CHAPTER 32

103 5 0
                                    

Chapter 32

Max's POV

Pagka-alis ni mommy, napatingin ako kay kuya. Para akong tanga na nakangiti dahil iniisip ko na manonood ako ng sarili kong pelikula dahil sa plano ko.

"Kuya-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumunog ang doorbell, nagkatinginan kami ni kuya at tila nagkakapaan pa kung sino ang mag-bubukas.

"Ah geh ako na" aniya

Tinanguan ko nalang siya at naiwan akong mag-isa sa sala. Napaupo ako at nagisip-isip. Maya-maya'y bumukas ang pintuan, napatayo ako dahil si Edward ang bisita namin. Napalunok ako dahil hindi ko inaasahang darating siya dito.

Napatingin ako kay kuya na kasunod niya, nakatingin din ito sa akin na para bang sinasabi niyang siya na ang bahala. Napatango ako ng marahan bago muling sulyapan si Edward.

"Oh anong atin?" Masiglang bati ko sa kaniya

"Hm, ayain sana kitang lumabas"

Otomatiko akong napatingin kay kuya, tinaas ko ang kilay ko sa kaniya. Kailangan payagan niya ako.

"Sure sige, pwede mong ayain ng date yang kapatid ko" sabi naman ni kuya

Napahinga ako ng maluwag. Naisip ko na kung anong isusuot ko. Tinignan ko muna si Edward

"Oh paano? Aakyat muna ako ah?" Sabi ko sa kaniya.

Tumango ito sa akin. I smirked. Edward, you don't know how I play games. Sinulyapan ko si kuya at kinindatan bago pumunta sa kwarto.

Pinili ko yung damit na sinuot ko nu'ng first date namin ni Efraim. White shirt na may nakalagay na puso at isang denim jeans na tinernuhan ng sneakers. Humarap ako sa salamin bago ngumisi. Tignan lang natin.

----------

Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Nadatnan kong nag-uusap sila kuya kaya bahagya akong tumikhim para maagaw ang atensyon nila.

Si Edward ang una kong tinignan, tila siya tuod ng makita ang suot ko pero agad itong nawala.

"Y-you look beautiful" aniya

Ganiyan nga

Nginitian ko siya ng malapad at ipinalibot ko ang kamay ko sa kaniyang braso.

"Let's go?" I asked him using my sexy voice.

Tignan lang natin kung hindi ka mahulog

"Kuya una na kami ah?" Nginitian lang ako ni kuya

Nang makalabas kami ng bahay, napakunot ang noo ko ng makita ko ang motor na nakaparada sa labas. Nabuhay ang galit sa loob ko dahil kung hindi ako nagkakamali, 'yang motor na iyan ang huling nakita ko nu'ng maaksidente kami ni Efraim.

Pasimple kong sinulyapan si Edward na pinapaandar ang motor. Gustong-gusto ko na siyang pahirapan. Gustong-gusto ko siyang sigawan, pero pinakalma ko ang sarili ko dahil hindi pa ito ang tamang panahon.

Nakangiti itong lumapit sa akin at iniabot ang helmet. Kaya wala akong nagawa kundi ngitian siya pabalik at tanggapin ang iniabot niya.

"You look sexy huh" aniya

Hindi ka marupok Max. Hindi

"Thanks" simpleng sagot ko sa kaniya

Nang makasampa ako sa motor. I quietly laughed, sa naisip ko. Imbis na sa bewang ni Edward ako humawak, mas pinili kong huwag nalang kumapit. Napangisi ako dahil tila iniintay niyang kapitan ko siya.


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon