Chapter 26
Vlaze"VLAZE." Napalingon si Vlaze sa babaeng tumawag sa kanya. It's Francine, one of his exes.
Nagmadali itong lumapit sa kanya saka siya sinunggaban ng yakap. Napatingin siya sa katabing kaibigan na si Leon. Tila nagulat din ito.
"Ehem," tikhim ni Leon saka kinalabit si Francine. Sa pagkakataong 'yon ay si Vlaze na mismo ang naglayo sa babae mula sa pagkakayakap nito sa kanya.
"What now, Francine," iritang tanong niya. Simula nang makipaghiwalay siya dito ay hindi pa rin siya tinatantanan. Naiirita nalang siya dahil kahit ano'ng pagtataboy niya ay hindi pa rin ito nagsasawang lapitan siya o madalas ay tinatawagan siya.
"I miss you. Ngayon lang ulit kita nakita," kaswal nitong wika sa kanya.
Nagkatinginan silang muli ni Leon saka nagtawanan.
"Alam mo, kung ako sa'yo tigil-tigilan mo na ang paghahangad na babalikan ka pa nitong tropa ko. Wala sa dictionary niya ang salitang balikan," ani Leon saka ngumisi.
Francine just smirked at him. She held Vlaze's hand, "Vlaze, Babe. Please, come back to me. I still love you."
Marahas niyang tinanggal ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa kanya. Umiling siya at tinapunan ito ng malamig na tingin, "I don't love you. Umalis ka na, pwede ba?"
He's starting to get annoyed. Kaya sila tumambay sa west garden ay para walang umistorbo sa kanila dahil tago ang lugar na 'yon, pero heto't natunton pa rin sila ni Francine.
"No," iyak ng dalaga. Ngayon naman ay dinadaan siya nito sa drama. Hindi makaintindi na hindi na niya ito babalikan pa. "Please, Vlaze. Kahit na ano'ng gusto mo gagawin ko, maging tayo lang ulit! Please, please!"
"Umalis ka na, Francine," pigil ni Leon. Dinaluhan na rin nito ang babae upang umalis.
Mataman niya lang tiningnan ang babae habang patuloy ito sa pag-iyak at pagmamakaawang balikan niya ito.
"Ano ba?! Alam kong mahal mo pa rin ako, Vlaze! Nararamdaman ko 'yon!" sigaw ng babae habang nagpupumiglas sa pagkakahawak dito ni Leon.
Sarkastiko siyang tumawa, "You sure? I have never loved you in the first place," prangka niyang tugon dito.
Saglit na napaawang ang bibig ni Fancine. Ngunit umiling ito at ipinilit pa rin ang sarili, "Hindi ako naniniwala sa 'yo! You're just saying that because I didn't satisfy your needs enough when we were making love!"
The side of his lips rose, lumapit siya sa babae at hinarap ito sa mukha, "We didn't make love, dear. We fucked."
Francine bit her lips as she trying to stop her sobs. Poor lady.
Tinalikuran niya ito upang bumalik sa pagkakaupo ngunit hindi niya inaasahang hilahin siyang muli ng babae at angkinin ang mga labi niya. Kahit mas matangkad siya sa babae ay nakuha siya nitong abutin.
He didn't respond with the kiss. Hinayaan niya lang na paglaruan ng babae ang labi niya hanggang magsawa ito. Kung ito ang gusto nito upang tigilan na siya, then go.
Ilang segundo, ay tumigil ito sa paghalik.
Seryoso niya itong tiningnan. She's still crying but he doesn't care at all. "Kung tapos ka na, makakaalis ka na. Ayoko nang makita ka ulit."
BINABASA MO ANG
13 Hours
Romance"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...