Chapter 17
ILANG minuto kaming nagpaligsahan ng titigan ni Francine. Tulad ng karamihan ng mga babae dito sa Concordilla, ay hindi ko naman maipagkakailang maganda rin ang isang 'to.
Since we're allowed to wear casual attire during Foundation week, Francine's wearing a body-hugging-dress which in all fairness, fits her perfectly.
"Wag kang mag-alala, hindi naman magkakagusto sa 'kin ang boyfriend mo," sabi ko sa kanya.
Umangat nang bahagya ang kanyang labi, "I know, right, " she said while examining my body from head to toes. "Look at yourself. You're not pretty nor sexy. You just look cheap. I doubt he would flirt at you," she added with her arms, crossed.
Napayuko ako. Para akong nanliit sa sinabi niya. Well, hindi naman nga iyon ang unang beses na may nagsabi sa 'kin nang ganoon, pero siyempre, may epekto pa rin iyon sa akin.
"Pero hindi naman ako magtataka kung ikaw mismo ang lumandi sa kanya, eh. For a girl with an ugly face, I'm sure you'll do anything just to flirt with my boyfriend," anito habang nakataas ang kaliwang kilay.
"N-nagkakamali ka--" Hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin ko ay muli itong nagsalita.
"Sino'ng babae ang magdadala ng boyfriend ng iba sa loob ng CR? Are you that desperate?" pang-iinsulto nito sa akin.
"Excuse me, can you please watch your words? Hindi mo siya kilala para pagsalitaan ng gan'yan," untag ni Liam.
Matatag na pinagtaasan ni Francine ng kilay si Liam. Napansin kong pumagitna na rin siya sa 'min. Sa lagay na 'yon, ay bahagyang sumilay ang ngiti ko. He's protecting me.
"Wag kang makialam, pwede?" mataray nitong sagot kay Liam saka bumaling ulit sa 'kin. "Ikaw, babae ka, paano mo sa 'kin i-papaliwanag ang nakita ng kaibigan kong pagdala mo kay Vlaze sa loob ng CR?"
I know what she's talking about. That was when Vlaze and I switched. Hindi ko inaasahan na may makakakita pa rin pala sa 'min sa tagong lugar na iyon, at nakuha pang magsumbong kay Francine.
"I did," pag-amin ko. "B-but I have a reason," I added. Hindi ko naman pwedeng sabihin na "nagkapalit kasi kami ng katawan ng boyfriend mo.." As if it was a normal thing.
Bago pa man ako muling makapagsalita ay nakita ko na agad ang nagbabadyang sampal ni Francine para sa 'kin. Handa naman na ako kanina pa.
I closed my eyes only to realize that she didn't slap me. Binuksan kong muli ang mga mata ko at nagulat ako na nasa harapan ko na ang likod ng pamilyar na tao. Hawak nito ang kamay ni Francine na dapat ay la-landing sa pisngi ko.
"Vlaze," sambit ko sa pangalan nito. Kahit likod niya lang ang nakikita ko ay kilala ko ito.
Akmang yayakap ang babae sa kanya ngunit lumayo siya. "What do you think you're doing, Francine?" malamig na tanong nito sa babae.
"She's trying to mess up with me! Sino ba ang babaeng 'yan?" maarteng sabi nito kay Vlaze.
Bahagyang lumingon si Vlaze sa 'kin, at bumaling muli kay Francine.
"Siya ba?! Siya ba ang ipapalit mo sa 'kin?!" Francine exclaimed.
Nilapitan na rin ako no'n ni Liam at hinawakan sa balikat. Sa tingin ko ay niayaya na niya akong lumayo sa eksena.
BINABASA MO ANG
13 Hours
Romance"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...