Chapter 13
KUNG may isang tao naman talaga akong kaiinisan ngayon ay si Vlaze iyon. Pinahirapan niya akong mamili sa dalawang bagay na hindi ko gustong gawin.
Three days ago nang pinamili niya ako kung Pageant o Teatro. Hindi ko siya sinagot the day after, until today. I even ignored his texts. Hindi kasi talaga ako makapagdesisyon.
Nakaka-stress!
"Girl, nakikinig ka ba?" Bumalik lang ako sa huwisyo nang kalabitin ako ni Charm.
Charmaine Santiago's my friend when I was in Highschool. Naisipan ko siyang daanan sa bahay nila ngayon bago sana ako umuwi. Siya lang naman ang naging pinakamatagal kong kaibigan.
At dahil matagal-tagal na nga rin kaming hindi nagkikita ay napatagal ang kwentuhan namin.
"Ano nga ulit 'yon?"
"Ang sabaw mo, 'Te," aniya sabay subo ng Banana chips na dinala ko para sa kanya.
"Pasensya na, maraming akong iniisip," sabi ko na lang. Hindi ko naman ikunwento sa kanya ang pagkakapalit namin ng katawan ng "Campus Hearthrob" na si Vlaze. Bukod sa hindi ito maniniwala, ay nagkasundo kami ni Vlaze na walang ibang makakaalam n'ong nangyari.
"Sabi ko gusto ko nang sagutin si Charles. Paano ko kaya sasabihin sa kanya?"
Napangiwi ako sa sinabi niya. Dinaig pa 'ko nito sa pagdating sa love life! Sa tagal ng pag-uusap namin ay umabot na pala kami sa manliligaw niya.
"Hintayin mo siyang magtanong," sagot ko.
Ngumuso naman ito. "Naiinip na 'ko, eh! Hindi siya nagtatanong. Gusto ko nang maging official kami, eh!
I rolled my eyes. Halata kay Charm ang ningning sa mga mata na masasabi mo talagang in-love ang isang 'to.
Naalala ko no'ng third year highschool ako, I had my first boyfriend. Niligawan ako ng kapit-bahay naming si Iko. Dahil first time kong maligawan, sinagot ko siya out of curiousity.
Hindi ko maco-consider na seryoso 'yon dahil hindi ko naman talaga siya minahal. Kapag magkasama kami, hindi kami nagpapansinan. Ni-hindi ko nga alam kung paano siya kakausapin kasi nahihiya ako sa mga kaklase ko. Ugh! Childhood memories!
Tapos naalala ko, nakipag-break siya sa 'kin. Napapanuod ko dati sa mga tele-novela na kapag nakikipagbreak ang isa sa magkasintahan, umiiyak sila. So, no'ng hiniwalayan ako ni Iko, pinilit ko ang sarili ko na umiyak. Kasi nga feeling ko, kapag nag-break, mandatory ang pag-iyak. Nakakaloka!
"Sigurado ka na ba sa kanya?" Tanong kong pabalik dito.
She pouted. "Ikaw ba, kung nasa sitwasyon kita, pa'no mo malalaman na sigurado ka na sa nararamdaman mo?"
Gusto kong matawa sa tanong niya. Bakas sa kanya ang curiosity. Sa akin pa talaga siya nagtanong?
Humugot ako ng malalim na hininga. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at matamang tiningnan sa mga mata. Hindi ako love expert, pero mahilig akong magbasa ng mga romance novels sa pocketbook na hinihiram ko sa kaklase ko no'ng Highschool, "Malalaman mong sigurado ka na, kapag hindi na siya maalis sa isip mo at isa siya sa mga dahilan kung bakit ka masaya.
Gusto kong masuka sa sarili kong advice. Para sa isang tulad ko na wala pang nagiging serious relationship, ay hindi bagay na magbigay ng love advice!
Napangiti si Charm at hinampas ako sa braso. Loko 'to, ah? "Ikaw, ah! Kanino ka ba in-love?" Ang isang hampas ay nadagdagan pa ng isa, at ng isa pa, hanggang sa paulit-ulit na niya akong hinahampas.
BINABASA MO ANG
13 Hours
Romance"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...