Chapter 32

147 9 6
                                    

Chapter 32

"BAKIT kailangan mo pa siyang idamay?!"

"Bakit, ayaw mo siyang masaktan? Ito bang babaeng ito ang talagang pinalit mo sa 'kin?"

Naalimpungatan ako sa ingay ng pag-uusap ng dalawang tao na iniisip ko kung sino nga ba ang nagmamay-ari dahil pamilyar ang mga iyon.

Bumalik sa akin ang nangyari kung paano ako napunta sa hindi pamilyar na lugar na ito. I slightly opened my eyes. Nanlaki ang mga iyon sa nakita ko.

Si Vlaze at 'yong ex-girlfriend niyang si Francine?

"Oh, gising na pala siya," komento ni Francine nang makita na nakabukas na ang mga mata ko.

Agad akong tumayo saka saglit na inilibot ang paningin. Nasa isang kwarto kami, hindi pamilyar. Naka-ilang lunok ako nang magtama ang mga mata namin Vlaze. I'm still trying to absorb what is really happening.

"Nasaan tayo?" walang-malay kong tanong sa kanila.

"Fate," sambit ni Vlaze sa pangalan ko kaya muli akong napalingon sa kanya. His face looks frustrated.

"Vlaze, nandito ka lang pala. Kagabi ka pa hinahanap sa inyo," I casually said.

Bigla akong nilapitan ni Francine, "Feeling mo talaga magkakagusto sa 'yo si Vlaze?" mataray nitong hayag sa akin.

My forehead suddenly creased. "A-ano'ng sinasabi mo?"

Sarkastiko itong natawa saka hinila ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit habang paulit-ulit niyang winawagayway ang ulo ko.

"Aray! Ano bang problema mo?!" sigaw ko.

"Anong problema ko? Ikaw! Ikaw na nagmamagandang babae ka, ikaw ang dahilan kung bakit ako hiniwalayan ni Vlaze! Hayop ka! Napakalandi mo!" sigaw nito sa akin.

Pinigilan na rin siya ni Vlaze at ginamitan pa ito ng puwersa para lang makabitaw sa buhok ko. Nagulat ako nang sumalampak si Francine sa sahig dahil sa lakas ng tulak sa kanya ni Vlaze.

"Nababaliw ka na talaga, Francine!" Sa unang pagkakataon ay noon ko lang narinig ang ganoong tono ng pananalita ni Vlaze.

Galit. Nakakatakot.

Bakas sa mukha ni Francine ang pagkagulat dahil sa ginawa ni Vlaze. Tuluyan na ring tumulo ang mga luha sa mata niya.

By that, a guy suddenly went inside the room, and to my surprise.. It was Marion!

Napakapit ako sa braso ni Vlaze. Nakaramdam ako ng pangingilabot. Pakiramdam ko, nasa teleserye ako na kinakaharap ang mga kontrabida. Si Marion, 'yong nakakatakot niyang awra, ay muli kong nasilayan.

"Ano'ng ginawa nila sa 'yo?!" galit na tanong ni Marion habang inaalalayang makatayo si Francine. Iyak pa rin ito nang iyak.

Hindi pa rin ma-process ng utak ko ang nangyayari. Magkakilala sila ni Francine?

Napatili ako nang malakas na itulak ni Marion si Vlaze dahilan para ito naman ang mapaupo sa sahig. Sinundan pa iyon ng isang malakas na suntok sa mukha.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon