ANG KABANATANG ITO AY NAGLALAMAN NG MASASAMANG SALITA HUWAG GAGAYAHIN LALO NA SA MGA BATA DIYAN :>
~~~~~~~~~~~
Chapter 31: Deal
Max's POV
Naalimpungatan ako dahil narinig kong tumunog ang cellphone ko. Napatingin agad ako sa orasan na nakapatong sa bedside table. Alas-nuwebe ng gabi na. Nakatulog na pala ako. Kinusot ko ang mata ko at nakaramdam ako bigla ng gutom.
Tumayo ako at bumaba para tignan kung ano bang ginagawa nila kuya. Siguro si mommy nasa kwarto na iyon.
Walang katao-tao sa baba, nagkibit-balikat ako at tumuloy sa hapag-kainan. Nakita ko ang pagkaing kanina'y inaalok ni mommy sa akin. Hinila ko ang isang upuan at naupo doon. Kinuha ko ang cellphone kong nasa bulsa at inilapag sa lamesa.
"Hay tanga" sabi ko sa sarili ko dahil hindi man lang ako nakakuha ng pinggan.
Tamad akong tumayo at kumuha ng pinggan tsaka kutsara't tinidor. Pagbalik ko sa lamesa nilapag ko ang pinggan at kinuha nag cellphone ko.
May isang message si Edward.....
"Rereplyan ko ba?" Pagkausap ko sa sarili ko
"Sinong re-replyan mo?" Napasigaw ako nang marinig ko si kuyang magsalita
"Ano ba kuya!!!" Sigaw ko sa kaniya dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Naiinis ako eh. Inaantok-antok pa nga ako tapos magugulat ako? Aba mali naman ata iyon.
Napalunok ako dahil sa tanong ni kuya na ngayon lang nag-sink in sa akin. Hindi ko pwedeng sabihin na si Edward iyon!
Pinagmasdan ko si kuya habang kumukuha ng tubig sa refrigerator.
"So, sinong re-replyan mo?" Tanong niya habang nakatalikod sa akin
Isip....
"Ah!, S-si Misha kuya" mahina kong sabi
Tumango ito at isinara ang ref. Napalunok ako ng marahas. Naguluhan din ako bigla. Bakit ba kasi ako natatakot? Ano naman ngayon kung magalit si kuya kay Edward? Diba dapat lang yon?.
Napangisi ako nang maisip ko ang takbo ng plano ko, kaunti nalang. Humanda ka Edward, oras na malaman kong kasabwat ka, sa impyerno ang bagsak mo.
"Hey sis, mababasag ang baso sa higpit ng hawak mo"
Napabalik ako sa katinuan at tinignan ang basong hawak ko. Tuluyan ko itong nabitawan.
"Okay ka lang ba Maxine?" Napatingin ako kay kuya nang banggitin niya ang buong pangalan ko.
I stared at him. Kailangan kong maging kakampi si kuya sa pagkakataong ito. It's all about Edward na, it's all about his plans. Kailangan kong makausap si ate Pixie.
"O-okay lang ako kuya, aakyat na ako"
Hindi ko na inintindi ang nabasag na baso at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa kwarto, agad kong kinuha ang cellphone ko at itinext si ate Pixie.
'we need to talk'
Maya-maya'y tumunog ang cellphone ko, tumatawag siya. Napatingin ako sa wall clock, gising pa pala siya ng ganitong oras?.
['hello?']
Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya
"what are you doing?" Tanong ko, narinig ko ang paghinga niya
['nothing important']
"Kailangan maging kakampi ko si kuya sa pagkakataong ito. Help me"
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...