Chapter 31

140 9 12
                                    

Chapter 31

"HAVE a break."

Napatigil ako sa pagbabasa ng libro tungkol sa buhay ni Rizal nang ilapag ni Liam sa harap ko ang isang box ng pizza na may kasama pang malamig na softdrink.

A smile was automatically formed on my face. I was planning to have only a water break but here he is, offering a mouth-watering snack.

"Kanina ka pa subsob sa pag-aaral diyan," he said while opening the pizza box.

Agad na nagningning ang mga mata ko nang makita ang nakakatakam na pizza. Hindi ko namalayang nayakap ko na pala si Liam dahil sa tuwa. Sa totoo lang, kanina pa 'ko nagugutom kaso'y hindi ko nalang iniinda dahil mas pipiliin kong tipirin nalang ang pera ko kaysa bumili ng meryenda. May dinner naman, eh.

"Ano 'to?" Liam asked when I hugged him.

Infairness, hindi na niya ako tinataboy kapag niyayakap ko siya. I don't know but I'm this comfortable with Liam already. He's really a bestfriend-type of a guy, and I'm actually treating him as one, 'yon nga lang 'yong akin ay may kaunting pagka-crush.

Bumitaw ako habang abot-tainga pa rin ang ngiti, "Thank you!"

"Kailangan, may pagyakap pa?" aniya habang inaabutan ako ng isang slice ng hawaiian pizza. Kinuha ko naman agad iyon.

I pouted, "Sobra lang naman akong na-touch. Ang sungit mo talaga. Pasalamat ka, crush kita," I said trying to soften my voice on the last line.

"Ano?" He curiously asked.

Ngumisi ako at pinuno ng pizza ang bibig ko.

Ilang araw na rin akong nagpapakasubsob sa pag-re-review. Malapit na kasi ang finals namin at kailangan kong magpursige dahil hindi ako pwedeng bumagsak sa kahit na ano'ng subject ko. Nanganganib na ang scholarship ko at hindi ko maaaring basta ipagsa-walang-bahala iyon.

I reviewed especially the lessons I have missed when I was absent. Luckily, Liam offered me his notes and even taught me in some areas. He has been actually my review buddy and I'm very happy with that dahil mas naging close kami.

Madalas nga ay ako na ang kasama niya kesa sa mga kaibigan niya talaga. Kaya ayun, issue na naman. Pero, I'm used to it. Deadma.

I was busy munching my food when I noticed something on Liam's uniform's collar. Kumunot ang noo ko at tinitigan iyon. Kulay pula na parang.. dugo?

"What are you staring at?" he asked.

Nilapit ko ang mukha ko para matingnan nang maayos kung ano nga ba talaga ang pulang iyon pero agad din naman siyang lumayo na may pagtataka sa mukha.

"Ano na naman ba, Fate?" pagsusungit nito.

"Teka, may dugo ata sa uniform mo," sabi ko kaya nilapit kong muli ang mukha ko.

"A-anong dugo?" He asked and glanced at the part of the uniform I'm staring at.

"Ano 'yan?" Turo ko sa stain na nasa collar niya. Nagulat ako nang bigla niyang ilagay ang kamay niya na sumakop sa buong mukha ko at inilayo ako sa kanya.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon