Chapter 30

200 12 21
                                    

Chapter 30

"AYOS ka lang ba, Fate?"

"Ayos lang po ako talaga, Sir," sagot ko nang kumustahin ako ni Sir Enriquez. Medyo masama na talaga ang pakiramdam ko noong hinila ako ni Angel pabalik ng beach house para i-report kay Sir na may sinat ako, pero kaya ko pa naman talaga. Ayoko kasing ma-spoil ang outing ko. Gusto kong maligo sa dagat, gusto kong gumala at makipag-bonding sa mga colleagues ko.

But an hour after Angel accompanied me to my room, I really got sick. Natuluyan na ang kanina'y sinat lang. By two's ang room ng beach house but my colleagues decided to give me a solo room para raw makapagpahinga ako nang tahimik. And ofcourse para hindi ko sila mahawaan.

"Baka na-over-fatigue ka," komento ni Sir nang bisitahin ako sa kwarto para abutan ng gamot.

"Thank you po," sabi ko sabay abot ng gamot at tubig. Hapon na at naiinis ako dahil wala man lang akong nagawa sa outing na 'to bukod sa Team building activities.

"Magtawag ka lang ng kahit sino sa amin kung may kailangan ka," payo ni Sir bago lumabas ng kwarto.

Binalot ko muli ng kumot ang buong katawan ko matapos akong uminom ng gamot dahil nangangatog ako sa ginaw.

Bored na bored ako buong maghapon habang pinakikinggan ang ingay dala ng saya ng mga kasamahan ko na nasa labas. Bakit napaka-wrong timing naman kasi ng pagkakasakit ko?!

Nakatulog ako ng hapong iyon at nagising nalang nang makaramdam ako ng pangangalam ng tiyan. I checked my phone beside me, and it's already 8 pm. Hindi pa ako kumakain at hindi pa rin nakakainom ng gamot.

Kinapa ko ang sarili at naramdaman kong mainit pa rin ako. Madilim na noon sa buong kwarto dahil gabi na nga. Baka tulog na rin ang mga tao dahil napakatahimik na.

Dahan-dahan akong tumayo dahil nahihilo ako.

Paglabas ko ng kwarto ay napakadilim na rin sa buong beach house. Nagtungo ako sa mesa para tingnan kung may natira man lang bang pagkain para sa akin pero pagtingin ko ay wala. Baka hindi na nila ako natirhan ng hapunan dahil natutulog na ako. Hindi ko naman sila masisisi.

Babalik na sana ako sa kwarto nang biglang may nagsalita. Only to realize that someone was lying on the sofa.

"Kung gutom ka, nasa side table mo ang pagkain para sa 'yo," ani ng pamilyar na boses.

Binuksan ko ang switch ng ilaw sa living area at naroon nga si Vlaze. Pinagkakasya ang sarili habang nakapatong ang braso sa noo niya.

"B-bakit dito ka natutulog?" tanong ko.

"Occupied na lahat ng kwarto. Pang-dalawahan lang lahat," sagot nito habang nakapikit pa rin.

Napaisip naman ako bigla. So, dapat pala talaga ay may kasama ako dahil solo ko ang kwarto ko ngayon.

"Okay, good night," sabi ko at sinara na muli ang ilaw.

Napainda ako sa sakit ng ulo nang makabalik ako sa kwarto. Saglit akong humiga at nakita kong may isang mangkok ng noodles ang nakatakip sa gilid ng higaan ko.

Dahan-dahan ulit akong bumangon saka inilapit ang side table sa kama. Maliit lang iyon kaya pagka-hila ko ay bigla iyong tumaob kasabay ng pagkahulog ng mangkok na may lamang sabaw na siya ring nakalikha ng ingay sa tahimik na gabi.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon