Chapter 7

219 15 4
                                    

Chapter 7

KARUGTONG na nga ata talaga ng pangalan ko ang salitang malas. Masyado akong quota ngayong araw na ito dahil sa mga nangyari.

This day, Friday the 13th, is such a disastrous one. Sino ba'ng nagpauso na kapag nag-Friday the 13th, eh mamalasin ka? Kasi masyadong umeepekto sa 'kin, eh!

Hindi ko alam kung ano'ng klaseng kaba, at taranta ang mararamdaman ko nang mga oras na sabihin ni Mama iyon. Wala akong ideya kung anong nangyari sa kapatid ko.

Nagpunta ako sa hospital kung saan dinala si Chance.

Hindi ko kinaya ang natunghayan ko. Kusang namuo ang luha ko nang makita ang lapnos na katawan ni Chance. Nanghina ako.

Bakit kailangang ganito ang twist ng buhay ko? Mabait naman ang pamilya ko.

Nilapitan ko si Chance na noo'y natutulog. Maswerte pa rin at buhay siya. Nailigtas siya bago pa man tuluyang lumaki ang apoy. Half of his body was burnt. Awang-awa ako sa kanya.

"You'll be okay, baby," I said in the middle of my sobs.

Lumabas ako ng kwarto at nadatnan naman si Mama na umiiyak. Nakatakip ang mukha niya ng tuwalya pero kitang-kita ang pagtaas-baba ng balikat niya. Parang kinukurot ang puso ko.

Ayoko talaga ng mga ganitong scenes sa buhay ko. Ang sakit kasi, eh.

"Mama," tawag ko sa kanya. Suminghot ako at pinunasan ang basang pisngi ko, "Labas po muna ako. Bibili lang akong makakain," sabi ko.

Tumango naman siya.

Hindi ko pa rin alam kung saan kami ngayon titira. Wala kaming pera. Hindi sapat ang mga tulong na nagmula sa ilang mabubuting tao sa lugar namin na nag-abot ng kaunting pera para sa pagpapagamot ni Chance at pati na rin ni Mama. Wala rin kaming pang-upa ng bahay.

Napakahirap.

Kahit mabigat ang dala kong bag ay nagmadali akong makalabas ng hospital. Halos takbuhin ko pa nga dahil hindi ko na talaga maatim ang nangyayari. It was just so painful.

Kahit pinagtitinginan na ng mga tao ay wala pa rin akong pakialam. Binuhos ko lahat ng nararamdaman ko habang naglalakad ako. Iyak ako nang iyak. Kasabay niyon ay ang nagbabadyang pagbuhos ng ulan. Mukhang nakikisabay sa hinagpis ko ang langit.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Magdidilim na rin no'n dahil sa papalubog na araw. Hindi ko na mahintay na matapos 'tong araw na 'to. Sana isang panaginip nalang ang lahat ng 'to. Tila hindi napapagod ang mga paa ko sa paglalakad sa walang patutunguhan. Ilang hakbang pa ay tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan.

Wala akong payong. Wala ring masisilungan kaya't hindi na 'ko nag-alala pang mabasa. Hinayaan kong sumabay ang pagpatak ng ulan sa buo kong katawan kasabay ng pagpatak ng luha ko. B'wisit, ang drama ng araw ko ngayon!

Habang naglalakad ay biglang napatid ang noo'y pasira ko nang backpack. Natuluyan na ito. Dahil doo'y nahulog iyon sa semento. Nagkalat din ang gamit ko dahil sira na rin ang zipper niyon. Nabasa na ang mga gamit ko. 'Yong fillers ko, ballpen, pati I.D ko, nabasa na rin. "Nakakainis! Ilan pa ba ang natitira mong pasabog, Friday the 13th? 'Di ka na nakakatuwa, ah!" singhal ko kung kaya't biglang nagtinginan ang ilan sa mga dumaraan. Hindi naman masyadong matao sa lugar na iyon kaya hindi ako masyadong nahiya.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon