Chapter 9
Fate Castanuevo"WE have to know each other's everyday routine," sabi ni Vlaze habang kumukuha ng kung ano'ng notebook sa drawer niyang magulo.
Kahit siguro buksan ang ulo ko ngayon at pigain ang brains ko, wala akong maisip na paraan para maibalik kami sa normal. Magulo pa talaga ang isip ko sa mga nangyayari. We had to make a temporary solution. Kaya we decided to at least play the roles of each other. I'm gonna pretend to be Vlaze and he will be pretending as I am.
Kaya narito kami sa magulong kwarto niya ngayon para pag-usapan ang mga bagay bagay na ginagawa namin sa school para maging mukhang normal at walang makahalata na hindi kami ang nasa kani-kaniyang mga katawan.
Huling beses na nakapunta ko rito sa kwarto ni Vlaze ay ganito rin kagulo, walang nagbago.
Wala si Manang Cora sa sala kung kaya't ako, bilang si Vlaze, ay naipuslit ko siya patungo sa kwarto.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa 'kin ang mga pangyayari. Para akong nabubuhay sa isang panaginip! Ang weird pa na nakikita ko ang sarili kong katawan na gumagalaw nang sarili niya. This is so surreal.
Umupo ito sa kama at humarap sa 'kin. "Kailangan nating pag-aralan ang galaw ng bawat isa," he said while writing something on his notebook. "I'll go first."
"Araw-araw, six o'clock ako gumigising. Minsan kapag na-late ako, kinakatok ako ni Manang Cora. You have to arrive school at exactly 8:00. Remember, Vlaze never comes late," he explained. Tila seryoso ito sa pagpapaliwanag ng mga dapat kong gawin bilang siya.
"I usually go at Leon's house nearby school and go back before my teatro practice starts." Mataman itong nagpapaliwanag sa akin. Sa ilang beses na encounter namin ni Vlaze, ito na yata ang pinaka-peaceful naming conversation.
Kahit galit pa rin ako sa kanya ay kailangang makipag-cooperate ako alang-alang sa "Life goes on".
"Sino si Leon?" Tanong ko.
"He's my friend. Just be careful with this dude. He's kinda dangerous," anito sabay pakita ng picture ng sinasabi niyang Leon mula sa cellphone niya.
Bigla akong nag-alala sa description niya sa Leon na iyon. Mukhang literal na Leon dahil sa hitsura pa lang ay mukha na talaga itong delikado, mala-bad boy, eh.
"Don't worry. Walang mangyayari sa 'yong masama as long as you're Vlaze. 'Wag ka lang magpapahalata, utang na loob. Tanga ka pa naman."
Akala ko okay kami ngayon pero dahil sa sinabi niya ay bigla na namang bumalik ang inis ko sa kanya. "Hindi ako tanga! Academic scholar kaya ako!" Irita na sabi ko.
Bigla niyang itinapik ang ballpen sa ulo ko, "Hindi ko sinabing bobo ka, ang sabi ko, tanga ka. Magkaiba 'yun," he explained.
Kinagat ko ang labi ko sa inis at inikot ang mga mata sa kanya.
"Yan! 'Yang mga pag-irap at pagtaray mo ang alis-alisin mo kapag haharap kang bilang ako sa mga tao! Those are such a gayshit!" Iritang wika nito.
Natawa naman ako. Gayshit pala, ah? Tumayo ako at saka kumendeng-kendeng. Gusto ko 'yong mga steps na gayshit para lalo siyang mainis! Kung anu-ano'ng steps ang ginawa ko kaya halata sa kanya ang pagkairita. Nakita ko tuloy ang sarili kong mukha 'pag naiirita. Ang ganda ko pala?
"Shit, stop it!" Na-iimagine ko ang sarili ko na sumasayaw-kembot habang nasa katawan ng isang Vlaze Drixon. Halos mautot ako sa katatawa dahil sa ginagawa kong ka-gayshit-an.
BINABASA MO ANG
13 Hours
Romance"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...