Chapter 22

221 13 17
                                    

Chaptert 22

"WE don't have choice, guys," anunsyo ni Macy nang magtipon-tipon kaming lahat sa stage.

Tinext ko na si Mama na late akong makakauwi dahil final rehearsal na nga ito at nagkaproblema pa. Alas-otso na pero narito pa rin kami sa school.

Maayos na ang lahat para bukas. Nang makabalik kami nina Vlaze at Leon mula sa Ospital ay halos tapos na ang mga disenyo sa stage. Gawa na rin ang mga props at kumpleto na ang costumes.

May isa nalang problema..

"So, sino ang papalit kay Angel?" problemadong tanong ni Charry.

Well, dahil malalim ang natamong sugat ni Angel ay in-advise muna siyang ipahinga ang paa at hangga't maaari ay h'wag itatapak. Kung kaya't malabong makapag-perform siya bukas. Problema nga ito.

"Wala namang ibang pwedeng mag-protray ng role ni Angel," komento naman ni Zaira.

"Bukas na ang premiere, hindi natin kayang i-revise nang isang gabi ang kuwento," dagdag ni Jarred.

Imbes na makatulong ay tila ba nadagdagan lang ang problema ni Macy na siyang direktor at casting manager ng play.

Kahit ang moderator naming si Sir ay hindi rin malaman ang gagawin. Ilang minutong walang umiimik. Naputol lang ang katahimikan nang magsalita si Vlaze.

"Fate will be replacing Angel's role," he said directly.

Nanlaki ang mata ko at agad na lumingon sa kanya, "Ano?!" gulat kong tanong.

"Ikaw lang ang puwedeng maging Ana, since iisang tao lang naman ang gaganapan niyo," paliwanag niya.

"Vlaze!" gigil kong singhal. Dahil isang tao lang naman ang pagitan namin ay inabot ko ang likod niya saka akmang susuntukin ngunit umilag siya.

"What's wrong?" maang-maangan niya.

Hindi ako makapag-react, hindi ko siya masaktan dahil nga nakapaligid kami sa lahat ng miyembro ng Teatro. Pasimple ko siyang pinanlisikan ng mata.

Pinahamak na naman ako nito!

"You know what, you have a bright idea, Vlaze! That's why I like you in my team," komento ni Sir kaya tuluyang bumagsak ang balikat ko.

"Tama! Ilang scenes lang naman ang kailangan mong aralin since iisa lang naman ang ugali ng Ana na pino-portray niyong pareho ni Angel," ani Macy.

"Pero pretty version of Ana na ang role ni Angel," dahilan ko.

"Duh, cosmetics will save us from that, akong bahala," singit ni Francez na siyang make-up artist namin.

Nag-snap na n'on si Macy, "Okay! Problem solved!"

Napasapo ako sa noo ko. Problem solved? Eh, binigyan naman nila ako ng problema!

"Ganito, i-pa-practice lang natin ang part ni Angel and we'll just cut the musical part, okay? Bahala na si Vlaze ang magdala ng part na 'yon!" Macy instructed.

At ganoon nga ang ginawa namin. Mas romantically ang scenes nina Angel at Vlaze kung kaya't nahirapan talaga akong mag-focus.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon