Chapter 6
PAGKAMULAT ng mga mata ko ay siya ring tunog ng alarm ng cellphone ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nag-aalarm pa 'ko eh, madalas namang nauuna pa akong gumising bago tumunog iyon.
Kinuha ko ang cellphone at isinara ang alarm. Napansin ko rin ang date ngayon. Bigla akong nanlumo sa nakita ko.
Today's FRIDAY THE 13th!
Hindi ako nananiniwala sa kamalasang nangyayari tuwing darating ang pambihirang araw na iyan.
But that was before. Hindi ko alam kung nagkakataon lang ba o sadyang malas lang ako sa buhay, pero tuwing darating ang Friday the 13th ay siya rin pagdating ng sunod-sunod na malas sa 'kin sa buong araw na iyon.
I remember when I was Twelve, nahulog ako sa hagdan ng school kaya napilayan ako. Isang linggo akong hindi nakapasok no'n at hindi rin nakapag-take ng exam.
No'ng Sixteen naman ako, birthday 'yon ni Mama then balak namin siyang i-surprise ni Chance, pero 'yong inipon kong panghanda sana, ninakaw nang araw na 'yon so it ended up, walang nangyari sa birthday.
At sobrang dami pa tuwing sasapit ang Friday the 13th. Sumpa na nga yata ito sa 'kin.
Pinilit kong magpaka-positive kahit lingid sa kaalaman ko ang mga kamalasang mangyayari sa araw na 'to. Hinanda ko na rin ang sarili ko.
Pagdating ko sa school ay wala akong naabutan. Biyernes ngayon at hindi ko alam kung bakit walang katao-tao sa classroom namin pagpasok ko.
Lumabas ako saglit para muling tingnan ang numero ng room na pinasukan ko at hindi naman ako nagkamali. May klase kami dapat ngayon eh! Medyo na-late kasi ng pasok ngayon para bumili ng kakainin ni Mama habang wala ako. Mahirap talagang mag-alaga ng may sakit kung malayo ka.
Pero dapat maaabutan ko pa rin sila ngayon dito! May klase kami eh. Sinalampak ko ang sarili ko sa platform. Ang hirap din ng walang friends or kahit friend man lang. Wala akong mapagtatanungan.
Lumabas ako para tingnan ang kabilang room kung saan naroon ang ilan sa ibang section. I saw the girl outside the room so I went to her.
"Uhmm, excuse me," untag ko.
Napansin kong nagulat ito at medyo lumayo pa nga sa akin. "Sino ka?" Anito na para bang nakikipag-usap sa taong may galis dahil bakas ang pandidiri sa mukha. Upakan ko kaya 'to? Ang sakit sa feeling ng mukha niya ah!
I managed to smile kahit na-offend ako sa expression ng face niya. "I'm from section 4-A, I just wanna ask if you know where they are," magalang kong tanong.
"Aba, malay ko. Ikaw ang kaklase nila, bakit sa 'kin ka nagtatanong," mataray na sambit nito saka pumasok sa room nila.
Napahilamos ako ng mukha sa isinagot n'ong babae. Bakit ba nag-eexist ang gano'ng klaseng tao sa mundo? Nakakainis! Akala mo maganda!
Kahit wala akong ideya kung saan sila matatagpuan ay sinubukan ko na ring suyurin ang mga lugar kung saan posibleng naroon sila. Wala sila sa gym, sa lab or kahit sa auditorium.
Mabuti na lang talaga at nakadaan ako sa chapel namin at do'n ko nakita sina Marion, Cj at Maxvin. Ewan ko ba kung ipagpapasalamat ko na nakita ko sila o ika-iinis ko.
BINABASA MO ANG
13 Hours
Romance"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...