Chapter 5
BAKAS din ang gulat sa mukha ni Vlaze nang makita ako. Ako ma'y hindi inaasahang makikita ko na naman siya sa hindi inaasahang pagkakataon, at lalong sa hindi inaasahang lugar. Kung minamalas ka nga naman!
Pero ang hindi ko inaasahan ay, "D-dito ka nakatira?"
Tumayo ito sa pagkakaupo niya sa study table sa gilid ng kama. Kaya siguro hindi ko napansin na may tao pa sa kwarto ay dahil nasa sulok siya.
"What are you doing here?" Nanlilisik ang mga mata na tanong nito sa 'kin tska padabog na kinuha sa kama ang short at sinuot iyon.
Do'n ko lang na-realize na wala pala itong saplot, maliban sa undies! Mabilis akong napapikit habang nagsusuot siya ng short. "Paano ka napunta sa loob ng kwarto ko?!" singhal nito.
"A-ano kasi--uhmm." Hindi ko alam kung paano ako mag-eexplain dahil sa mga pasabog na pangyayari. Una, nandito si Vlaze, pangalawa, siya pala ang anak ni Mrs. Drixon, pangatlo, 'yong natunghayan ko ang ginagawa nilang milagro ng babae niya kanina at pang-apat, nakita ko siyang naka-brief lang! Pucha.
Dumilat na lang ako nang maramdaman kong mariin akong hinawakan ni Vlaze sa kaliwang braso.
"Ano?!" He once again asked, raising his voice.
"Pinalitan ko kasi ang Mama ko sa paglilinis ngayon. Anak ako ng maid niyo. May sakit kasi siya kaya ako muna ang pumalit. Maglilinis sana ako dito pero--ano, n-naabutan niyo 'ko," paliwanag ko at napakamot sa ulo. "Pero 'wag kang mag-alala, wala akong nakita kahit isa sa mga ginawa niyo n'ong girlfriend mo! Promise!" Pagsisinungaling ko.
He was sternly looking at me and snorted after a minute, "She's not my girlfriend," kibit-balikat nitong saad.
Tumaas ang kilay ko. Dinuro ko ang dibdib niya--matigas, infairness!
"Ano'ng hindi girlfriend? Siraulo ka ba?! Hindi mo dadalhin sa sariling kwarto para halikan at hubaran ang babaeng 'yon kung hindi mo siya girlfriend!" Singhal ko dala ng inis.Ayoko talaga sa taong 'to! Masyadong tine-take advantage ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya!
Halata sa mukha ang bahagyang pagkagulat nito at pagkatapos ay napalitan din naman iyon ng mala-demonyong ngiti, "So wala ka talagang nakita kanina, ah?" sarkastikong sambit nito.
Nainis ako lalo. Napaka-shunga ng brain cells ko ngayon! "Oo na, oo na! May nakita ako pero konti lang naman, eh!" Paliwanag ko. "Tska hindi ako makalabas kasi nga nagtutukaan na kayo kanina."
"You enjoy it, didn't you?" Tila nanunubok nitong tanong.
"Siraulo! Walang ka-enjoy-enjoy sa ginawa niyo! Kayo siguro, nag-enjoy!"
"She did." He answered grinning.
"Pakboy ka!" Walang preno kong bulyaw sa kanya.
But instead to be offended, he grinned, "Call me whatever you want. Nobody cares, anyway."
Inirapan ko nalang siya.
Akmang aalis na 'ko nang bigla na naman itong magsalita, "Sa susunod na papalitan mo ang maid, alamin mong hindi ako nagpapapasok ng kahit sino sa kwarto ko."
BINABASA MO ANG
13 Hours
Romance"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...