Chapter 21

192 11 15
                                    

Chapter 21

"CONGRATS! Ang guwapo-guwapo mo kagabi!" bati ko kay Liam nang magkasabay kaming mag-lunch kinabukasan.

He flashed me his once in a blue moon smile, "Thanks."

"Grabe ka ah! Ang galing mong rumampa, tapos pak na pak pa 'yong sagot mo sa Q&A! Hindi na kita nabati kagabi kasi dinumog ka na ng fan girls mo," biro ko.

"I saw you cheering with the crowd. You were at the front seat," aniya. "That's enough as a greeting from a friend."

Sa totoo lang, kinilig ako na binaggit niya ang friend. Pero kinilig ako kasi nakakakilig si Liam! Hindi ko inaasahan na magkaka-crush ako sa kaklase kong hindi ko naman alam ang existence dati. Napakatahimik niya lang tapos anak pala siya ng sikat na artista at ngayon, kaibigan ko na!

"Fate?" Bumalik lang ako sa huwisyo nang banggitin niya ang pangalan ko. "May dumi ba ako sa mukha?"

Biglang umakyat ang init sa mga pisngi ko. Huli na para marealize kong nakatitig pala ako sa kanya!

"Wala, hehe," sabi ko nalang saka pinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay naglakad-lakad kami ni Liam. Sa ilang beses naming magkasama sa buong fair, lahat ng rides, nakasakyan na namin tapos kain lang kami nang kain, siyempre, libre lahat 'yon ni Liam. See? Gan'yan siya kabuti at gentleman. Pakiramdam ko tuloy, nagdi-date kami.

"Bukas na pala ang play niyo," anito.

Nabanggit ko na rin pala kay Liam ang tungkol sa pagsali ko sa Teatro Concordilla. Sabi ko naman napilit lang ako ni Vlaze, which is true.

"Oo! Sa wakas, matatapos na rin! Manunuod ka ba?" Nasasabik kong tanong sa kanya. Paniguradong gaganahan akong umarte kapag alam kong manunuod si Liam!

Sumulyap siya sa 'kin at saka tumango. Nagningning ang mga mata ko!

Napakapit ako sa braso niya, "Talaga?! Do'n ka rin umupo sa unahan, para makita kita, ha?" bulalas ko.

Tila na-weirduhan naman si Liam at marahang tinanggal ang kamay ko. I pouted, kahit feeling friends na ako sa kanya ay may pagkamasungit pa rin siya sa 'kin.

Ganoon lang namin pinalipas ang oras namin. May mga clubs na nag-organize ng iba't-ibang mga pakulo or activities. May mga booth na bigla ka nalang hihilahin para sa dares nila at kapag umayaw ka, magbabayad ka. Para-paraan para kumita ang club nila.

Sa buong oras naming magkasama ni Liam ay, ofcourse, ako lang ang madalas magdaldal. Panay sagot lang siya kapag may itatanong ako or tatawa lang.

Napadaan kami sa isang booth kung saan puno iyon ng mga litrato. Na-engganyo naman ako kaya niyaya ko si Liam sa loob ng tent nila.

"Ang ganda nito, Liam oh!" I exclaimed as I saw a picture of yellow flowers which really caught my attention.

"Ang ganda nito, Liam oh!" I exclaimed as I saw a picture of yellow flowers which really caught my attention

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
13 Hours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon