Hi mga mahal muli akong nagbabalik! :)
Stress na ba kayo sa modules nyo? Ako din!! Kapit lang mga mahal ko!! Laban lang!
------------------------------------------Chapter 35: Excited
Max's POVKinabukasan ay maaga akong gumising dahil may exam kami. I didn't expect na pagbaba ko, nakikipagtawanan si Edward sa mama ko. Imbis na mapangiti ako hindi ko alam pero nabuhay ang galit sa akin. Niyukom ko ang aking kamao. Talagang nakakatawa pa siya? Ni minsan ba hindi man lang siya tinablan ng konsensiya?
"Max!"
Nagulat ako nang tawagin ako ni kuya, napalingon ako sa pwesto niya at naningkit ang mata ko dahil sinadya niya atang tawagin ako para lang makuha ang atensyon nila mama at Edward
"Yes?" tamad kong sabi sa kaniya
"Anak andyan ka na pala, kain na" masayang ani ni mama
Ngumiti lang ako at naupo sa tabi ni mama pero nawalan ata ako ng ganang kumain. Parang nasira na ang araw ko
"Oh sasama ka ba sa tour Edward?" tanong ni mama
I sense that he's staring at me so I just continue getting the food at hindi ko siya pinansin
"Opo" sagot naman ni Edward
Napangisi agad ako sa isip ko. I think magandang timing yon para gawin ang dapat matagal ko ng ginawa. Tumingin ako kay kuya na ngayon ay seryosong nakatingin kay Edward.
"Oh siya, ikaw na ang bahala dito kay Maxine ha" bilin ni mama kay Edward
Kung alam mo lang ma, malamang hindi mo masasabi yan.
"Oo naman tita" aniya at tinitigan ako, hindi ako nagiwas ng tingin at nakipaglaban sa titig niya "Siya pa ba eh malakas sa akin yan" aniya at umiwas ng tingin sa akin
See? Sa titigan palang bumibigay ka na
"Eh baka naman imbis na ingatan mo yang kapatid ko eh umuwi yan dito ng sugatan?" nagulat ako sa sinabi ni kuya. I'm looking at him, seryoso ba siya doon? Ngumisi naman si Edward
"Of course not, Iuuwi ko siya dito ng walang galos o kahit ano pa man" sagot ni Edward
Ngumisi lang si kuya at umiling-iling, I think Edward didn't get the point. Nang tignan ko si kuya ay nakangisi siya sa akin, so I rolled my eyes
"Kumain na nga kayo at baka malate pa kayo sa mga pasok niyo" ngumiti lang ako sa sinabi ni mama
After an hour, niyaya na ako ni Edward na pumasok na daw kami para hindi malate. Wala akong nagawa dahil sumangayon naman si mama sa kaniya, habang si kuya naman ay hindi na nagsalita pa.
"Good luck sa exam" aniya habang sinusuot ang helmet sa akin
I smiled at him. Wala ang isip ko sa exam namin, mas naiisip ko ang plano ko kesa sa exam na yan.
He smiled back at sumakay na sa motor, umangkas ako sa kaniya at niyakap ang braso ko sa bewang niya, well that's because I don't have a choice. Narinig ko naman ang mahinang pag tawa niya, napangiti naman ako.
Habang nasa biyahe kami, dinarama ko ang hangin na dumadampi sa balat ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim bago muling nagmulat.
Napangiti ako dahil ang sarap balikan noong panahon na ang mga pangyayari ay weird sa paningin ng iba pero perpekto sa paningin ko.
"Max"
Napatingin ako sa kaniya, seryoso siyang nakatingin sa akin. Kinabahan agad ako kaya nginitian ko siya at bumaba ng motor. Inalis niya ang suot kong helmet at seryoso akong pinagmasdan, hindi ko alam pero imbis na kabahan ako bigla akong napangiti. Kumunot naman ang noo niya
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...