Chapter 16
HINDI na akong nag-abala pang pumasok sa school nang maaga ngayon. Kung puwede nga lang ay hindi na 'ko pumasok, kung wala lang sanang attendance.
Ngayon kasi ang opening ng Foundation week namin at gaya nga ng sabi ko ay wala kaming klase nang isang Linggo para sa iba't-ibang event na hinanda dito.
Alas-diyes na nang makarating ako sa Concordilla. Nasa entrance gate pa lang ako ay damang-dama na ang espiritu ng kasiyahan sa buong school. Naabutan ko ang parada ng bawat college, at sa bawat section, ay nasa unahan ang kanilang mga muses at escorts. Sila ang representatives para sa pageant.
Hindi ko alam kung nagawan na ba ng paraan ni Vlaze ang tungkol sa pag-atras ko sa pageant. We've never seen each other since the last time we switched, two days ago. Wala rin siya sa practice ng Teatro no'ng mga nakaraang araw gayong siya itong kailangang-kailangan. Though, I heard from some of our co-members that his reason was valid. I didn't bother to ask them since I don't care at all. And speaking of Teatro, medyo nasasanay naman na ako dahil sa pag-attend ko ng practices. Although, hindi pa naman ako gano'n kagaling but I swear, I'm doing my very best.
Since umaandar naman ang parada ay naghintay na lang ako na dumaan ang college at section ko para sumabay na sa pila. Sigurado naman ako na 'pag tapos nito, at ng attendance, ay magkakanya-kanya na rin ang mga kaklase ko. Kaya ako na walang kaibigan, uuwi na lang agad siguro. Actually, required ang presence namin dito kaya may attendance. Pero para sa isang tulad kong loner, hindi ko ma-e-enjoy ang event.
Aliw na aliw ako habang tinitingnan ang nag-gagandahan at naga-guwapuhang candidates from each class. Parang mga artista! See? Diyan ako ilalaban ng Vlaze na 'yon! Ipapamukha niya lang sa 'kin na wala akong binatbat sa mga estudyante dito.
Nagsimula ko nang hanapin ang mga kaklase ko nang makita ang pila ng course namin.
I was really surprised when I saw our class' candidates, it's Kyla and ofcourse, Liam. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang pagiging muse ni Kyla ng section namin dahil 'yon naman talaga ang gusto niya. Pero ang pinagtuunan ko ng pansin ay si Liam.
He's wearing a simple white shirt that hugging his body, ripped skinny jeans and a pair of white rubber shoes. He's too simple to be that gorgeous! Nakaayos ang kanyang natural brownish hair na tulad ng isang matinee idol noon. He looks so perfect! Nangingibabaw siya sa section namin nang mga oras na 'yon.
Bakit ngayon ko lang na-appreciate ang ka-gwapuhan ni Liam? Even if he's not flashing his smile, his fierceness makes him so damn hot!
"Liam! Liam!" tawag ko sa kanya sa kabila ng ingay na nagmumula sa tambol ng parada ngunit hindi niya iyon narinig.
Sa halip, si Kyla ang lumingon. To be honest, maganda rin si Kyla na masasabi talaga na may laban siya sa ibang mga kandidata.
Nagtama naman ang mga mata namin kaya agad siyang umirap. Nagusot ang mukha ko sa inasal niya. Siya na nga ang naroon, ano pang problema niya?
Sumingit na 'ko sa pila no'n at nakiparada hanggang sa matapos iyon. Nagkaroon lang ng official opening, lighting of torch, at tulad nga ng inaasahan, pagkatapos makapag-attendance, ay nag-kanya-kanya na ang mga estudyante.
Maraming booth ang nakakalat sa paligid, iba't-ibang pakulo mula sa mga clubs, may libreng mga rides na arkilado ng school at kung anu-ano pa. Ganito lagi samin kapag Foundation week, parang perya.
BINABASA MO ANG
13 Hours
Roman d'amour"Be careful what you wish for." Paano kung magkapalit kayo ng katawan ng lalaking kinaiinisan mo? Dahil sa hindi sinasadyang kahilingan ay naging kumplikado ang buhay ni Fate nang magkapalit sila ng katawan ng Campus-Hearthrob and so-called-Playboy...