Chapter 2

273 15 2
                                    

Chapter 2

HINGAL na hingal akong napasandal sa pinto ng banyo. Laking pasasalamat ko nalang talaga at walang ibang tao dito loob.

Mga bwisit talaga ang magkakaibigang 'yon! Lagi nalang ginagawang adventure ang buhay ko dito sa school!

Remember I'm a full scholar here so I have records that should be taken care of. Laking pasasalamat ko na lang talaga at hindi pa 'ko nagkakaroon ng bad records dahil sa pinaggagawa ko!

Tinapat ko ang tainga ko sa pinto habang pinakikinggan ang labas. Dinig na dinig ko ang ingay ng mga taong lumalakad mula doon. Sana lang at hindi na 'ko matunton pa nina Marion at napapagod na din akong makipaghabulan.

"Who are you?" Halos mapalundag ako sa gulat nang lumabas ang isang lalaki mula sa pader ng isang urinal.. I swear, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ito..

Mula sa well-built body nito ay inangat ko ang tingin patungo sa guwapong mukha niya. His natural brown hair is neatly combed up which gave his face more appearance. He has a rectangular face with a defined, slightly pointed chin and a sturdy jaw line. I gaze at his thin cherry lips, up to his dark almond-shaped eyes which are sternly staring at me.

This is the first time I'm able to see his face this near and it feels like I'm facing an Adonis right now. I am literally stunned.

Marami namang gwapo sa school na 'to, pero iba ang pagkamangha ko sa lalaking 'to..

"Vlaze?" mahinang sambit ko pero sapat lang para marinig pa nito ang pagbanggit ko ng pangalan niya.

Kilala ko siya, oo. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya? Siya lang naman ang isa sa mga "Campus crush" ng Concordilla Academy.

His eyebrows arched. "Sinisilipan mo ba 'ko?" seryoso nitong tanong sa 'kin.

"Hindi, ah!" mabilis kong depensa sa kanya. Kahit gaano pa siya kasikat ay hindi ko itataya ang dignidad ko at silipan siya, "Feelingero." Napatakip ako ng bibig dahil kusang lumabas ang mga salitang iyon na dapat ay sa utak ko lang!

He snorted, "Ako, feelingero?" tanong nito. Pagkuwa'y humakbang siya patungo sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin kaya ako naman ay atras nang atras. Anong gagawin niya? Sasaktan niya ba 'ko? Ano'ng self-defense ang pwede kong gamitin sa isang 'to?

Kakaatras ko ay nawalan na 'ko ng mahahakbangan. Nakasandal na 'ko sa pinto ng CR. Buong tapang kong sinalubong ang mga titig niya... and I guess, I made a wrong choice! Hindi ako attracted sa mga gwapo pero bakit para akong nalason ng mga tingin niya? Syet, bakit hindi ka gumagana ngayon, Brain?

Unti-unti niyang tinukod ang mga kamay niya sa magkabila kong gilid. Ramdam kong tumatagaktak na ang pawis ko sa noo hanggang singit! Jusko, balita ko playboy ang isang 'to!  Is he gonna kiss me?!

Napapikit ako no'ng unti-unti nang bumaba ang mukha niya sa mukha ko. Kasabay niyon ang pagkabog nang mabilis ng puso ko. Omg, dry ang lips ko nakakahiya! Pasimple kong kinurot ang sarili ko dahil sa naisip ko.

Lalong akong nanginig nang maramdaman ko ang bawat paghinga niya sa mukha ko. Alam kong sobrang lapit na ng mga mukha namin. Hanggang sa..

"Look who's now the feelingera," he coldly said. Napadilat ako at nakita ko siyang nakakipit-balikat. Do'n ko na-realize na naka-nguso pala ako habang nag-aabang sa paglapat ng mga labi niya.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon