CHAPTER 37

78 2 0
                                    

Max's POV

Pagkauwi ko sa gate ng bahay agad namang bumungad si Kuya sa akin. He's standing in front of the door while looking at me. Ngumiti ako ng pilit at lumapit sa kaniya

"Hello kuya" bati ko rito

Wala pa rin siyang karea-reaksyon at sa halip ay sinundan ng tingin ang humaharurot na motor ni Edward. Napapikit ako at bumuga ng malalim na hininga.

"Andyan na ba si mommy sa loob?" pag-iiba ko ng usapan

Malamig lang siyang nakatingin sa akin, kumunot na ang noo ko dahil sa iritasyon. Nang hindi niya ako sinagot ay papasok na dapat ako pero hinablot niya ang braso ko, napangiwi naman ako dahil medyo madiin ang pagkakahawak niya rito. Nang humarap kao sa kaniya sinamaan ko na rin siya ng tingin

"What the hell is your problem!?" di ko mapigilang itanong sa kaniya

Lumitaw sa labi niya ang nakakakilabot na ngisi

"You. You are my problem" malamig niyang anas

Nabuhay ang galit sa akin dahil sa sinabi niya. Inis akong lumapit sa pinto at isinara iyon pabalibag bago humarap kay kuya.

"What the heck is your problem ba!? Akala mo gindi ko napapansin?" dinuro ko a siya "Everytime that Edward is around, para kang bulkan na sasabog! Hindi ko malaman kung ano bang problema mo doon sa tao!" sigaw ko dito

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa wakas nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin. But again, mas lalo pang nanlamig ang aura niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko

" Because that man, killed my girlfriend's brother" madiin niyang sabi

I chuckled in disbelief.

"Really kuya? Bakit ba nagpapakagigil ka? Boyfriend ko yung namatay pero hindi naman ako katulad mo!" nagulat ako nang sampalin niya ako

Hindi ako makapaniwalang ginawa niya sa akin yon.

"Mas lalo mo lang pinatunayang magkaiba tayo" sabi ko sa kaniya at Iniwan ko siyang tulala tsaka ako umakyat sa taas

Nang makarating ako sa kwarto tsaka ko lang nailabas ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. I brush my hair using my fingers. Never in my whole life kaming nag-away ni kuya. Palagi kaming magkasundo, but now? I don't know what really happened.

Nahiga ako sa kama, after that, nakatulog na rin ako. Nagising ako at agad nataranta, inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Madilim pa pala. Tumingin ako sa bedside table ko. It's already 2am in the morning. Nang maalala ko na hindi pala ako nakapag-prepare ng dadalhin ko sa tour, agad kong nasabunutan ang sarili ko.

"Ghad I really need to move right now." Pagkausap ko sa sarili ko tsaka tumayo

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon. I feel so tired. I'm tired of thinking 'bout the possible reason why would kuya do that? I know there's something. Is it because he always sees Edward as a bad guy?.

"Aaarrrgggghh" Ipinilig ko na ang ulo ko para alisin ang mga 'negative thoughts' na naiisip ko.

Tuluyan na akong tumayo at dumiretso sa cabinet. Kumuha lang ako ng limang pares ng damit. Siguro naman sapat na yon, di rin naman kami magtatagal doon eh. Isinalansan ko ito sa isang sling bag. Napaupo ako sa kama

Bababa ba ako? What if kuya is still awake? Kailangan kong bumili ng snacks man lang, para habang bumabiyahe may nakakain ako.

Since maaga pa naman, napagdesisyunan kong maligo nalang muna para pagbalik ko galing sa convinient store ay okay na.

I'm staring at my reflection in the mirror while I'm doing my skincare routine. I smiled and thinking my memories with Efraim. Before, I was weak, now Edward freed the demon inside of me. Later on, Edward will lick his own wound. I'm not sure if his actions are true, but either of the two, I'll continue to this plan. I want him to suffer. I want to hurt him so bad.
------------------
Habang nagdadrive ako papuntang 7/11 outside the village, pakiramdam ko may nakasunod sa akin. I'm referring to a car that's following me since I exit the village's gate. I'm not scared. It's just I want to know why the fvck is that car following me and who is the damn driver. Tumuon ulit ang atensyon ko sa daan at pinabayaan ang kotseng sumusunod sa akin.

Nang makarating ako sa 7/11, pinark ko ito sa maliwanag, and I still feel that whoever is the driver of the car, he or she's still following me. I ignored his/her presence at pumasok sa loob ng convinient store. Kumuha ako ng basket at nagsimulang maglibot. Kumuha ako ng chocolate, chips, and drinks.

While I'm paying in the counter, I can feel the stares from the damn driver who's following me. Napairap na ako. Nagulat ako, nang mag-ring ang cellphone ko, napantingin din naman ang mga tao sa akin na nagbabayad rin. Sinagot ko ang tawag.

"Hello" inis na sabi ko dito dahil hindi na ako nagabala pang tignan kung sino ang caller.

["Where the hell are you?" ] nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mahimigan ko ang boses ni Edward na malamig at tila nagpipigil ng galit

"I-I'm outside" sagot ko dito nakagat ko pa ang labi ko dahil nautal ako, which is hindi naman din normal sa akin.

["Damn, in the middle of the fvcking night!?"] hindi na ako nakasagot dahil bigla nitong binaba ang tawag. Sakto naman na ako na ang susunod na magbabayad kaya hindi ko na pinansin.

Nang makapagbayad ako, dali-dali rin akong lumabas ng convinient store at ramdam ko na may nakasunod pa rin sa akin, imbis na ipahalata kong nanginginig na ako sa takot, mas binagalan ko pa ang lakad ko hanggang makarating ako sa pinto ng kotse ko. Hinawakan ko ang pinto nito ngunit may humablot sa kamay ko kaya napasinghap ako at tumingin sa humawak sa kamay ko. Ang kaninang takot na nararamdaman ko ngayon ay humupa na.

"What the heck? Your hands are cold" madiing aniya

Nahirapan akong lumunok, galit na ba ito sa akin?. Napansin ko ang pagtiim ng bagang nito, habang naka-angat ang tingin sa langit at nakapikit. Napaatras ako at umiwas ng tingin ng dumilat ito at nagtama ang aming paningin.

"A-ah bakit andito ka?" Tanong ko rito

Nang ma-realize ko kung ano ang sinabi ko ay agad akong mariing napapikit. Tanga.

He chuckled.

"I'm here to fetch you" aniya habang direktang nakatingin sa akin na nagpabilis naman ng tibok ng puso ko.

Nang makabalik ako sa wisyo tinignan ko ang cellphone ko. 2:30 am palang. Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya

"P-pero paano yung kotse ko?" sabi ko rito sabay tingin sa kotseng nasa gilid namin

"Hayaan mo nalang?" tamad nitong tanong

Bigla akong nainis

"Ano!? Hindi pwede!" sigaw ko rito

Tumawa na naman siya at tumingin sa akin.

"Okay chill, You know... Ahm, medyo hindi pa kasi nag po-process ang brain ko kaya," nilaro nito ang susi sa kamay "ganon ang nasabi ko"

Sinong di maiinis? Uso pa naman ngayon ang nakawan, paano kung mabasag kotse gang ako? Tss.

"Okay ganto, iuuwi ko na muna itong sasakyan, intayin mo—"

"Then susunod ako sayo" putol niya sa sasabihin ko

Bigla kong naalala si kuya Dave. Magkikita na naman sila, hindi nga ako nagingay kanina dahil sa takot na magising si kuya eh.

"Wag na" tamad na sagot ko dito at pumasok sa loob ng kotse. Nagulat ako ng katukin niya ang bintana ng kotse ko, napatingin ako sa kaniya at ibinaba ang bintana.

"After mo mapark yan, kukuha ka pa ng taxi so susunod ako" pinal na sabi nito bago ako tinalikuran at sumakay din sa kotseng nakaparada sa tabi ko.

Wala na akong magagawa dahil tinalikuran niya ako. Umiling nalang ako at inangat ang bintana tsaka nagmaneho. Napatingin ako sa side mirror, kumunot ang noo ko dahil may nakamasid sa aking pag-alis mula sa labas ng convinient store. Nabuhay ang kaba sa akin, sino ka ba? Anong kailangan mo?


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon