Max's POV
NANG MAKABALIK kami ay hindi ko inaasahang nakatingin na ang mga estudyante sa aming dalawa. Doon ko napagtanto na tila kaming dalawa nalang talaga ang iniintay para masimulan na ang activity.
"Oh they are here!" sabi ng isang babaeng estudyante
"I guess we can start this activity for tonight?" tanong ng guro
Tumango naman ang mga estudyante bilang tugon.
"Okay first of all, as you can see, bawat lugar saan kayo nagtayo ng tent ay may isang malaking ihawan. Syempre sisimulan natin ang gabing ito sa dinner"
Nagtawanan ang iilang estudyante
"Ayun oh chibugan na!" sigaw ng lalaki sa likod na ikinatawa ng iilan
"Kayo mismo ang magiihaw malamang. Alangan kami pang mga teachers ang gumawa diba?" pabirong sabi ng emcee "Anyways ang iihawin nyo naman ay doon makukuha sa assembly area. Pumili nalang kayo ng isa or dalawang tao para kumuha ng iihawin nyo. And paalala lang, may points pa rin pagdating rito sa activity natin tonight." tumango naman ako. Magkaiba ang grupo sa activity kaninang umaga sa ngayon. Ngayon kasi kung sino na ang kasama namin sa lugar kung saan nagtayo ng tent ay siyang kagrupo namin.
Agad namang nagbulong-bulungan ang mga estudyante. Nagkibit-balikat na lamang ako at bumaling ang atensyon ni Misha sa akin.
" Sinong kukuha sa grupo natin? "
Naisip ko kung ako ang kukuha, tila nabigyan na rin ako ng pagkakataong makahinga ng maluwag. Kapag kasi andito ako, at andito siya pakiramdam ko nasasakal ako na dahilan para mahirapan sa paghinga.
"Ako nalang" pagpresinta kp
Nagkatinginan naman sila na kalaunan ay tumango. Tinanguan ko lang si Misha, naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin kaya tumayo siya at sinundan ako.
Pagbaba namin, yumakap agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin.
"Ayos ka lang?" tanong ni Misha
Ngumiti ako at tumango
"Ako na kukuha ng pinggan diyan ka lang!" aniya at pumila sa kuhaan ng pinggan.
Tumalikod ako para pagmasdan ang mga puno na mistulang sumasayaw dahil sa ihip ng hangin. Tumingala ako at nakita ko kung gaano kaliwanag ang mga bituin at ang buwan.
"Huy natulala ka dyan" sabi ko kay Efraim na nakaupo sa damo at nakangiting pinagmamasdan ang langit
"Ang ganda kaya pagmasdan" aniya habang hindi inaalis ang tingin sa langit na binibigyang liwanag ng mga bituin
Naupo ako sa tabi niya at tumingala rin sa langit. Nakita ko ang mga bituin na hindi magkamayaw sa pagkislap
"you know what Max, you looks like a star" aniya habang nakangiti
Nakunot naman ang noo ko at ngumisi. May banat na naman sya.
"At bakit?" tanong ko sa kaniya
"kasi kapag madilim na ang paligid, ikaw lang ang gusto kong tinititigan" aniya
"Bakit hindi pa buwan?" tanong ko pabalik
"Kasi madalas nakikipagtaguan sa akin ang buwan" aniya na ikinatawa ko
"corny mo!"
"I love you too" aniya
Ngumiti ako pero parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil naiisip ko ang sinasabi ng iba.... Na "Pinaglalaruan ka lang niyan"... Na "Niligawan ka agad? Kahibangan!"... Malungkot ko siyang tinignan na nakatitig pa rin sa langit... Masakit isipin na totoo nga ang sinasabi nila... Na baka laruan lang ako para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...