Chapter 14

201 14 16
                                    

Chapter 14

MAG-aalas-singko pa lang ng umaga kaya madilim pa no'ng makarating ako sa Mansyon. S'yempre, ako ngayon si Vlaze kaya sa bahay ako ng lalaking 'yon tutuloy.

Lutang ang isip ko nang pumasok sa gate. Ni hindi ko na nga napansing binati pala ako ni Kuya Guard at siya pa mismo ang nagbukas sa 'kin ng gate.

Sobrang occupied ako. Parang ngayon lang ulit ito nangyari. It still feels surreal.

Pumasok ako sa loob ng Mansyon at dumiretso sa kusina. Nakasara ang pinaka-main light sa buong Mansyon kaya dim lang ang ilaw na siyang nagbibigay ng liwanag dito.

Kumuha ako ng malaming na tubig sa fridge at uminom.

Saktong pagbaba ko ng baso ay may nagsalita mula sa likuran ko.

"Anak?"

Tumalikod ako upang makita siya. Si Mrs. Drixon! Isang beses ko pa lang ito nakikita ngunit sigurado akong siya ito.

Kahit na nasa early 50's na ang ginang ay kitang-kita pa rin sa kanya ang kagandahan. Hindi masyadong halata na nasa ganoong edad na ito. Sexy pa rin nga, kahit na may edad na.

Sa ilang beses kong nagpunta dito sa mansyon ay ngayon ko lang muli ito nakita.

"Inumaga ka na naman," she softly said. Lumapit ito at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ko alam kung ano'ng approach ba ang gagawin ko dahil baka magtaka ito sa pagpapanggap ko. Malakas makaramdam ang Ina, eh.

"Nagugutom ka ba? Halika't ipaghahanda kita," aniya at kumuha ng plato. "Pasensya ka na, ngayon lang ako nakauwi. Marami kasi akong inasikaso sa Cebu. May ilang investor kasi akong kinausap," kwento nito habang aligaga sa paghahain ng pagkain.

Hindi naman ako nagugutom. Pero natutuwa rin akong makita si Mrs. Drixon kung paano niya asikasuhin si Vlaze. Mahal na mahal niya ang anak.

"A-ayos lang po, Mommy," untag ko.

Napatigil ito sa paglalagay ng kanin sa plato at gulat na napatingin sa'kin. "U-ulitin mo nga?" anito na siyang ipinagtaka ko.

"Ayos lang po, Mommy?" nag-aalangan kong tugon. Baka hindi Mommy ang tawag ni Vlaze sa nanay niya! "Mama," pag-iiba ko.

Gulat na napatakip sa bibig niya si Mrs. Drixon. Lumawak tuloy lalo ang pagtataka ko. May nasabi kaya akong mali?

"Anak!" Sinunggaban ako nito ng yakap na siyang ikinabigla ko. Ramdam ko ang pagsinghot niya kaya naman sigurado akong umiiyak ito.

Napakahigpit ng kanyang yakap. Tinugunan ko nalang iyon kahit naguguguluhan ako.

"Okay lang po ba kayo, Ma?" tanong ko habang hinahagod ang likuran niya.

"Masaya ako. Masaya akong marinig na tinawag mo ulit akong Mommy," anito sa gitna ng pag-iyak.

"H-ha?" Pagtataka ko. Ano bang tawag ni Vlaze sa nanay niya?

Kumalas ang matanda sa pagkakayakap. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko, "Napatawad mo na ba ako, Vlaze, anak?"

"H-ha?" Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi naman ako informed sa family issues ni Vlaze. Wala akong alam!

Baka may tampuhan sila? Hindi naman siguro masama kung sabihin kong napatawad na niya ang nanay niya, 'di ba?

Dahan-dahan akong tumango, kahit hindi sigurado. "O-opo," wika ko.

Lalong humagulgol ng iyak si Mrs. Drixon. Napaupo pa nga ito sa sobrang bigat ng emosyong pinakawalan. Kinabahan tuloy ako't mukhang hindi basta-basta ang issue na 'yon sa kanila.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon