I received an offer of a full scholarship from the said school. I took the exam and passed the requirements needed.
Concordilla Academy.
It was like a dream come true for me when I started studying there.. or so I thought.
Sa buhay ni Cinderella, hindi mawawala ang wicked step-mother and mean step-sisters.
In my case, I'm the Cinderella and most of the students in my school, play the role of step-mother and step-sisters. In short, sila 'yong kontrabida sa buhay ko.
I have been bullied, thrown hurtful words and judged. Why? Simply because I'm not accepted. Sino nga ba ako para humalo sa mga tulad nilang pinagpala hindi lang sa buhay kundi pati na rin sa hitsura. Isa lang naman akong hamak na scholar na naaambunan ng tuition fees nila.
Lumaki akong mahirap. Nakulong si Papa eight years ago because of drug pushing. I was only eleven back then. Simula noon ay si Mama nalang ang nagta-trabaho para sa'ming pamilya. Nagkakatulong siya sa isang Mansyon at kung minsan naman ay tumatanggap ng labahin.
Namulat ako sa hirap ng buhay namin simula nang magkaisip ako. Akala ko okay lang kami. Pero na-realize ko, hindi pala. Ang hirap pala ng buhay namin. At nasaksihan ko iyon habang nagkakaisip ako.
Kaya't isang gabi, humiling ako. Hindi sinasadya. Dala ng galit, lungkot at sakit, humiling ako. Hindi ko alam kung saan, kanino at paano. Pero isa lang ang alam ko..
Isa iyong pagkakamali. Maling-mali.
Ako si Fate Castanuevo, 19 years old. Maganda, Maputi, Matangkad, Sexy, at Makinis..
'Yan ang mga katangiang wala ako kaya 'wag kayong mag-expect, ah?
Dito, magsisimulang magbago ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
13 Hours
Romance"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...