Chapter 18

283 21 15
                                    

Chapter 18

"LOLA, nakalimutan mo na ba 'ko?" natatawang tanong ko.

Kumunot lalo ang kanyang noo at pinilig pa ang ulo na para bang inaalala ako.

I showed her the necklace that she gave me which I'm already wearing. Matagal ko na dapat isinangla 'to, pero hindi ko nga ba alam kung bakit may part sa akin ang pumipigil na gawin iyon. Biglang ayoko na lang siyang mawala sa akin. Feeling ko, very sentimental nito. I know, it's weird but that's what I feel with this necklace.

Lumawak ang ngiti ni Lola nang makita ang kuwintas, "Akin dati 'yan, eh" aniya.

Napawi na naman ang ngiti ko, "Oo nga po, binigay niyo nga po sa 'kin 'to no'ng gabi na napagkamalan po kitang snatcher. Muntik pa nga po kitang mapilayan n'on, eh!" paliwanag ko habang pinipilit ipaalala sa kanya ang gabing 'yon.

Tumango-tango siya kaya napangiti ulit ako. "Naalala niyo na po?"

"Ikaw 'yong batang nagbigay sa 'kin ng pagkain," walang emosyong sagot niya.

Napapalakpak naman ako dahil naalala niya. "Ako nga po, Lola! How are you?" Sinadya kong mag-english dahil naalala ko na soysal din 'tong si Lola, nag-eenglish!

She didn't respond, instead, she just weirdly stared at me. Bigla akong tinayuan ng balahibo sa ginawa niyang pagtitig sa 'kin.

"L-lola?"

"Nangyari na ba?" tanong nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Ang alin po?"

Bigla niyang dahan-dahang itinuro ang suot kong kuwintas. Napatingin din naman ako do'n at hinawakan, "Ano pong mayro'n?"

"Anuman ang hilingin mo sa pamamagitan ng kuwintas na iyan, ay matutupad," sabi nito nang seryoso ang mukha. Lalo akong kinilabutan, "Hindi ka dapat maging padalos-dalos. Anuman ang hilingin mo sa pamamagitan ng kuwintas na iyan, ay matutupad," ulit niya.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Lalo akong nagtaka. "May magic po ba ito?" I sarcastically asked.

I was shocked when she nodded, "Oo. Anuman ang hilingin mo sa pamamagitan ng kuwintas na iyan, ay matutupad. Mag-iingat ka," aniya.

Lalong umakyat sa utak ko ang curiosity. Ang weird ng nararamdaman ko. Ano'ng ibig niyang sabihin? Kinakabahan ako!

"Wala ka bang hiniling? Wala bang nangyayari sa 'yong kakaiba simula nang mapasaiyo ang kuwintas na 'yan? Wala bang nagbabago?" misteryosong tanong nito.

Saglit akong tumahimik upang alalahain at ipasok sa utak lahat ng sinabi niya.

Napaangat agad ako ng tingin nang bigla akong may naalala! Baka may alam si Lola tungkol sa pagpapalit namin ng katawan ni Vlaze! 

Luminga-linga ako sa paligid, siniguradong walang tao ang malapit sa 'min, saka ako bahagyang lumapit sa kanya upang walang makarinig. Hindi na 'ko nag-alangan pang sabihin sa kanya ang tungkol do'n.

"Lola, 'wag po kayong mabibigla," panimula ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ba 'ko nito pero malaki ang kutob ko na may kinalaman ang kuwintas na sinasabi niya sa nangyayari sa 'min ni Vlaze.

13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon