CHAPTER 33

95 1 0
                                    

Guysss!! Sorry kung di po ako nakapag-update last week huh! Anyway eto na!! Actually dapat kagabi pa, kaso mahina po ang net kaya eto!! Enjoy reading


Chapter 33: Star

Max's POV

NAGULAT ako nang sabihin ni Edward ang katagang iyon. Pero wala naman akong magagawa, gusto ko din naman na iyon nga ang isipin ng mga tao. Na kami talaga.

Si Joshbie naman ay hindi maipinta ang mukha. Tila galit na hindi mo malaman. Kakaiba kasi siya, hindi mo basta-basta malalaman ang iniisip. Dumilim ang tingin nito kay Edward

"Mag-usap tayo mamaya" sabi nito kay Edward bago ako bigyan ng malamig na tingin tsaka umalis

Pinagmasdan ko muna ang papalayo niyang bulto hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Edward sino ba kasi iyon?" Tanong ko kay Edward na mahigpit ang kapit sa kamay ko

"Uh kaibigan ko lang" aniya bago nag-iwas ng tingin "baka nagtatampo kasi matagal ko ring hindi nakita" dagdag pa niya

Hindi na ako umimik pa at hinayaan na siya. Tumingin ako sa paligid at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Kakaiba dito ano?"

Naramdaman ko ang titig niya sa akin

"Paanong kakaiba?" Tanong niya

"Kakaiba, para kasing ang lungkot dito." Pagak akong natawa. Ang weird ko ba? Totoo naman kasing may kakaiba eh. Parang pakiramdam ko nakakulong ako dito.

"ah gano'n?" aniya

Tinignan ko siya, talaga bang gano'n ang tono ng kaniyang pananalita? Kung hindi ko lamang siya 'kaibigan' iisipin kong wala siyang ganang makipagusap sa akin.

"Tara na" pag-aya ko dahil nawalan ako ng gana na maglibot, gusto ko nalang atang magpahinga.

Hinawakan niya ang kamay ko at mas lumapit pa siya sa akin. Napalunok ako dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Grrrrrr kahit kailan talaga.

Hindi na bale, hindi naman magtatagal ito.....

Nang makarating kami sa parking lot ng university, agad siyang sumakay sa motor at iniabot niya ang helmet sa akin.

Napangiti ako, minsan ko na rin kasing pinangarap na sana makapagmaneho ako ng motor. I sighed.

"Are you okay?" tanong nito habang iniistart ang motor.

Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita "Oo naman. Kasi dati pangarap kong makapagdrive ng motor ih" sabi ko sa kaniya

"Edi, next time, I'll teach you how to drive"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Parang may paru-paro sa tiyan ko dahil sa excitement? Tama. Siguro nga dahil doon.

Hindi na kami nagkibuan hanggang sa pinaandar niya ang motor. Siguro kung siya si–. Hindi wala, dapat alisinko muna sa isip ko iyon.

Hindi ko na namalayan ang daang tinatahak namin dahil buonh biyahe sa kaniya ako nakatingin. Nangangarap na sana, sana naging mabuti nalang siya.

"Oy tang*na!" bumalik ako sa katinuan, nang makarinig ako ng sigaw

Muntik na pala kasi kaming mabangga. Tumingin agad ako sa paligid. Naka-go ang stoplight sa amin. Nakunot ang noo ko at tumingin sa isang rider na kaliwa namin. Is he trying to beat the red light?. Eto namang enforcer sa tabi namin hindi man lang sinita.....


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon