Chapter 24

218 12 12
                                    

Chapter 24

ONE and a half hour before the premiere night. Abalang-abala na ang lahat sa paghahanda. Kanya-kanyang gawain ang pinagkakaabalahan sa back stage.

"Wag ka ngang dumilat nang dumilat, kumakalat ang eyeliner, eh!" saway ni Francez habang mine-make up-an ako.

"Sorry," sagot ko naman at pinirmi ko ang mata kong nakapikit. Hindi kasi ako sanay ayusan. Ni minsan ay hindi ko pa nararanasang malagyan ng kolorete sa mukha. No'ng mga graduation ko, pulbo at lipstick lang ang tanging ayos ko.

"Kailangan mabilis kong mapalitan ang ayos mo," aniya. Well, since unang ipapakita sa play ang 'yong chaka version ng Ana ay hindi niya masyadong binonggahan ang look ko ngayon. At dahil ako nga rin ang gaganap bilang magandang version ni Ana, kailangan ay mabilis ang kilos ng make-up team para mapalitan ang ayos ko. Marami naman sila so I guess, makakaya.

Light make-up lang ang nilagay sa'kin. Sinadya niyang pakapalin ang kilay ko at in-enhance pa lalo ang kulay ng mga pimple marks ko sa pisngi. Hinayaan niya ring nakalugay ang dry at puno ng split ends kong buhok, habang ang natural na kulay ng labi ko ay pinahiran lang ng lip balm para mag-moisturized.

Ilang minuto pa ay hinarap niya ako sa salamin, "Ayan, pangit ka na lalo," she commented proudly.

Napangiwi ako. Oo, ang pangit. Akala ko nakakapagpaganda lang ang make-up. Kaya rin pala nitong magpapangit..lalo!

"Don't worry, mamaya, pagagandahin kita," sabi ni Francez.

"Guys, ang dami nang tao sa labas!" anunsyo ni Charry. Nakadagdag lalo iyon upang maramdaman namin ang pressure.

Sa pagkakataon 'yon ay ramdam ko na ang kaba. Natabunan na nga yata niyon ang kaninang excitement na nararamdaman ko. Hindi na 'ko makausap. Nasa tabi lang ako at nananahimik habang palihim na nagdarasal na hindi ako pumalpak mamaya.

"Guys, hurry up! Okay na ba ang lahat? Ten minutes left!" sigaw ng Theater adviser namin.

Mukha namang handa na ang lahat. 'Yong mga nasa first scene including Leon, ay naghahanda sa tabi ng kurtina.

"Guys, can we pray?" I announced.

First time kong mag-bida bida nang gano'n kaya natahimik silang lahat. Macy was the one who agreed so we did. She even led the prayer.

"Goodluck, Guys!" sigaw ni Macy. Nag-group hug pa kaming lahat pagtapos niyon.

Nagbalik na sa kanya-kanyang gawain ang lahat at muli akong nananahimik sa tabi. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko lalo na nang nagsimula na ang opening remarks.

I was rubbing my hands as I heard people outside. Sa lahat ng nasa backstage, ako lang yata ang halatang kinakabahan--o ako lang talaga ang kinakabahan? Malamang ay sanay na ang mga ito sa pag-pe-perform kaya wala nalang ito sa kanila.

Eh, ako? Unang beses kong gagawin 'to, tapos leading lady pa 'ko!

"Oy." Napatingala ako sa taong kumalabit.

It's Vlaze. Ngayon ko lang siya nakita simula no'ng matapos ang last minute-practice namin. Natulala ako nang mapadaan ang mata ko sa kanya. Lalo pa yata siyang gumwapo nang maayusan. Hindi ko mapigilang humanga sa kanya. Kakayanin ko ba mamaya sa eksenang kasama siya? Okay, brain, stop.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon