CHAPTER 24

115 5 0
                                    

Chapter 24: Rose

Maxine's POV

Naalimpungatan ako nang may yumuyugyog sa akin. Napamulat ako ng mata at kinusot ito. Nakita ko si mama na nakatayo sa paanan ko.

"Bumangon ka diyan at nag-iintay si Edward sa baba" Nanlaki ang mga mata ko dahil narinig ko ang pangalan ni Edward

"Sino ma!?" Sigaw ko dahil baka nagkakamali lang ako ng dinig

"Maxine Margarette wag na wag mo kong masigawan ha" Ani ni mama

"Sabi ko, bumangon ka dahil nasa baba si Edward" pag-ulit ni mama

Napatingin ako sa bintana, bago sa wall clock, alas-siyete ng gabi na pala. Nakunot naman ang aking noo, bakit nandito si Edward? Hindi ba uso sa kaniya ang gabi?

"Sumunod ka na ha, nag-iintay yon" aniya bago ako iwan sa kuwarto.

Sa halip na sumunod agad kay mama, kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko si Misha. Nakakinis talaga, hindi ba uso kay Misha yung tanungin man lang kung nasaan ang pinsan nya? Tch

'Misha, pwede bang pakiusapan mo 'tong pinsan mo dahil alas-siyete na narito pa sa bahay'

Sinend ko iyon at ilang minuto pa bago ito sumagot

'Nako ikaw na bes, keri mo na 'yan.'

Tch. Mag-pinsan talaga sila. Nakakinis naman. Natutulog na ako, talagang ginising pa ako ni mama para sa kanya. Hindi ba puwedeng sabihin nalang ni mama na bukas nalang dahil natutulog na ako!?. Ano ba namang buhay toh

Nakasimangot akong bumaba sa hagdan, nakita ko si Edward na prenteng nakaupo sa sofa. Napairap ako, ibang-iba siya kay Efraim. Kung si Efraim, mabait na makapal ang mukha, siya naman talagang makapal lang ang mukha. Nang mapansin niya ako agad akong nag-iwas ng tingin at naupo sa tapat niya

"What are you doing here? Hindi ba uso sa'yo ang gabi at nambubulabog ka?"

"Maxine!" Sigaw ni mama na kalalabas lang galing kusina at may dala pang tray kung saan nakalagay ang juice.

Naupo si mama sa tabi ko matapos niyang ilapag ang tray sa lamesita

"Maxine ha, hindi naman kita pinalaking ganiyan. Ano bang problema mo't lagi ka nalang atang buwisit kay Edward?" Tanong ni mama

"N-nako, okay lang po tita" napatingin ako sa kaniya habang umiinom ng juice. Kaya kinuha ko ang isang baso tsaka ini-straight

"Iyon nga po ang nagustuhan ko dyan, mataray kasi, kayang-kaya akong ipaglaban" Aniya

"Ewan ko ba sa batang ito, kay Efraim naman mabait—"

"Mom, Efraim is different from Edward. Don't compare them" Putol ko sa sasabihin ni mama sabay tingin kay Edward

"Siguro, bukas nalang tayo mag-usap. Ginising lang ako ni mama, I'm sleepy so.. Goodnight" Paalam ko at dire-diretsong umakyat sa kwarto.

Napahiga ako sa kama ko. Naiinis talaga ako, naiiyak ako sa inis actually. Tumagilid ako at pinagmasdan ang picture namin ni Efraim na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko iyon at pinagmasdan.

"You know what Efraim, kahit hindi naging maganda yung una nating pagkikita, iba yung tibok ng puso ko kapag nagtatagpo tayo—" pagkausap ko sa litrato niya

"—Pero kapag iyong kakambal mo, lagi atang sumasama ang araw ko. Sorry Efraim pero iyon ang totoo" dagdag ko pa

Nakarinig ako ng katok kaya umayos ako ng upo sa kama at ibinalik ang picture sa lamesa. "Pasok" sabi ko kasabay ng pagbukas ng pinto. Pumasok si mama at naupo sa tabi ko


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon