Chapter 1
"HAMPASLUPANG ENGKANTO!"
Mabilis akong napalingon nang umalingawngaw sa tahimik na classroom ang isang malakas na sigaw.
Anino pa lang yata ay alam na alam ko na kung sino iyon.
"Langit ang buhay ko kanina, eh. May dumating na kampon ng kadiliman, naging impyerno," parinig ko habang patuloy sa pagdikit ng materials na ginagawa ko para sa diorama na project namin sa Bio Sci.
Tuluyang pumasok sa room ang isang lalaking nakabukas ang butones ng polo, magulo ang buhok, may hikaw sa kanang tainga at nakasukbit sa isang balikat ang bag... well, walang iba kundi si Marion.
"Ano'ng sabi mo?" Bakas ang pagkainis sa tanong nito. Pero mas naiinis naman akong makita siya.
"Ano pa bang ginagawa mo dito?" tanong ko. Nagpaiwan kasi ako dito sa classroom after dismissal para tapusin 'tong project. May aircon kasi dito kaya dito ko na rin pinagpasyahang gumawa ng project.
Sa halip na sagutin ako ni Marion, ay lumapit lang ito at binato sa'kin ang isang 1/8th illustration board. Bastos talaga ang isang 'to!
"Gawin mo 'yong akin," utos niya. Kaklase ko siya sa Bio Sci kaya malamang ay obligado siyang gawin ang diorama.
I winced as I put down the Illustration board that he gave, "Batas ka ba? Hindi ko pa nga tapos gawin 'yung akin tapos uutusan mo 'ko na gawin ang sa'yo?"
"Bakit, may reklamo ka?" Paghahamon nito. Mas lalo akong nabuwisit nang bahagya niyang ilapit ang mukha niya sa'kin na para bang sinisindak ako.
I snorted, "Oo, mero'n. Bakit ko naman gagawin project mo, jowa ba kita?" Balik-tanong ko rito.
Kumunot ang noo nito at umarteng nandidiri. "Mangilabot ka nga sa sinasabi mo. Maisip ko pa nga lang na liligawan ko ang tulad mo, nasusuka na ako," wika niya habang nakangiwi.
Natawa naman ako, kung makapagsalita eh akala mo ang guwapo. Mukha namang tuko!
"Hanggang bukas, kapag hindi 'yan umabot sa deadline, patay ka sa'kin," banta nito at pagkuwa'y dumiretso na sa paglabas ng room.
Nag-init talaga bigla ang dugo ko. Sa araw-araw naman na ginawa ng Diyos bakit laging nag-eexist ang Marion na 'yun?
Tinaas ko ang gunting at itinapat iyon sa pintuan nang makalabas siya nang dahil sa gigil, "Patay ako sa'yo? Ikaw kaya patayin kong bwisit ka?!" sabi ko habang nanggagalaiti.
Wala akong choice. I'm sure hindi ako titigilan ng hayup na 'yon kapag hindi ko sinunod ang gusto niya.
Marion's one of those people na ginagawang hobby ang pan-ti-trip sa'kin. Hindi ko alam kung ano'ng naging kasalanan ko sa taong 'yun dahil ever since na naging kaklase ko siya ay hindi na niya 'ko tinigilan.
Iniisip ko nga ay dahil ba 'yun sa hindi ko siya pinahiram ng ballpen nung midterms namin last year dahilan para hindi siya makapag-exam?
Nagtagal ako ng mahigit dalawang oras para tapusin ang project ko at ang kay Marion. Lahat ng tira-tira sa materials ko ang siyang ginamit para sa project niya. Nagpagawa na nga lang, hindi pa gumastos!
BINABASA MO ANG
13 Hours
Romance"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...