Chapter 3
"MAHAL kita, bakit ba hindi mo 'ko kayang mahalin?!"
I was dumbfounded when I saw this scene before heading to my first class. I was walking at the freedom park of the school when I saw some students scattered around as if they are watching a movie.
Again, for the sake of my curious personality, I went there and then I saw this. Hindi ako na 'ko magtataka kung dumugin ng tao ang eksenang 'to dahil si Vlaze lang naman 'yan.
Yes, it's Vlaze with a girl who's confessing her love for him. Maganda 'yong babae. Medyo maliit nga lang. Hawak nito ang kanang kamay ni Vlaze na tila ba nagmamakaawa sa kanya.
"Sumagot ka naman!" sigaw niyong babae. Naririnig ko na ang bulungan ng ilang estudyante na malapit sa kinatatayuan ko. At ang ikina-kunot ng noo ko ay para bang masaya pa sila sa nangyayari?
"Tigilan mo na 'ko," Vlaze replied.
"No! Hindi ako titigil hanggang sa matutunan mo rin akong mahalin. I'm begging, give me a chance to prove my love! Please!"
I saw Vlaze clenched his jaw. I don't know but I can't help to still admire how gorgeous this Man is. Seryoso itong nakatitig sa babae na ngayo'y umiiyak na.
"Stop this. You're wasting my time. It's nonsense, just forget whatever you feel for me." Aww! Madiin akong napapikit ng mata. First time kong makapanuod ng ganitong confession slash rejection nang live at ang sakit palang panuorin!
"Hindi. Ayoko! Ayoko! Mahal kita!" Sabi ng babae sa gitna ng pag-iyak. Nagagawa nga naman ng pag-ibig!
Parang bato naman si Vlaze na hindi pinapansin ang babae at tila hindi nakakaramdam ng kahit anong awa man lang dito.
"Naririnig mo ba 'ko? Sabi ko, mahal kita! Mahal kita!" Sigaw muli ng babae habang patuloy ang pagtulo ng mga luha. Lalo pang lumakas ang pag-uusap ng mga taong nanunuod sa paligid.
Nagulat ako nang malakas na tinanggal ni Vlaze ang kamay niya sa pagkakahawak n'ong babae.
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo," mariin nitong sagot. Tila may kumurot sa puso ko nang sabihin niya 'yon. Nasasaktan ako para dun sa babae.
Malakas na nag-"whoah" naman ang mga nanunuod.
Aktong tatalikuran na dapat ni Vlaze 'yong babae pero bigla nito siyang hinila at..
Mas lalong lumaki ang mata ko nang halikan siya nito! Lalong nag-cheer ang mga tao.
Marahas na tinulak ni Vlaze ang babae. Halos matumba ito sa ginawa niya! Grabe! Ganyan pala ang ugali ng kinababaliwan ng karamihan sa school namin! He's such ungentleman! Biglang nag-flashback 'yong unang meeting ko sa kanya. He even told me I'm ugly! At hindi lang 'yon, itinuro niya rin ako kina Maxvin!
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! Hindi. Kita. Mahal! Kaya pwede ba, 'wag mo nang ipilit 'yang sarili mo sa 'kin dahil wala kang mapapala! I won't love someone who doesn't even know how to respect herself!" Sumigaw na rin sa Vlaze no'n.
Hindi na ma-contain ng isip ko ang mga pangyayari. Bakit walang umaawat? Bakit parang masaya pa 'yong mga nanunuod? They even cheers for Vlaze! Hindi dapat ginaganyan ang mga kababaihan!
BINABASA MO ANG
13 Hours
Romance"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...